Share

Chapter 4

Rhianna's POV.

Nagising ako nang may marinig akong ingay mula sa baba ng bahay. Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama at nalaman kong alas-siyete na pala ng umaga. Mabilis akong bumangon at ginawa ang morning routine ko saka bumaba ng bahay.

"Rhea, Did you-" 

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nakakita ako ng mga hindi pamilyar na mukha na nakaupo sa aming sala. Habang naglalakad ako palapit sa sala ay nakatingin din ako sa kanila. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Bakit ang daming lalake rito?

"Sino kayo? Anong ginagawa ninyo rito sa bahay? Rhea! Rhea!" Inilibot ko ang paningin ko ang hinanap ko ang katulong namin na si Rhea. 

"Hello, Ms. Marquez. I am Xydon, at your service." Lumapit sa akin ang isang lalake na sa itsura pa lang ay mukhang marami ng babae na napa-ibig. Ngumiti siya sa akin at yumuko sa harapan ko.

Ano raw?

"Ah, ano. . . ako naman si Steven. Hangad ko ang 'yong kaligayahan." 

Lumingon ako sa lalake nagsalita. Inaayos niya ang kanyang salamin at nang mahuli niya kong nakatingin sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"Ako naman si Jason. Nice to finally seeing you, Ms. Rhia." Inirapan niya ko pagkatapos niyang magpakilala sa akin kaya mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko.

Ang huling dalawang lalake ay sabay na nagsalita sa akin. Sila raw sina Jayden at Clark. Ang isa ay mukhang masayahin habang ang isa naman ay mukhang pinagbagsakan ng lupa dahil parang hindi man lang siya marunong tumawa. Magkahawig ang mukha nilang dalawa.

"Ah, nandito ba kayo para sa asawa ko?" 

Hindi ko na maiwasan magtanong sa kanila. Ano naman kayang kailangan ng mga weird na 'to kay Drew?

"No, Ms. Marquez. Nandito ako para ipakita ang katapan ko sa 'yo." 

Kinilabutan ako sa pagkindat sa akin ni Xydon. 

"Hoy! Babaero ka, hindi ba? Hindi kana kailangan dito. Alis!" 

Napatingin ako kay Jason na pilit tinutulak palayo sa akin si Xydon.

"Hoy! Ikaw ang dapat na umalis dahil hindi ka nababagay para kay Ms. Rhia." Lumaban si Xydon kay Jason at nanatili sa kanyang puwesto.

Hindi ko alam kung bakit, pero lahat silang lima ay mukhang nag-aaway na ngayon.

"Tumigil kayo!" 

Hindi ko na tuloy maiwasan mapasigaw dahil sa gulong ginagawa nila. Nang marinig nila ang sigaw ko ay tuluyan na silang tumahimik at tumingin sa direksyon ko. Bumuntong hininga ako sa harapan nila.

"P'wede n'yo bang ipaliwanag sa 'kin kung bakit kayo nandito ngayon? At ano ba 'yang pinagsasabi ninyo ha?" Nagpamewang ako sa kanilang lahat.

"Pasensiya kana, Ms. Rhia. Nandito kami para ipakita sa 'yo na hindi ka namin iiwan kahit kailan." 

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jason at nanliit bigla ang aking mata.

"Huh? You mean nanliligaw ba kayo sa 'kin? Hindi n'yo ba alam na may asawa na ko?" 

Tsaka ngayon ko lang sila nakita at hindi rin ako bastang babae lang para pagtaksilan ang asawa ko. Tss.

"Alam namin 'yon, Ms. Rhia. Hindi ba puro sakit lang ang idinudulot sa 'yo ng asawa mo? Ayaw mo ba siyang palayain at hayaang maging masaya na lang ang sarili sa-"

Hindi ko nakayanan ang mga naririnig ko kay Jayden kaya bigla ko siyang nasampal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang galit ko dahil sa narinig.

"Wala kayong alam sa history namin ni Drew. Hindi n'yo alam kung ilang taon kong pinagdasal na sana maging akin siya balang araw. Kaya huwag kayong magsasalita na parang alam ninyo ang lahat." Tinitigan ko silang lahat ng seryoso.

Natahimik silang lahat sa sinabi ko, pero mukhang hindi nila naintindihan ng husto ang gusto kong iparating sa kanila.

