Share

Kabanata 5

Rhianna's POV.

"Sinabi ko ba sa 'yo na lumabas ka ng bahay?!" 

Pagkauwi pa lang namin ng bahay ni Drew ay isang sigaw na agad mula sa kanya ang natanggap ko. Ramdam na ramdam ko na agad ang galit niya sa bawat titig pa lang niya sa 'kin. Yumuko lang ako at hindi ako umimik sa kanya.

"Akala ko kasi ikaw ang may pakana nang pagpunta ng mga lalakeng 'yon dito. Akala ko... Akala ko gusto mo na mailipat ko ang atensyon ko sa kanila para hindi na ko maghabol sa 'yo. Para hindi na ko masaktan sa 'yo." Hindi ko pa rin inaangat ang paningin ko sa kanya dahil natatakot akong salubungin ang mga titig niya sa 'kin.

"Heh. Are you kidding? Hindi ko kailan man gagawin ang bagay na 'yon." Tumawa siya ng mapakla sa akin.

Inangat ako ang aking mukha at tumingin sa kanya.

"Are you-"

"Dahil mas gusto ko pang masaktan ka ng husto kaysa maging maligaya sa iba habang ako, naghihirap makaalis lang sa pagkakatali sa 'yo. Fair lang 'yon, hindi ba?" 

Muli akong napayuko dahil sa sinabi niya. You're so stupid, Rhianna. Mas'yado kang naniwala sa sarili mo na mayroon pang pag-asa, na may pag-asa pa para mahalin ka rin niya. 

"Bakit gano'n no? Nagmamahal lang naman ako eh, pero bakit kailangan ko pang masaktan? Wala naman akong ginawang masama para parusahan ako ng ganito. Nagmahal lang naman ako." Pinigilan kong mapaluha sa harapan niya at pilit pinasilay ang ngiti ko kahit na kanina pa naririnig ang paghikbi ko.

Kaya lang aabutan talaga ako sa punto na hindi ko kayang pigilan ang pagluha ko. Sa pagbagsak ng mga luha ko ay agad ko itong pinunasan. Patuloy lang akong punas ng punas sa mga luha kong wala na yatang katapusan sa paglabas sa aking mata.

"Dapat mo kasing malaman at maintindihan na kapag nagmahal ka, kailangan mo rin ng acceptance. Kailangan mo kasing unawain na tayong dalawa ay parang buwan at araw. We are maybe perfect for each other, but we are not meant to be together." 

Natigilan ako sa sinabi ni Drew at napaisip. 

Every words that he throws at me, I felt like my heart is burning. How I wish na sana ay mawala na agad ako sa mundo. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, bigla na lang sumikip ang dibdib ko at nahirapan na naman akong huminga. Hindi ko na rin madinig ang sinasabi ni Drew dahil nanghihina talaga ang buong katawan ko. Basta alam ko lang, lumapit siya sa akin. Pagkatapos ay tuluyan na kong nawalan ng malay.

Jared's POV.

"How dare you, Drew! Walang kasalanan ang kapatid ko sa 'yo! Lahat ginawa niya para sa 'yo at alam mo 'yan! How could you do that to her!" 

Kung hindi lang ako marunong kumontrol ng emosyon ko ay baka kanina ko pa napatay ang tao na nasa harapan ko ngayon.

Nandito kami ngayon sa ospital dahil inatake na naman sa puso si Rhia at ang hayop naman niyang asawa ay kalmado lang na parang walang nangyari. Sa tingin ko talaga hindi siya tao dahil sa walang emosyon niyang puso.

"Tss. Are you still blaming me? I haven't done anything to her. Tsaka siya ang may gusto na makasal kami, 'di ba? Pinapakita ko lang sa kanya na sa piling ng taong hindi siya gusto, puro sakit lang ang ibibigay sa kanya." 

Hindi ko alam kung maiintindihan ko ang sinabi niya o mas lalo lang talaga niyang pinapakulo ang init ng ulo ko.

