HABANG TUMATAGAL ay napapadalas ang paglabas-labas nilang tatlo nina Carina at Tom. Mas nagiging komportable na rin siya kay Tom ngayon dahil in fairness ay mabait ito sa kanya. At kailangan niya ng kaibigan kaya siguro may mga sandaling hindi na niya mapigilang maglabas ng mga sama ng loob niya rito. Iyong mga maliliit na bagay lang naman. Iyong mga kaya lang niyang sabihin ditto. At kung si Wendy ay hindi na nagpupunta sa bahay nila, si Carina naman ay halos inaaraw-araw na nito ang pagluluto ng dinner para kay Genis. Kung nung una ay naiinis siya, ngayon ay hinahayaan na lamang niya ito. At least man lang ay nakakasalo niyang magdinner si Genis nang dahil kay Carina. Naninibugho pa rin siya kapag nakikita niya ang kakaibang turing ditto ng asawa pero ano bang magagawa niya? Namamanhid na rin siguro siya at nagsasawa na siyang umiyak gabi-gabi kaya pinagtuunan na lamang niya ng pansin ang pag-aaral magbake. “Damn, this is the mos
NAPAHINTO SA PAGPASOK SA LOOB NG BAHAY SI GENIS. Napakuyom ang kanyang mga palad. Narinig niya ang sinabing iyon ni Tom. Sa halip na tumuloy sa loob ay sumakay siya sa kanyang big bike at pinatakbo iyon ng matulin palabras ng bahay. Dumiretso siya sa isa sa kanyang mga pub house. Alam na ng waiter kung ano ang ibibigay sa kanya nang itaas niya ang isang kamay niya. Hindi niya maintindihan kung ano itong takot na nararamdaman niya sa dibdib niya nang makita niya sina Tom at Amanda na mukhang nagkakamabutihan. Hindi niya masisisi si Amanda kung mabaling sa iba ang pagtingin nito. Hindi ba at siya ang nagtataboy rito palayo sa kanya? Kaya kung may dapat mang sisihin kung napapalapit ito kay Tom, walang iba ay kundi siya. Binabalewala lamang niya iyon at gusto niyang ituon ang atensyon niya kay Carina dahil pilit niyang binubura ang kung anumang nagsisimula niyang maramdaman para kay Amanda. But damn, bakit kahit na anong pilit ang gawin niya,
PARA SIYANG MABABALIW habang inaangkin niya ang mga labi ni Amanda. Kahit lasing na lasing siya ay buhay na buhay pa rin ang kanyang pagkalalaki sa alindog ng babaeng ito. Pumaibabaw siya rito habang ang kanyang isang kamay ay pumasok sa loob ng suot nitong lingerie. Narinig pa niyang umungol ito nang ipasok niya ang kamay sa loob ng bra nito at lamutakin ang maumbok nitong dibdib. Mas lalo naman siyang ginanahang romansahin ito. Hinila niya pababa ang suot nitong panty saka tini-trace ang hiwa sa pagitan ng mga hita nito. Nagsisimula na iyong mamasa. “Ohh,” sabi nito habang napapaigtad sa kiliting binibigay ng kanyang daliri sa pagitan ng mga hita nito. Tuluyan na niyang hinubad ang suot nito saka sabik na sabik na sinupsop ang dibdib nito, palipat-lipat sa kanan at kaliwa habang ang kanyang mga kamay ay abala naman sa pagroromansa sa hiyas nito. “Genis. . .I love you,” dinig niyang sabi nito sa kanya. Bigla ay para siyang binuhus
MAAGANG gumising ng araw na iyon si Amanda. At hindi gaya dati, hindi siya nagluto ng breakfast. Hinayaan na lamang niya na si Sally ang magprepare niyon total alam naman niyang masasayang lamang ang effort niya. Naisip niyang sa halip na magmukmok sa isang tabi ay kailangan niyang libangin ang sarili. Nagmessage siya sa Nanay niya na uuwi siya ng Sta. Elena dahil namimiss na niya ang mga ito. Excited ang nanay niya sa binalita niya kaya bigla itong napatawag. “Magba-bus ka lang? Hindi ka ba sasamahan ng asawa mo? Simula nang ikasal kayo ay never pa siyang pumasyal ulit ditto?” “Alam nyo namang masyadong busy si Genis ngayon ‘nay. Saka hindi pa ba ako sapat?” Pabiro pa niyang sabi ditto. “Naku, alam mo namang miss na miss ka na namin. Pero iba rin syempre kung kasama moa ng asawa mo. . .” “Hayaaan nyo next time isasama ko sya,” sabi na lamang niya sa ina para di na ito mag-usisa pa. Pagkababa ng telepono ay iginayak kaagad niya
KUMUNOT ANG NUO ng kanyang ina, “Amanda, magsabi ka sakin ng totoo, nag-away ba kayo ni Genis?” Napalunok si Amanda, hindi na niya kayang iwasan pa ang tanong ng ina, tuluyan na siyang napaiyak, “Mommy. . .”parang batang sabi niya, “Pwede po bang tayo lang munang dalawa ang makaalam nito? Huwag nyo na munang sabihin kahit na kanino?” pakiusap niya sa ina. Tumango ito. Sinimulan niyang ikwento sa ina ang lahat. Hindi makapaniwalang ginagap ni Aling Nena ang kanyang mga kamay. Gulat na gulat ito sa lahat ng mga sinabi niya. “Diyos ko, ibig sabihin pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyon?” Nag-umpisa nang pumatak ang mga luha nito, “At pinagbibintangan niyang isa ang Daddy mo sa. . .” para itong mahihimatay habang iniisip ang lahat ng kanyang mga sinabi. “Hindi mamatay tao ang Daddy mo!” Mariing sabi nito sa kanya. “Mommy, sa palagay nyo po kaya mag-iimbento si Genis ng ganun kabigat na paratang kay Daddy?” Mahinang tanong niya rito.
