Buong akala ni Hope Vasquez ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang pakasalan siya ni Dr. Isaac Monteverdi, ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong bata pa lamang siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan lamang ng pagpapakasal ng lalaki sa kaniya ay para sundin nito ang kagustuhan ng kanilang mga magulang at para na rin takasan nito ang masakit na alaala sa dating kasintahan. Hope gave her all for Isaac para matutunan din siya nitong mahalin. She even gave up her glamorous career in show business and became the kind of wife every man dreams of. Subalit gumuho ang kaniyang pangarap na mamahalin din siya ng asawa nang biglang bumalik sa buhay nito si Angette, his first love. Kung kailan nagsisimula niya nang makuha ang loob ni Isaac ay saka naman ito bumalik para bawiin ito sa kaniya. Despite of everything Isaac did that could ruin their marriage, Hope remained loyal to him. Handa siyang magpakatanga at tanggapin ang pagtataksil nito as long as na hindi siya iiwanan nito. Subalit isang trahedya ang nagpabago sa kaniyang pananaw at sa pag-ibig niya para rito na buong akala niya ay walang katapusan. She wanted revenge. Gagawin niya ang lahat para iparamdam dito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya. She's willing to risk everything para maisagawa ang paghihiganti niya kahit pa ibig sabihin n'on ay kailangan niyang gamitin si Zeke, ang best friend niya na totoong nagmamahal sa kaniya. Saan kaya hahantong ang paghihiganti niya?
view moreSa convenience store.Mula sa counter, tahimik na nakatanaw sa labas ng convenience store si Angenette habang malalim ang iniisip. Inaalala niya si Hope. Kahapon ay muli niya itong sinubukang bisitahin sa ospital subalit natuklasan niya na na-discharge na pala ito.Napabuntonghininga siya. Gusto niya sanang personal na humingi ng tawad kay Hope subalit nag-aalangan siyang puntahan ito sa bahay nito at ni Isaac.Napadako ang tingin ni Angenette sa pinto nang bigla iyong bumukas. Laking gulat niya nang makitang pumasok ang ina ni Isaac na si Lorna kasama ang driver nito."So, ito pala ang convenience store na ibinigay sa 'yo ng anak ko," umiiling-iling na sabi ng ginang habang may nakakainsultong ngisi sa labi. "Ibang klase ka rin talagang babae ka. Hindi ko maisip kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob para maging ganiyan kakapal ang iyong mukha."Tiningnan muna ni Angenette nang sandali ang natutulog na si Timmy sa ilalim ng counter bago siya lumabas ng counter upang harapin si Lorna.
"We've been married for years, I was just wondering bakit wala pa rin tayong anak? Bakit nga ba, Isaac?"Hindi nakasagot si Isaac sa tanong ni Hope. Kinabahan siya at labis na napaisip sa kung paano sasagutin ang asawa."Am I perhaps... You know..." Bahagyang yumuko si Hope. "Ako ba ang may problema?""W-what do you mean?""Alam mo na... baog," halos pabulong na sabi ni Hope."What? No, no, no, you're perfectly fine." Umuklo si Isaac sa harapan ni Hope at hinawakan ang kamay nito. "There's nothing wrong with you."Binawi naman ni Hope ang kamay at nag-aalangan na tinuro siya. "Then, it's you?"Matipid ang ngiti na umiling si Isaac. "We're both fine, Hope. Ummm... w-wala pa tayong anak kasi... kasi wala pa siya sa plano natin. Ummm, gusto mo na ba'ng magka-baby tayo?"Bahagyang ngumuso si Hope at nag-isip. "Hmmm... It would be nice kaso sa sitwasyon ko ngayon I don't think I'm fitted to become a mom."Marahang hinaplos ni Isaac ang buhok ni Hope. "When you get better, we will."Tumango
