Share

Chapter 82

Maganda ang sikat ng araw kinabukasan nang bumyahe kami ng sekretarya ng mag-asawang Benito patungo sa Hacienda Miraflor. Kahit papaano'y napapagaan ng maayos na panahon ang kabang nararamdaman ko para sa pag-uusap namin mamaya ni Mateo.

Pagdating sa hacienda ay dumaan muna ako kay Manang Dory upang iabot ang mga pasalubong ko galing sa Isla Benito. Kasama ang isang empleyado ko ay ibinilin ko muna sa kanila ni manang ang sekretarya ng mag-asawa. Marami pa akong kailangang emails na i-review at papeles na pipirmahan sa opisina.

Sibalubong ako ng guard nang makitang bumaba ako sa kotse. Iniwan ko kay Manong Joel ang mga pasalubong na dala-dala upang ito na ang magbahagi sa mga empleyado at kay Lesie.

"Good morning po ma'am," nauutal na sabi ng guard. Ngumiti ako sa kan'ya sa kabila nang pagtataka sa ekspresyon ng kan'yang mukha.

Hindi ako madalas bumati pabalik sa mga empleyado ngunit sa nakikita kong pagkabahala sa kanilang mga mata, katulad nang naki

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status