Katulad ng sinabi ng mag-asawang Benito ay nagtungo kami sa dalawa pa'ng lupain na pagtataniman ng mga cacao.
Halos isang oras ang layo nito sa mansyon, kaya naman habang nasa byahe ay naipapaliwanag ko na sa kanila ang ilang mga bagay tungkol sa negosyo.
"We'll going to visit Hacienda Miraflor one of these days," nakangiting saad ni Ginoong Alfredo.
Marami silang tanong tungkol sa hacienda, kaya hindi maiwasan na mailwento ko sa kanila ang tungkol sa pag-ibig ni Arman sa akin, na naging dahilan upang mailipat sa pangalan ko ang buong ari-arian nito.
Hindi ko na dinetalye pa iyon dahil naiilang ako kay Mateo. Kapatid niya si Arman at hindi ko maiwasan ang isipin na hindi ko sinasadyang magkaroon ng relasyon sa kanilang dalawa.
"Matapos mamatay ni Arman ay hindi ka na umibig muli?" tanong ni Ginang Lorie, na nakaupo sa tabi ng asawa nito. Kami ni Mateo ay nasa likod nila at sa unahan naman si Manong Elmer at isang babae na ayon sa mag-asawa ay sekre
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang nagpawala ng takot ko sa aswang kagabi, ang payo ba ni Mateo o ang cold treatment niya? Kanina pa ako gising ngunit masyado pang maaga kaya inubos ko na lamang ang aking oras sa pagtingin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nito at iisipin mong master's bedroom pero ayon sa mag-asawa ay kwarto ito ng panganay nilang anak. Maswerte ang kanilang mga anak dahil mayroon silang mabuting mga magulang, kompletong pamilya at masaganang buhay. Matapos ang ilan minuto pa'ng pagmumuni-muni ay napagpasyahan ko nang bumangon. Hindi ko alam kung mayroon pa ba kaming lakad ngayon kasama ang mag-asawa, pero ayon sa kanila ay nais nila kaming ipasyal sa isla. Dumiretso sa banyo upang maligo. Bago sana kami mamasyal ay gusto ko munang tapusin ang mga gawain sa opisina na ipinapa-send sa akin ni Lesie. Para na nga siyang boss kung makapag-utos at ako naman ang kan'yang sekretarya. Ang problema ko lang ay pap
Alas-tres na nang hapon nang makarating kami sa resort.Benito Island Resort. Iyan ang nakasulat sa malaking karatula sa ibabaw ng malaking bukas na gate.May ilang mga sasakyan doon na para sa turista katulad ng sumundo sa amin noon ni Mateo sa pantalan.Mayroong mga kubo at tatlong palapag na hotel building kung saan maaaring manatili ang mga bisita.Mabagal lamang akong maglakad sa maliit na batong inaapakan ko sapagkat pinagmamasdan ko ang buong resort."Maligayang pagdating po sa Benito Resort, Miss Cassandra and Mr. Mateo. Ako nga po pala si Jasmine, ang mag-a-assist sa buong stay ninyo dito sa resort." Ang tinig ng isang isang maganda at matangkad na babae, na lumapit sa amin, ang nagnakaw ng atensyon ko.Wala sana akong balak na matulala sa kan'ya kun'di nabigla ako sa halos lumantad nang pisngi ng kan'yang dibdib sa masikip nitong uniporme.Mayaman ang mag-asawang Benito, pero bakit naman tila matipid sa damit ang babaeng ito
Suot ang plain blue spaghetti strap dress ay lumabas na ako ng aking kwarto. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Mateo at pinakiramdaman kung naroon pa ba siya ngunit wala akong ingay na marinig.Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa baba. Wala ring taong nakatambay sa munting salas ngunit kaliwa't-kanan ang pabalik-balik na empleyado sa kusina. Lahat sila ay nginingitian ako.Madilim na nang lumabas ako, subalit abala pa din ang mga tauhan ng resort sa pag-istima ng mga bisita. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang ilang tents na mayroong mga ilaw. Tila hilera ito ng mga kainan sa tabing dagat.Naririnig din ang ingay ng mga tao, tawanan at kwentuhan. Sumasabay ito sa agos ng dagat sa dalampasigan. Buhay na buhay ang lugar at sigurado akong mahihirapan ang sinuman na dalawin ng antok."Miss Cassandra! Dito po." Ang pagtawag ni Jasmine sa pangalan ko, ang nagpalakad sa akin palapit sa isang tent na mayroong mahabang lamesa.K