Nagmamadaling lumabas ng opisina si Isaac matapos makatanggap ng tawag kay Doc Kevin na gising na si Hope. Bagaman natitiyak niyang naroroon ang kaniyang mga biyanan at si Zeke, hindi niya na inaalala ang mga ito. Ang importante sa kaniya ngayon ay ang makita ang kaniyang asawa.Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng silid ni Hope nang pumasok si Isaac. Masama ang tingin sa kaniya ng mga ito maliban kay Hope na ngayon ay maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha dahil sa pagkakangiti sa kaniya. Tila natutunaw ang puso ni Isaac sa tuwa nang makitang maayos na ito, bukod do'n, sobrang gaan ng pakiramdam niya na makita ulit itong nakangiti. Hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ngumiti ito sa kanila.Lumapit si Isaac kay Hope at niyakap ito. "K-kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya subalit nanatili lamang na nakatitig sa kaniya si Hope nang hindi napapawi ang matatamis na ngiti sa labi. Tila hindi ito kababakasan ng kahit na anong sakit o hinanakit. "Hope?""Bakit ngayon
Marahas na hinila ni Zeke si Angenette palayo sa pinto ng silid ni Hope. Tila nilayasan na siya ng pagkamaginoo niya sa naging asta niya sa babae. Galit na galit siya rito dahil isa ito sa mabigat na rason kung bakit napahamak si Hope. Hindi niya maisip kung saan si Angenette humuhugot ng lakas ng loob para magpunta roon pagkatapos ng gulong dinala nito sa relasyon nina Isaac at Hope."What are you doing here?" masama ang tingin na tanong niya kay Angenette.Kinakabahan namang napalunok si Angenette. Natatakot ito sa paraan ng pagtingin ni Zeke na parang isang leon na handang manakmal anumang sandali."Gusto ko lang makita si Ho—""What for? Para siguruhing hindi na siya magigising para tuluyan mo nang makuha si Isaac?" malupit na paratang ni Zeke pagkatapos, ngumisi. "Hinding-hindi ako makapapayag do'n, Angenette. Sisiguraduhin kong magigising si Hope kahit ano'ng mangyari. But don't worry, dahil kahit magkamalay na siya hindi ko na hahayaan pa ulit na makalapit sa kaniya si Isaac. I
Duguan at putok na ang gilid ng labi ni Isaac dahil sa ilang ulit na pagsapak sa kaniya ng amang si Roland. Sa kabila ng lagay ng manugang na si Hope ay mas inaalala pa ng matandang lalaki ang kahihiyang aabutin dahil sa ginawa ni Isaac.Sa gitna ng pagtatalo, naagaw ang atensyon nina Isaac nang bigla na lang nagkaroon ng ingay sa labas at biglang pagkakagulo ng ilan sa mga staff sa ospital."May babaeng nahulog sa building!" Narinig nilang sigaw ng nurse na tarantang dumaan sa harapan nila.Sabay-sabay namang nagkatinginan sina Isaac. Mabilis siyang pumihit sa pinto ng kwarto ni Hope at walang katok-katok na pumasok. Napaawang ang bibig niya nang sa halip na ang asawa ang makita, ang bumungad sa kaniya ay ang kurtinang isinasayaw sa ere ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na malaking bintana.Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Hilda sa napagtanto. Nakapasok na rin ito sa loob ng silid at katulad ni Isaac at ng iba pang saksi, gulat na gulat at takot na takot ito."Hope!"
