Suot ang plain blue spaghetti strap dress ay lumabas na ako ng aking kwarto. Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Mateo at pinakiramdaman kung naroon pa ba siya ngunit wala akong ingay na marinig.
Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa baba. Wala ring taong nakatambay sa munting salas ngunit kaliwa't-kanan ang pabalik-balik na empleyado sa kusina. Lahat sila ay nginingitian ako.
Madilim na nang lumabas ako, subalit abala pa din ang mga tauhan ng resort sa pag-istima ng mga bisita. Ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang ilang tents na mayroong mga ilaw. Tila hilera ito ng mga kainan sa tabing dagat.
Naririnig din ang ingay ng mga tao, tawanan at kwentuhan. Sumasabay ito sa agos ng dagat sa dalampasigan. Buhay na buhay ang lugar at sigurado akong mahihirapan ang sinuman na dalawin ng antok.
"Miss Cassandra! Dito po." Ang pagtawag ni Jasmine sa pangalan ko, ang nagpalakad sa akin palapit sa isang tent na mayroong mahabang lamesa.
K
It was a quick but familiar kiss.Mabilis akong bumangon nang mapansin ang paggalaw ng mga labi niya sa ilalim ng akin.Mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin. Aalis na sana ako nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin pahiga sa kan'yang dibdib.I can hear his heart pounding loudly. Malakas iyon at damang-dama ko ang tibok.Epekto ba iyon ng alak? Is he palpitating? Ayos lang ba siya?Tumingala ako upang sana ay tanungin siya pero napigilan ako nang masuyo niyang halik sa aking ulo."Nagseselos ka ba kanina?" tanong niya gamit ang paos na boses.Gusto kong pagtawanan ang tanong niya upang itago ang totoong sagot kaya lang ay lasing naman siya. Makakalimutan niya din naman kinabukasan ang sagot ko.Marahan akong tumango.Aaminin ko, nagseselos ako. Iba pala kapag nakikita mismo ng sarili kong mga mata na ibang babae ang kasama at kinakausap niya.Kanina pa bumabalik sa a
Gabi na at wala pa din si Mateo. Hindi ko siya nakitang pumasok sa kwarto niya kaya nag-aalala akong baka nasa laot pa ito. Ayoko pa sanang bumaba kaya lang ay sigurado akong hahanapin ako ng mag-asawa. Nang makapagbihis at makapagpahinga ay bumaba na ako. Sa hapag na ako ng dining area ng resthouse dumiretso dahil natanaw ko nang nakaupo doon ang mag-asawa. Wala yata akong ibang gagawin dito kun'di ang kumain. Sandali kaming nagkwentuhan habang hinihintay na ihain ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa ako nagugutom. Pakiramdam ko nga'y hindi pa din natutunaw ang kinain ko nang mag-isa kaninang lunch. Makalipas lamang ang ilang sandali ay isa-isa nang inihain ng mga katulong ang pagkain. Katulad ng inaasahan ko ay mga lamang dagat iyon. Mayroon pa'ng grilled fish na saktong-sakto sa laki ng bandehado. Subalit ang putaheng hindi ko inaasahan ay ang dala-dala ni Mateo. Mabango ito nakakatakam na nakalagay sa malaking mangkok
Ipinahiram muli sa amin ni Ginoong Alfredo ang kotse. Ito'y kahit pa pareho lamang ang pupuntahan namin. Mamaya daw kasing hapon ay mayroon silang sasalubungin na bisita. Hindi ako magkanda-ugaga sa paglingon sa aming dinaraanan. Nakakamangha ang road trip naming ito dahil tila kaunti na lamang ay malilibot na namin ang isla. Katamtaman lamang ang bilis ng pagmamaneho ni Mateo at mas lalo itong bumabagal kapag mayroon akong nakikitang magandang tanawin. "Wow! Ang ganda ng burol. Napaka-berde ng kulay nito!" Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang Isla Benito ay dinala ko ang aking camera. Sinundan ko pa nang tingin ang tanawin hanggang sa makalampas na kami. Sumandal ako sa shotgun seat at pinagmasdan ang larawang kuha ng aking cellphone. Every scenery in this island is breathaking. Marami pa kaming napuntahan na magagandang spot dito sa isla. Mayroong tumitigil kami at nagl
Nagkaroon kami sa umaga ng final meeting sa mag-asawa. Inayos namin ang bawat detalye ng negosasyon upang sa pagbalik namin ay magdadala na lamang kami ng mga punla at ilang kagamitan sa pagtatanim ng cacao."Mag-iimbita din po kami ng mga trainers at guest speakers para ma-seminar at nang maturuan ang mga magsasaka dito sa tamang pagtatanim at pag-aani ng cacao," sabi ko sa mag-asawang Benito habang nakaupo kami sa isang lamesa malapit sa dagat.Mainit na ang ihip ng hangin mula sa dagat pero hindi kami nagpaawat at nanatili pa doon. Sanay na sanay na din naman ang mag-asawa sa ganito."Okay. Pakipadala na lang sa sekretarya namin ang kontrata." Sasama sa amin bukas pagbalik sa Hacienda Miraflor ang sekretarya nila. Ito ang magsisilbing representative nila sa mga meeting at kukuha ng mga papeles."So, wala na rin naman kaming mga katanungan. Kailangan pa namin puntahan sa site si engineer at architect. Maiwan na namin kayo." Tumayo na ang mag-asawa.
