Share

Chapter 6

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako, napaupo ako sa kama at agad hinanap ang bag ko. Kinapa ko sa loob no'n ang cellphone ko, laking gulat ko nang makita ko kung anong oras na.  Nanlaki ang mga mata ko dahil alas dos na ng hapon. Saka ko napansin na hindi ko kwarto ito at lalong hindi ko kama ang tinulugan ko. Napasigaw ako sa taranta, napatakip ako ng kumot sa sarili ko. Kung anu-ano na ang tumakbo sa utak ko baka may kumidnap sa akin tapos dinal ako rito. 

Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa si Donna na humahangos.

"Besh, Anong problema? Bakit ka sumisigaw?" tanong niya habang naghahabol ng hininga

 Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

Ibig sabihin andito ako sa bahay ni Donna?

Inalala ko ang nangyari kagabi, medyo malabo pero naaalala ko na hinalikan ko siya. Bigla akong nahiya sa sarili ko.

"Hoy! Gising ka na ba talaga?" tanong niya sa akin.

Nagbalik naman sa katinuan ang utak ko. Di ko maiwasan ang tumingin sa kanya at maasiwa.

"Magkatabi ba tayong natulog?" nag-aalalang tanong ko, baka kasi may nagyari sa amin sa sobrang kalasingan ko.

"Hindi noh, anong tingin mo sa akin? duh!" Tanggi niya habang nakataas ang isang kilay.

"Bakla, para kang tanga. Ano may naalala kang kahihiyan na ginawa mo kagabi noh?" usisa niya sa akin.

Nagpapanggap

ba

siya

na

wala

siyang

alam? o  inaasar lang niya ako?

"Nakakahiya talaga ginawa ko sayo. Di na talaga ako iinom," sabi ko sa kanya at  di makatingin ng diretso. Napakunot naman siya ng noo at tila nagtataka.

"May tama ka pa rin ba, anong pinagsasabi mo?" tanong niya sa akin na parang wlang ideya kung ano ang sinasabi ko.

"Kunwari ka pang nakalimutan mo, siguro ayaw mo lang alalahanin kasi nandidiri ka." Paratang ko sa kanya.

"Ha?" nagtataka pa ring tanong niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi ipaalala sa kanya.

"Diba sinundo mo ako kagabi, tapos nag-drama ako kasi may nagnakaw ng first ko sa club tapos, hinalikan kita," sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at parang may napagtanto. Bigla siyang napatayo at napatili na parang kinikilig.

Anong problema nito.

"OMG! Bakla!" sigaw niya.

Nagtataka ako sa ginagawa niya, bakit ba siya kinikilig? Crush ba ako nito o ano?

"Oh bakit parang kinikilig ka diyan? Tanong ko sa kanya.

"Bakla!" sigaw pa rin niya.

"Ano ba?" inis na sigaw ko sa kanya.

"Bakla!OMG!"

Isa pang sigaw niya at babatuhin ko na siya ng unan.

"Bakit ka ba tumitili?" Narinding tanong ko sa kanya, waleng ka-edi-ediya kung kung bakit siya kinikilig.

"Gabriela De Guzman! hindi ako ang hinalikan mo," sabi niya at di rin nawawala ang kilig sa mukha niya.

"Hindi ikaw? Sino na namang estranghero ang hinalikan ko?" Nanlulumong tanong ko.

"Si Sir Xavier," sabi niya.

"Bakit naman napasok sa usapan ang impaktong 'yun?" Inis na tanong ko.

"Ang ibig kong sabihin, si Sir Xavier ang hinalikan mo at hindi ako. Hindi ako ang sumundo sayo kundi siya." Kinikilig na paliwanag niya.

"Ha?Paano nangyari yun? Paano naging siya ehh ikaw ang tinext ko kagabi." Di naniniwalang sabi ko sa kanya.

Kinuha kong muli ang cellphone ko at tinignan ang messages ko.

"Wala kang tinext sa akin," kumento niya habang hinahanap ko ang message ko sa kanya kagabi. 

"Weh, paano ako napunta dito?" pilit ko pa rin hinahanap ang message ko sa kanya.

"Tignan mo may message ako sa--" 

Di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong hindi ko sa kanya na send ang message ko kundi sa boss ko. Pakiramdam ko ay lalong  sumakit ang ulo ko.

"Paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanya, di ko matanggap ang katotohanan na di nga siya ang tinext ko.

"Tinawagan ako ni sir Xavier, nakita niya siguro yung number ko diyan sa phone mo," sagot niya sa akin.

"Tapos tinanong niya kung pwede ka niyang dalhin dito sa bahay, pumayag naman ako," kwento niya sa akin.

Naniniwala na akong hindi nga si Donna ang sumundo sa akin at ang hinalikan ko. Mas lalo tuloy akong nahiya para sa sarili ko.

"Besh! Anong gagawin ko?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Saan?"

"Sa boss ko?" 

"Ligawan mo," biro niya.

"Beks naman eh," pagmamaktol ko.

