Share

Kabanata 97

"Nagustuhan ko." Ngumiti si Yi Jinli at inilapag ang tag na hawak sa lamesa. "Ate, balang araw bibilhan kita ng maraming maraming sweater. Kahit iba-iba suotin mo araw-araw, hindi mauubos."

"Maraming marami? Paano ko naman susuotin kapag sobrang dami?" Hindi mapigilang matawa ni Ling Yiran sa sinabi ni 'Jin' at para sakanya, para lang itong bata na hindi alam kung ano ang sinasabi. "Akin na yung kamay mo, susukatin ko lang."

Habang nagsasalita si Ling Yiran, kinuha niya ang medida at sinukat ang kamay ni 'Jin'.

Nang maramdaman ni Yi Jinli na sobrang lamig ng mga kamay ni Ling Yiran, biglang kumunot ang noo niya. "Wag ka na magtahi, ang lamig-lamig ng mga kamay mo."

"Ano ka ba! Okay lang. Wag ka malikot, baka magkamali ako ng sukat." Sagot ni Ling Yiran na sobrang seryoso sa pagsusukat. "Nandito naman tayo sa loob ng bahay kaya wala ng ilalamig 'tong mga kamay ko. Nagwawalis nga ako ng madaling araw at hating gabi eh! Yun talaga ang malamig kaya madalas hindi ko na halos maramda
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status