Share

Chapter 7

Di ko alam ang gagawin ko nang maiwan kaming dalawa ng boss ko roon. Napatingin ako sa pagkain na nakapatong sa coffee table. Kumuha ako ng pinggan at nilagyan iyon ng spaghetti, wala talaga akong balak kanina na pansinin ang boss ko, kaya lang nakakahiya naman kong di ko siya na di alukin na kumain. Kaya ang pinggan na may spaghetti na supposedly para sa akin ay iniabot ko sa kanya.

Di naman ako napahiya dahil kinuha niya iyo mula sa kamay ko. Kumuha ulit ako ng pinggan at nilagyan iyon ng spaghetti para sa akin. Nagsimula agad akong kumain dahil una gutom na ako at pangalawa para may dahilan ako para di magsalita. Siguro nakatatlong- subo na ako ng spaghetti nang sinimulan niyang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

"How are you?" tanong niya sa akin.

Nakatitig lang ako sa pinggan ko at pina ikot-ikot ang spaghetti sa tinidor na hawak ko.

"Okay naman sir," sagot ko saka sumubo ulit ng spaghetti.

"No, headache?" tanong niya ulit.

Nakakapagtaka ang taong to? Daming tanong parang close kami?

"Okay na ako, kain lang katapat nito." Di ko pa rin siya tinitignan para ipakita na ayokong makipag-usap sa kanya.

Mula sa peripheral view ko ay nakita ko ang pagtango niya, nagsimula na rin siyang kumain. Ilang sandali pa ay nagsalita siya ulit.

"Won't you ask me why, I'm here?" Tanong niya sa akin.

Actually kanina ko pa gusto itanong 'yun sa kanya. Nabasa niya ata ang nasa isip ko.

"Bakit nga ba sir?" tanong ko sa kanya.

"I just wanted to check on you," sabi nito.

At bakit naman kaya? Para alamin kung nagbehave ako at kung may ginawa na naman akong kahihiyan? 

'Yun ang nasa isip ngunit di ko yun tinanong sa kanya siyempre.

"Concerned lang Sir?" Namamanghang tanong ko sa kanya.

"Yes," tipid na sagot niya.

Natahimik ako at napatigil sa pagkain, di ko inasahan ang sagot niyang iyon.

"I'm the reason why you were at the club last night and I'm at fault if something bad happens to you." paliwanag niya.

"Ahhhh," walang ganang sagot ko.

'Yun pala 'yun. 

Inusig lang pala ng konsensya ang boss ko. May mahalaga akong nalaman, na may konsensya pala siya. Nag-patuloy ako sa pagkain ko at ganun din siya.

"I have to tell you something." Basag niya ulit sa katahimikan.

"You're brother knew that you got drunk last night," sabi niya.

Buti na lang at tapos na akong kumain at naipatong ko na sa mesa ang pinggan ko. Kunghindi baka nabitawan iyon sa gulat sa sinabi niya. Nilingon ko siya kasabay ng nagtatanong kong mga mata.

"Paano niya nalaman, sinabi mo ba?" medyo napataas ang boses kong tanong sa kanya. Buti at nakabukas pa rin ang TV kaya di narinig ni Tita Liza ang sigaw ko.

"No, actually you told him." Nakatingin din na sagot niya sa akin.

"Paano nangyari yun? Tinawagan ko siya ganun at sinumbong ko ang sarili ko?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"You remember now?" tanong niya sa akin.

Napamaang na lamang ako, mukhang sinuplong ko nga ang sarili ko. Malamang dala na naman ng kalasingan ko kagabi. Bigla akong binalot ng kaba at pag-aalala, napakagat na lamang ako ng labi. Nai-imagine ko na ang magiging itsura ng kuya ko pag-uwi ko.

"Don't worry," sabi ng boss ko, naramdaman niya ata ang takot ko.

"Paanong di ako mag-aalala?" tanong ko sa kanya.

"Ano pa ang nangyari na di ko alam, baka meron pa? Sabihin mo na lahat sir 'wag mo na akong bitinin." Naiinis na sabi ko.

"Okay, he said he wanted to meet me today and explain everything that happened." Napasinghap na lamang ako sa sinabi niya.

Bakit kung sabihin niya iyon ay parang wala lang sa kanya? Sabagay di  pa niya nakikilala ang kuya ko.

Kung may sakit ako sa puso kanina pa ako namatay. Ayoko nang tanungin ang boss ko sa kung ano pa ang nangyari baka tuluyan ko nang ikamatay iyon. Gusto ko nang tumakbo pauwi ng bahay dahil sa takot ko kay kuya. Di ko pa nakikitang magalit ito ngayong malalaki na kami ito ang unang beses kung sakali.

Nang makabalik si Donna nagpaalam na ako na uuwi na. Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa kwarto niya at lumabas. Di ko na nagawang magpaalam kay tita Liza dahil baka natutulog na ito. Lumabas ako agad ng pinto ng bahay nila hanggang sa makarating sa gate.  Alam kong sinundan ako ng boss ko kaya mabilis akong naglakad.

"Wait up!" sigaw niya mula sa likuran ko.

Hinarap ko siya, ayoko talagang nakikipag-usap sa kanya ng malapitan dahil kailangan ko pang tumingala para makita ang mukla niya.

"Ano?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

"I would like to offer you a ride," sabi nito sa akin.

" What if I refuse, may magagawa ka ba?" Pagtataray ko pa rin.

"I guess I have to carry you again like I did last if that's the case." He's actually saying it with a smile, at bahagya siyang yumuko he literally looking down on me.

Dahil sa narinig at sa masyadong pagkakalapit ng mga mukha namin ay naalala ko ang mga sandali kung saan akala ko ay si Donna ang nagbubuhat sa akin. Ang maisip na siya ang taong 'yun si Xavier Villafranco, ay nagpabilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa taranta ay napaatras ako palayo sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Bakit ba bigla na lang bumilis ang tibo ng puso ko? May sakit na ba ako o baka lasing pa rin ako hanggang ngayon?

"No need, kaya ko maglakad papunta sa kotse mo." Tanggi ko sa alok niyang buhatin ako.

"Well, then it's settled." He gave me that I won smile. And walked pass me.

Loko talaga ang boss kong 'to ang dami niyang pa-effect para di ako makatanggi sa kanya.

There's something off sa pag-uugali ngayon ng boss ko. Pansin ko iyon sa kilos niya ngunit isinantabi ko na lamang iyon dahil may mas malaking problema akong dapat kong alalahanin. Sinundan ko na lang siya patungo sa kung saan naka park ang kotse niya. Pareho kaming sumakay roon, at nagsimula na siyang mag drive.

End of Chapter Seveb

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status