It was a quick but familiar kiss.Mabilis akong bumangon nang mapansin ang paggalaw ng mga labi niya sa ilalim ng akin.Mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin. Aalis na sana ako nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin pahiga sa kan'yang dibdib.I can hear his heart pounding loudly. Malakas iyon at damang-dama ko ang tibok.Epekto ba iyon ng alak? Is he palpitating? Ayos lang ba siya?Tumingala ako upang sana ay tanungin siya pero napigilan ako nang masuyo niyang halik sa aking ulo."Nagseselos ka ba kanina?" tanong niya gamit ang paos na boses.Gusto kong pagtawanan ang tanong niya upang itago ang totoong sagot kaya lang ay lasing naman siya. Makakalimutan niya din naman kinabukasan ang sagot ko.Marahan akong tumango.Aaminin ko, nagseselos ako. Iba pala kapag nakikita mismo ng sarili kong mga mata na ibang babae ang kasama at kinakausap niya.Kanina pa bumabalik sa a
Gabi na at wala pa din si Mateo. Hindi ko siya nakitang pumasok sa kwarto niya kaya nag-aalala akong baka nasa laot pa ito. Ayoko pa sanang bumaba kaya lang ay sigurado akong hahanapin ako ng mag-asawa. Nang makapagbihis at makapagpahinga ay bumaba na ako. Sa hapag na ako ng dining area ng resthouse dumiretso dahil natanaw ko nang nakaupo doon ang mag-asawa. Wala yata akong ibang gagawin dito kun'di ang kumain. Sandali kaming nagkwentuhan habang hinihintay na ihain ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa ako nagugutom. Pakiramdam ko nga'y hindi pa din natutunaw ang kinain ko nang mag-isa kaninang lunch. Makalipas lamang ang ilang sandali ay isa-isa nang inihain ng mga katulong ang pagkain. Katulad ng inaasahan ko ay mga lamang dagat iyon. Mayroon pa'ng grilled fish na saktong-sakto sa laki ng bandehado. Subalit ang putaheng hindi ko inaasahan ay ang dala-dala ni Mateo. Mabango ito nakakatakam na nakalagay sa malaking mangkok
Ipinahiram muli sa amin ni Ginoong Alfredo ang kotse. Ito'y kahit pa pareho lamang ang pupuntahan namin. Mamaya daw kasing hapon ay mayroon silang sasalubungin na bisita. Hindi ako magkanda-ugaga sa paglingon sa aming dinaraanan. Nakakamangha ang road trip naming ito dahil tila kaunti na lamang ay malilibot na namin ang isla. Katamtaman lamang ang bilis ng pagmamaneho ni Mateo at mas lalo itong bumabagal kapag mayroon akong nakikitang magandang tanawin. "Wow! Ang ganda ng burol. Napaka-berde ng kulay nito!" Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang Isla Benito ay dinala ko ang aking camera. Sinundan ko pa nang tingin ang tanawin hanggang sa makalampas na kami. Sumandal ako sa shotgun seat at pinagmasdan ang larawang kuha ng aking cellphone. Every scenery in this island is breathaking. Marami pa kaming napuntahan na magagandang spot dito sa isla. Mayroong tumitigil kami at nagl
Nagkaroon kami sa umaga ng final meeting sa mag-asawa. Inayos namin ang bawat detalye ng negosasyon upang sa pagbalik namin ay magdadala na lamang kami ng mga punla at ilang kagamitan sa pagtatanim ng cacao."Mag-iimbita din po kami ng mga trainers at guest speakers para ma-seminar at nang maturuan ang mga magsasaka dito sa tamang pagtatanim at pag-aani ng cacao," sabi ko sa mag-asawang Benito habang nakaupo kami sa isang lamesa malapit sa dagat.Mainit na ang ihip ng hangin mula sa dagat pero hindi kami nagpaawat at nanatili pa doon. Sanay na sanay na din naman ang mag-asawa sa ganito."Okay. Pakipadala na lang sa sekretarya namin ang kontrata." Sasama sa amin bukas pagbalik sa Hacienda Miraflor ang sekretarya nila. Ito ang magsisilbing representative nila sa mga meeting at kukuha ng mga papeles."So, wala na rin naman kaming mga katanungan. Kailangan pa namin puntahan sa site si engineer at architect. Maiwan na namin kayo." Tumayo na ang mag-asawa.
Unti-unti nang nakikita ang mga bituin sa kalangitan nang makalabas ako sa resthouse. Inilibot ko ang mga mata at natagpuan sa buhanginan malapit sa alon ng dagat si Mateo. Nakatayo siya doon talikod sa akin. He is actually throwing stones into the sea. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na lumapit ako ngayon. I am sure he's mad at me. Mayroon kaming usapan at huli na ako ng isang oras. Tatalikod na sana ako at babalik sa resthouse nang makita ko si Jasmine mula sa hilera ng mga kainan. Naglalakad ito palapit kay Mateo. Bumalik ako at mabilis na humakbang patungo sa tabi ni Mateo upang maunahan ko ito. Mula sa aking gilid ay nakita ko ang pagtigil nito sa paglalakad at ilang sandali pa bago tumalikod at maglakad pabalik. Nang makalayo ito ay saka lamang ako tumingin kay Mateo. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Pinagmasdan ko siyang magtapon ng bato sa dagat n