Natigilan ang lahat sa isiniwalat ni Zeke. Napabitaw na sa kaniya ang daddy ni Hope at si Isaac naman ngayon ang pinagtuunan nito ng atensyon."Ano'ng kalokohan 'tong sinasabi ni Zeke, Isaac? Totoo bang may babae ka?!"Nasapo ni Isaac ang noo. "Look, Pa, magpapaliwanag po ak—"Hindi na nagawa pang tapusin ni Isaac ang sinasabi nang ang daddy ni Hope naman ngayon ang sumapak sa kaniya."Totoo nga!" Galit na galit na ibinagsak sa sahig ni Wilson si Isaac at pinaibabawan."Wilson, tama na! Layuan mo ang anak ko! There must be a misunderstanding! Hindi magagawa ni Isaac 'yon!" awat naman ni Lorna habang pilit na inilalayo si Wilson kay Isaac. Tiningala ni Lorna ang biyanang si Hilda upang hingan ng tulong para awatin ang dati nitong asawa ngunit balewala ang lahat ng pakiusap niya dahil wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak sa natuklasan. Hindi lubos akalain ni Hilda na matutulad sa kaniyang kapalaran sa pag-ibig ang pinakamamahal na anak. Nagsisisi siyang pumayag na ipakasal si Hope
Sakay na ng taxi si Zeke pauwi sa kaniyang condo. Pagkatapos mailibing kahapon ng kaniyang lolo nagpasya na siyang bumalik sa bansa. Bukod kasi kay Hope at sa trabahong naiwan ay iniiwasan niya rin ang magmukmok at malungkot sa pagkawala ng kaniyang lolo.Sumilip si Zeke sa bintana ng taxi at tinanaw ang kalsada. Bagaman saglit lang siyang nawala ay na-miss niya ang Duncan Mills. Naalala niya bigla si Hope. Miss na miss niya na rin ito. Sandaling nagtalo ang isip ni Zeke kung uuwi muna ba siya o pupuntahan ang kaibigan. Sa huli, napagdesisyunan niyang dumaan muna sa bahay nito kaya kaagad niya nang sinabihan ang taxi driver ng bago nilang destinasyon. Walang kaalam-alam si Hope na ngayon ang balik niya at gusto niya itong sorpresahin. Subalit hindi niya inaasahan na siya pala ang masosorpresa pagdating niya sa bahay nito.Hindi na mabilang ni Zeke kung ilang beses niya nang pinindot ang doorbell at kinatok ang pinto ng bahay nina Hope. Hindi siya umaalis dahil alam niyang may tao sa b
Pikit-matang ipinasak ni Zeke ang earbuds sa kaniyang tainga habang nakaupo sa bench sa labas ng silid ng kaniyang Lolo sa ospital kung saan ito naka-admit. Isinagpak niya ang volume ng pinapatugtog na kanta para hindi marinig ang palahaw ng mga kamag-anak dahil sa pagpanaw ng kaniyang Lolo. Iniwan niya na ang mga ito sa loob dahil hindi niya kayang tagalan ang mga ganoon na senaryo. He's hurt and also in pain just like his relatives pero kasalungat ng mga ito ang kaniyang naging reaksyon. He was quiet and didn't even shed a single tear."This is for the best," wika ni Zeke na para bang makakatulong ang sinabi para i-comfort ang sarili. "No more pain, Lolo."Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang biglang nag-vibrate iyon. Awtomatikong nag-ulap ang mga mata niya nang makita ang pangalan ni Hope sa screen."Hey," matamlay na bati ni Zeke. Bahagya siyang lumayo sa silid ng kaniyang Lolo para huwag marinig ni Hope ang iyakan ng mga kamag-anak."Why do you sound so down? Are you alrig
Nakaupo sa bench si Hope. Halos mapudpod na ang kuko niya sa daliri dahil sa kangangatngat niya rito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Angenette. Pinagmukha siya nitong masama sa mga mata ng tao. Higit sa lahat sa mga mata ni Isaac.(Flashback)"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa, Angenette. I'm begging you. Please stay away from my husband. Alam kong hindi naging maganda ang pagtatapos ng relationship niyo ni Isaac, pero Angenette ang lahat ng 'yon ay parte na lang ng nakaraan. Please, move on. Huwag mo na kaming guluhin ng asawa ko," pakiusap ni Hope.Kagat ang ibabang labi na napaluha si Angenette. Huminga siya nang malalim bago muna nagsalita. "I'm sorry, Hope... But I love him. Alam kong ako ang puno't dulo kung bakit tayo humantong sa ganito. And I am very sorry for dragging you into this mess... Alam ko na sobrang kapal ng mukha ko para sabihin 'to... Pero Hope, he was mine first... "Kung hindi lang sana ako naging mahina, kung hindi lang sana ako
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.