"Ehh diba nga sabi mo sa mapapang-asawa mo lang ibibigay ang first kiss mo. Since ninakawan mo siya ng halik considerd first kiss mo siya, kaya kelangan mo siyang mapangasawa. H'wag mo sabihin sa aking aarte ka pa," singhal niya.

As if naman gagawin ko ang suggestion niya.

"Ikaw pa talaga namili ng first kiss mo, sana all."

"He is not my first kiss,"sabi ko sa kanya.

"Ha, ehh sino? Bakit di mo kinikwento sa akin? Kelan pa yan, bestfriend mo ba talaga ako?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Siyempre bestfriend kita, kaya lang--"

"Kaya lang ano? Paano nangyari yun," putol nya sa sinasabi ko.

Napakamot na lang ako ng akong ulo at kinwento sa kanya ang nangyari kagabi.

"OMG! Bakla ka, nakadalawa ka sa isang gabi." Di ko alam kung nakikisimpatya siya o natutwa sa nangyari.

"Huwag ka nga mag-react diyan na parang natuwa ako sa nangyari." Naiiratang sabi ko sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin, sino ang may mas malambot na labi?" panunudyo niya sa akin.

Bwisit! kaibigan ko ba talaga 'to?

"Sira ulo!Tigil tigilan mo ako puro ka kalokohan!" singhal ko sa kanya.

Bumaba ako sa kama.

"Makaligo na nga lang, pahiram ng twalya at damit," sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at may kinuha sa loob ng ng aparador. Inabot niya sa akin ang isang twalya at Tshirt at pinag-liiting jogging pants.

"Kasya naman siguro sa'yo 'yan, magkasing-sexy naman tayo." biro niya.

Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa bahay nila ng tita niya kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa loob ng bahay nila.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso papuntang banyo, nakasalubong ko rin ang tita at binati ito at muling naglakad.

Pumasok ako sa loob ng banyo at nag-hubad. Binuksan ko ang shower hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy nito sa buo kong katawan. Napakaginhawa sa pakiramdam ng tubig. Di ko pa rin maiwasan isipin ang mga nangyari kagabi.

Siraulo

ka

talaga Gabriela, anong

gagawin

mo

'pag

nagkita kayo ng boss moIto

na

ba

ang sign para mag resign ka? Hindi yun papayag magresign ako, paborito ako nung

pagalitanMag-awol

na

lang

kaya ako? Hindi

rin

pwede

panira ng records.

Ang impaktong 'yun ba talaga ang hinalikan ko? 

Napahawak ako sa labi ko at inalala ang ginawa kong paghalik sa kanya.

"Haay naku Gabriela, itigil mo yan!" Saway ko sa aking sarili.

Kung mag-tatagal pa ako sa pagligo ay baka kung ano pa ang maisip ko kaya binilisan ko na ang paglilinis sa katawan ko. Kasyang kasya sa akin ang damit na pinahiram ni Donna. Pagkatapos kong magbihis ay naglakad ako pabalik sa kwarto, ngunit wala na roon si  Donna. Inilapag ko lang ang gamit ko sa ibabawa ng kama at isinabit ang twalya sa hanger na nakasabit sa hawakan ng aparador.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa sala baka sakaling andun si Donna.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang boss na nakaupo sa sofa at kausap ang tita ni Donna. Mabuti na lang at nakaharap siya sa direksyon ni tita liza, at di iya nakita ang reaksyon sa mukha ko nang makita siya. Andun din si Donna naka-upo sa kabilang dulo ng sofa at nanonood sa tv.

Naramdaman niya marahil ang presensya ko at napatingin siya sa direksyon ng kinatatayuan ko. Tinitigan ko siya, tinanong ko siya kung anong ginagawa ng boss ko rito, naintindihan niya naman ang nais kong iparating kahit di ako nagsalita. Nagkibit balikat siya upang iparating sa akin na hindi niya din alam ang dahilan.

Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila, napansin iyon ng boss ko kaya nabaling ang tingin nito sa kinaroroonan ko. Sinadya kong di siya tignan at nagsimulang maglakad palapit kay Donna. Nang makalapit ako sa kanila ay hinila niya ako upang umupo sa espasyo sa pagitan nila ng boss ko.

"Andito na pala ang hinihintay mo hijo, mag-merienda na kayo at may gagawin pa ako sa kwarto. Dominador ikaw na ang mag-asikaso sa mga bisita natin," sabi ni tita Liza at tumayo papunta sa kinaroroonan ng mga kwarto.

"Si tita Liza talaga, donna nga diba." reklamo ni Donna.

"Kumain lang kayo diyan ha, may bibilhin lang ako sa labas." Biglang paalam ni Donna.

Napatingin ako kay Donna, 'Ano to iiwan mo kaming dalawa rito' Yan ang ipinarating ko sa kanya gamit ang titig ko. Alam ko na nagdadahilan lang ang kaibigan ko para makaalis. May binabalak siya kaya niya kami gustong iwan ng boss ko rito.

Bago ko pa siya mapigilan ay kumaripas na siya ng lakad patungo sa pintuan, kumindat pa siya sa akin bago tuluyang lumabas.

End of Chapter Six

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status