BAKIT BA PARANG nanghihina siya kapag kaharap na niya si Genis. Na para bang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya para ditto ay naglalaho? Ipinangako niya sa sariling hindi na siya magiging marupok. Na hinding-hindi na niya ibibigay ang sarili niya sa lalaking ito hangga’t hindi nagbabago ang turing nito sa kanya and yet mukhang hindi na naman niya iyon mapaninindigan sa ngayon. Paulit-ulit niyang minumura ang kanyang sarili dahil daig pa niya ang isang babaeng bayaran kapag inaangkin na siya ni Genis and yet di niya kayang magpakatatag. Nagiging marupok siya sa isang iglap. Isang halik lang nito, nawawala na ang lahat ng dinadamdam niya. Buong puso, buong pagmamahal niyang tinugon ang maiinit nitong mga halik kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha. Hinding-hindi siya magsasawang mahalin ang lalaking ito. Hinding-hindi hihinto sa pagtibok ang puso niya para ditto. Napasinghap siya nang igiya siya nito paupo sa harapan nito habang unt
WALANG KIBO ang Mommy niya nang magpaalam siya sa mga ito. Alam niyang masama ang loob nito dahil sumama pa rin sya kay Genis pabalik ng Maynila. Kagabi nang mag-usap sila ay panay ang pakiusap nito sa kanya na dumuon na muna siya sa Sta. Elena. Ngunit sinunod pa rin niya ang kagustuhan ni Genis. Tahimik na tahimik lamang siya habang binabagtas ang daan patungo sa Maynila. Gayundin naman si Genis. Wala itong imik habang nakasandal. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na lamang na makatulog dahil halos di na siya nakatulog kagabi pagkatapos nilang magtalik. Gustong-gusto na ng mga mata niyang magpahinga ngunit naglalakbay ang diwa niya. Napakaraming tanong ang naglalaro sa utak niya. Ang sabi ng Mommy niya ay makipaghiwalay na raw siya kay Genis. Huwag raw niyang payagang apihin siya nito at abusuhin. Kung mayroon pa raw natitirang respeto sa sarili niya, makipaghiwalay na raw siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
“DAD. . .” MAHINANG usal ni Amanda habang nakatingin sa kanyang ama na nakahiga habang maraming nakasaksak na apparatus sa katawan nito. Parang dinudurog ang puso niyang makita ang ama sa ganuong kalagayan lalo pa at nasabi ng ina niya ang dahilan kung bakit ito inatake. Hindi naman niya magawang sisihin ang ina. Kasalanan rin naman niya dahil sinabi niya ang problema niya sa kanyang Mommy. Alam naman niyang di ito makakatiis kahit na ano pang pakiusap niya, sasabihin at sasabihin rin iyon nito sa kanyang Daddy. Paglabas niya ng silid ng ama ay nakita niyang nakakuyom ang mga palad ng Kuya Lukas niya habang kausap ang ina niya. Nakagat labi siya. Tumayo kaagad ang Kuya Lukas niya pagkakita sa kanya. Napahinga siya ng malalim. Gustuhin man niya ay di na niya maibabalik pa ang mga nasabi niya sa ina. Sana pala ay sinarili na lamang niya ang pinagdadaanang mga problema. “Ma, may usapan tayo, di ba?” Hindi na nakatiis na sumbat niya rito, “Dapat pala sin