Unti-unti nang nakikita ang mga bituin sa kalangitan nang makalabas ako sa resthouse. Inilibot ko ang mga mata at natagpuan sa buhanginan malapit sa alon ng dagat si Mateo. Nakatayo siya doon talikod sa akin. He is actually throwing stones into the sea. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na lumapit ako ngayon. I am sure he's mad at me. Mayroon kaming usapan at huli na ako ng isang oras. Tatalikod na sana ako at babalik sa resthouse nang makita ko si Jasmine mula sa hilera ng mga kainan. Naglalakad ito palapit kay Mateo. Bumalik ako at mabilis na humakbang patungo sa tabi ni Mateo upang maunahan ko ito. Mula sa aking gilid ay nakita ko ang pagtigil nito sa paglalakad at ilang sandali pa bago tumalikod at maglakad pabalik. Nang makalayo ito ay saka lamang ako tumingin kay Mateo. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Pinagmasdan ko siyang magtapon ng bato sa dagat n
Wala akong tulog sa kakaisip ng sinabi ni Mateo kagabi. Bakit ba kasi hindi niya na lang ako diretsuhin ng rason? Hindi iyong, pinapatagal niya pa at pinapaisip ako. Ang malaki niyang ngiti ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pintuan ng kwarto. Mula sa kan'yang likod ay inilabas niya ang isang pulang rosas. "Good morning." He smiled, revealing his dimples. I can't help but smile as well. "Good morning din," pagbati ko pabalik. Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ko bago bumuntong hininga. "I promise to make things right this time," bigla ay sabi niya bago halikan ang aking noo. Tumango na lamang ako. Ayoko siyang kulitin na sabihin ang tunay na nangyari noon. Sasabihin niya rin naman ito pagbalik namin sa hacienda at saka na rin ako magdedesisyon kung nararapat ba'ng bigyan ko ng pangalawang pag-asa ang relasyon namin noon. Matapos mag-agahan ay nagpaalam na kami sa mga tao sa resort. Huli kong nilapitan si Chef Isagani. Nap
Maganda ang sikat ng araw kinabukasan nang bumyahe kami ng sekretarya ng mag-asawang Benito patungo sa Hacienda Miraflor. Kahit papaano'y napapagaan ng maayos na panahon ang kabang nararamdaman ko para sa pag-uusap namin mamaya ni Mateo. Pagdating sa hacienda ay dumaan muna ako kay Manang Dory upang iabot ang mga pasalubong ko galing sa Isla Benito. Kasama ang isang empleyado ko ay ibinilin ko muna sa kanila ni manang ang sekretarya ng mag-asawa. Marami pa akong kailangang emails na i-review at papeles na pipirmahan sa opisina. Sibalubong ako ng guard nang makitang bumaba ako sa kotse. Iniwan ko kay Manong Joel ang mga pasalubong na dala-dala upang ito na ang magbahagi sa mga empleyado at kay Lesie. "Good morning po ma'am," nauutal na sabi ng guard. Ngumiti ako sa kan'ya sa kabila nang pagtataka sa ekspresyon ng kan'yang mukha. Hindi ako madalas bumati pabalik sa mga empleyado ngunit sa nakikita kong pagkabahala sa kanilang mga mata, katulad nang naki
"Meeting adjourn!" Narinig kong sabi ni Veronica subalit nanatiling tutok ang mata ko kay Mateo. Malalim pa din ang paghinga niya, tila malayo ang tinakbo. As if he was chasing someone. "Mauuna na ako sa aking opisina Sandra. If you want to talk about something, feel free to come into my office." Ang sinabing iyon ni Veronica nang tumabi siya sa akin, sa tapat ni Mateo, ang pumukaw ulit ng atensyon ko. Ibinibaling nito ang tingin sa kapatid at matamis na ngumiti. "Thank you Mateo," makahulugan niyang sabi. Lumabas na ito nang pintuan kasunod ang ilang board members. Naiwan kaming tatlo doon ni Lesie. Mateo looked at me as if he was sorry about something. Mateo was Veronica's representative. Hindi kaya may kinalaman siya sa planong ito ng kapatid. Hindi niya naman siguro magagawa iyon sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. Naguguluhan pa din ako sa nangyayari. Mariin akong pumikit. Hi