Dahil sa galit ko ay hindi ko na mapigilang suntukin siya sa mukha. Sandali siyang natigilan sa ginawa ko at pagkatapos ay matalim ang mata niya kong tinitigan saka dire-diretsong umalis. 

Hindi ko na siya hinabol at pumunta na lang sa kuwarto kung nasaan si Rhia. Pagkadating ko roon ay naabutan ko si Rhia na nakatingin sa kung saan. 

Gising na pala siya. Lumapit ako sa kanya at nginitian siya.

"Rhia, okay na ba ang pakiramdam mo?"

Lumingon siya sa direksyon ko at tinitigan ako. Mga ilang minuto siyang hindi umimik at pagkatapos ay nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Kuya, can you please tell me the truth."

Napayuko ako sa sinabi niya. Tila naghahanap ng salita na p'wede kong isagot sa kanya. Hindi ko alam kung p'wede ko bang sabihin sa kanya ngayon ang tungkol sa sakit niya. Natatakot kasi ako.

"Please... Kuya. I wanna know the truth." 

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga pagkatapos ay iniangat ko ang aking ulo at nagpasiya na sabihin na nga lang sa kanya ang totoo.

"I'm sorry, Rhia. I know na hindi ko dapat tinago sa 'yo ang sakit mo." Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga katagang 'yon.

Kumunot ang noo ni Rhia dahil sa sinabi ko at parang naguluhan sa sinabi ko.

"Sakit? Anong sakit?"

"There is a hole in your heart. That's why sa tuwing napapagod ka o kaya nagiging mas'yadong emotional, sumisikip bigla ang dibdib mo." Pakiramdam ko ay mabibilaukan ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"K-Kuya... Are you kidding me? Sabihin mo kuya niloloko mo lang ako. Sabihin mo!" 

Sabi ko na nga ba at hindi ko na dapat sinabi pa ito sa kanya. Alam ko kasi na ikabibigla niya ang bagay na ito.

"I'm sorry, Rhia, pero sa tingin ko ay kailangan mo ng iwan si Drew dahil ikamamatay mo kung mananatili ka pa sa kanya." 

Ayoko ng maglihim pa sa kapatid ko at sa tingin ko, mas makakabuti na rin na malaman niya ang tunay niyang kalagayan para hindi na ito lumala pa ng tuluyan. 

"Kuya Jared, alam ba ni Drew ang tungkol dito?" 

Kita ko sa mga mata ni Rhia na pinipigilan niyang umiyak. 

"No. Wala pa siyang alam tungkol dito." 

"Then, huwag mong ipapaalam sa kanya ang tungkol dito. Don't you ever tell him na may sakit ako. Please, kuya. Nakikiusap ako sa 'yo." 

Naguguluhan akong tumitig sa kanya.

"Why? Hindi ba mas nakakabuti sa 'yo kung malaman niya? Para naman hindi na rin siya mas'yadong maging malupit sa 'yo." 

"That's the problem, kuya. Ayaw kong baguhin niya ang sarili niya dahil sa may sakit lang ako. Gusto kong pakitunguhan niya ko katulad ng pakikitungo niya sa 'kin simula pa ng una. Tsaka isa pa... tsaka isa pa, kuya. Tanggap ko na. Tanggap ko na naman eh. Tanggap ko na na hindi ako ang gusto niya. Okay na 'yon. Ang mahirap lang... Ang mahirap lang tanggapin ay kung bakit hindi man lang niya ko makita bilang si Rhianna Marquez. Bilang isang tao na simula pa noon ay nagmamahal na sa kanya." 

Hindi ko mapigilan makaramdam din ng lungkot. Hindi ko tuloy alam kung ano ng gagawin ko ngayon dahil alam ko na mahirap kalimutan ang taong minsan mo na ring naging mundo.

IceOnMyEyes

Hello, Ice eyes babies! Magsisimula na kong mag-update dito. Sana suportahan ninyo. Salamat.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status