Share

Chapter 8

Habang nasa loob ng kotse ay di ako mapakali panay ang tapik ko ng aking paa. Di ko alam koung paano ko haharapin ang galit ni kuya. Minsan ko lang siya nakitang magalit at naging dahilan pa 'yun para mapatawag siya sa guidance office nung elementary. Sinuntok niya kasi ang classmate kong inaasar ako lagi na hindi kami magkapatid dahil di kami magkamukha. Sana lang ay di ako makakita ng suntukan mamaya. 

My brother is usually cheerful and kind kapag ako ang kasama niya, di ko lang alam kung gnun din siya kapag nasa trabaho o kapag nasa harap ng ibang tao. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang i-park na ng boss ko ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Pakiramdam ko ay di ko kakayaning  di indahin ang nag-ngangalit na galit ni kuya. Nakarating na kami sa harap ng pintuan kulang na lang ay magdoorbell kami para pag buksan ni kuya ang pinto. Kaya ko naman buksan 'yun dahil may spare ako, natatakot lang talaga akong harapin si kuya. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang biglang buksan ni kuya ang pinto. Nahigit ko ang aking hininga nang magtama ang tingin namin ngunit agad kong iniwas ang tingin sa kanya.

Di ako makatingin ng diretso sa mukha niya, dahil alam kong may kasalanan akong nagawa.

"Come in," sabi niya sa amin.

"Thank you," sagot naman ng boss ko.

Nang makapasok na kami sa loob ng boss ko ay pina-upo kami ni kuya sa mahabang sofa. Mabigat ang pakiramdam ng paligid namin para kaming naghihintay kung sino ang unang mag sasalita.

Naka de-kwatrong umupo si kuya sa tapat ko at tinapunan ako ng tingin. Nawala ang kaba ko nang hindi ko makita na galit ang kanyang mga mata, pag-aalala ang nakita ko roon. He may not be smiling but he is not mad.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" mahinahong tanong niya sa akin.

Walang dahilan para magsinungaling ako sa kanya,

"Napainom kasi kami kuya, tapos nalasing ako, tapos napuyat. Masakit pa nga ulo ko dahil sa hang-over, sorry kuya." Di ko pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso. Alam kong alam niya nang nakainom ako kagabi dahil ayon sa boss ko ay ako mismo ang nagsabi nun sa kanya.

"Bakit di ka umuwi saan ka natulog?" tanong niyang muli.

"Sa kanila Donna, take note di kami magkatabi kuya, walang nangyari at walang mangyayari sa amin," sagot ko sa kanya.

"Paano ka nakarating doon?"sunod niyang tanong.

"Sa pagkakakwento ni Donna, hinatid niya ako papunta roon."Sabay turo ko sa boss ko.

Nabaling ang tingin niya sa boss ko na cool na cool lang na naka-upo sa tabi ko.

"Bakit nalasing ang kapatid ko? Nilasing mo ba siya?"Nag-iba ang aura ng kuya ko.

"She drank to much alcohol, and no, I did not offer her any alcoholic drinks."

Oo, hindi niya ginawa yun dahil para lang akong invisible sa paningin niya.

"Ibig mong sabihin wala kang kasalanan bakit siya nalasing?"Paglilinaw ni kuya.

"Well, directly no, but I was one of the reason why she's at the bar last night because I brought her there." sagot ng boss ko.

"You brought her there but didn't offer her a drink?" medyo sarcastic ang pagkakatanong ng kuya ko.

"Yes, why don't you ask her if I did offer her a drink?" Sabay tingin sa akin ng boss ko.

"Oo kuya, hindi niya yun ginawa." Di ko kailanman naisip na ipagtatanggol ko ang impakto na 'to.

"Ibig sabihin kusa kang uminom?" Naka-kunot ang noong tanong sa akin ng kuya ko.

"Hindi, may client kami kagabi at ang secreatry niya ang naglalagay ng inumin sa baso ko."

"Client? Sino nga ulit ang lalaking to?" Tukoy ni kuya sa boss ko.

"Xavier Villafranco." Pagpapakilala ng boss ko, inabot niya ang kamay sa kuya ko para makipag shakehands, ngunit di iyon inabot ng kuya ko kaya binawi na lang niya iyon.

"My Boss." Dugtong ko.

Nakatingin lang si kuya sa boss kong prenteng- prenteng nakaupo sa kabilang dulo ng sofa.

"So you are the boss," pag-kumpirma ng kuya.

"Tell me why are you with my sister together with a client at the bar?"

"We had a meeting and our client invited us to hang out in a club." Pag uumpisa ng boss ko.

"Your sister was with me at the meeting because she is my personal secretary," dugtong pa niya.

Kumunot ang noo ng kuya ko.

"Kailan pa?"tanong niya.

Di ko nga pala nasabi iyon sa kanya.

"Since the other day," sagot ng boss o sa kanya.

Napapikit ako saglit sa pakikinig ko sa kanila, lagot ako. Ang alam ng kuya ko ay isa pa rin akong ordinaryong marketing staff.

"Personal Secretary? How personal is that 'Personal'?" tanong nito.

Napakunot noo ako sa tanong ng kuya ko. Di dahil sa pagtataka sa tanong niya, kundi dahil naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"It's not what you think, there's nothing romantic going on between me and your sister as of the moment. It just happened that I need one and she fits the job." he said flatly.

"May nangyari na bang pirmahan ng bagong contract? stating that she agrees to be your personal secretary?" tanong ulit ng kuya ko.

Nang marinig ko yun napa-isip ako.

'Oo nga noh, wala pang signing of agreement. Ibig sabihin invalid pa pagiging personal secretary ko, bakit di ko naisip yun, engot ko talaga.

"None, but she didn't decline the offer,"sabi naman ng boss ko.

Sa pagkaka-alala ko inunahan niya ko lumabas ng office kaya di na ako nakapag-protesta.

"Why don't you change that Job title and turn  it into 'executive secretary'."

Ano

dawyan

ang

tanong

na

pumasok

sa

utak ko nang

marinig ko ang

sinabi ng kuya ko, madalas

talaga

di ko maintindihan

ang

takbo  ng utak

niya,, bahala

na

nga

siya kung ano man ang trip niyaMas

maganda

nga

naman

pakinggan

ang executive secretary kesa personal secretary.

Napatingin ang boss ko kay kuya.

"I'll think about it, I like the word personal because I'm quite possessive." Sabay tingin sa kuya ko, at may nasilayan pa akong konting na ngiti sa labi niya.

Isa pa 'to, ano

na

naman

pinag

sasasabi ng impaktong 'to? Pareho

na

atang

nasira

ang

ulo

nila ng kuya

ko.

"Well that's a shame, akala ko pa naman lulusot na ako,"pa-iling-iling na sabi ng kuya ko.

"But I need an assurance, babae ang kapatid ko. Hindi magandang lagi siyang umuuwi ng late. If you really want to make her your personal secretary. Please ihatid mo siya sa bahay kung alam mong may meeting kayo at gagabihin, don't make her wander on dark street alone." Pakiusap ng kuya ko.

Ginawa mo pang driver ang boss ko kuya, as if naman papayag yan.

"Sure." Tipid na sagot ng boss ko.

Di ko inasahan ang  narinig ko, okay lang

ba

ang

impaktong to?

"Thanks, I hope that you'll keep your word." Nasilayan ko ang normal na ngiti ng kuya ko.

End of Chapter Eight

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status