"Tss. Napakawalang kuwenta mo naman pa lang babae. Hindi pala. Napakatanga mo pa lang babae. Hmm... Sabihin na na 'ting natupad na nga ang wish mo at nasa iyo na siya, ang tanong ko lang ay mahal ka ba niya? Well, nandito lang naman ako dahil pinakiusapan lang ako ni-"

Hindi ko na narinig pa ang gusto pa sanang sabihin ni Jayden dahil agad na tinakpan ni Clark ang bibig niya.

Gano'n pa man ay tila natahimik din ako bigla sa sinabi niya. 

Tama nga ba ang ginagawa ko? Dapat pa nga ba kong lumaban? Kahit na... Kahit na alam kong wala ng pag-asa?

"Ah... hehe. Huwag mo na lang pansinin si Jayden. Pangit lang talaga ang gising niya ngayong araw." Ngumiti sa akin si Clark habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ni Jayden.

Sandali... Sino raw ang nagpakiusap kay Jayden na pumunta rito? Tumaas ang kanang kilay ko nang may biglang humawak sa kanang kamay ko.

"You better stop thinking. Come and let yourself enjoy at least once in a while." Isang matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Jason.

Tuluyan na nila kong nailabas sa bahay na wala man lang akong imik. Nakakapagtaka lang dahil hindi ko man lang nakita ang pagmumukha ng asawa ko.

Habang nakasakay sa kotse kasama ng limang lalakeng 'to, hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Siguro si Drew ang may pakana ng lahat ng 'to. Gusto siguro niya talagang iwanan ko na talaga siya para makawala na siya sa 'kin. 

Siguro nga... Siguro nga hindi lang ako ang nahihirapan sa lagay namin. Siguro nga pati siya ay nagsasawa na ring makisama sakin. 

Patawad... Patawad Drew dahil naging makasarili ako.

"Ms. Rhia. Here, I know more than anyone else that you deserve someone's better than your husband. Maghanap ka lang, Ms. Rhia." Hindi pa rin makatingin sa mga mata ko si Steven habang inaabot niya sa akin ang panyo.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon saka kinuha ang panyo na inabot niya sa 'kin. Hindi ko kasi namalayan na umiiyak na naman ako.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang kotse na sinasakyan namin. Si Xydon nga pala ang nagmaneho ng sasakyan.

Naunang bumaba ng kotse ang lima pagkatapos ay sila na ang nagbukas ng pinto ng kotse para sa 'kin at inalalayan akong makababa. Nagpasalamat naman ako sa ginawa nila. Naisip ko tuloy kung magagawa rin ba sa 'kin ni Drew ang simpleng bagay na 'yon balang araw. 

"Okay! Anong rides ang uunahin na 'ting sakyan?" Si Clark ang nangunguna sa amin at parang hindi talaga siya nauubusan ng energy. 

Napalinga ako sa paligid dahil sa sinabi niya. Dinala pala nila ko sa Enchanted Kindom. Napansin ko ang pagtingin nila sa direksyon ko na tila hinihintay ang sagot ko sa tanong ni Clark.

"Anything is fine." Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit kanina pa tila tinutusok ang puso ko sa sakit.

Pagkatapos naming sakyan ang lahat ng rides ay kumain kami ng tanghalian. Ngayon ko lang naalala na nakapangbahay lang pala ko. Hindi man lang ako nakapagpalit. 

Samantala, nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang kumalabog ang mesa na pinagkakainan namin. Hindi ko malaman ang aking gagawin nang makita ang mukha ng asawa kong hindi na maipinta ang mukha dahil sa galit.

"Grabe ka rin pa lang maglandi, Rhia. Hindi lang isa ang nilandi mo kundi lima. Ang mas malala pa, pinagsabay-sabay mo pa sila." Mahinahon magsalita si Drew, pero nakikita ko sa mga mata niya ang galit.

Bakit kaya? Hindi ba siya ang may pakana ng lahat ng 'to?

Napayuko na lang ako sa sinabi niya dahil naguguluhan na rin ako.

"Oh. May pakialam kana pala ngayon sa kanya?" Sumagot kay Drew si Jayden at nakangiti pa ito ng mapang-asar dito.

Napakagat labi tuloy ako sa inaakto niya. Bakit ba nagsasalita pa siya sa lagay namin? Tsk.

"Tumahimik ka! Halika at umuwi na tayo!" Kinuha ni Drew ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanyang sasakyan. Hindi na ko nakaangal sa kanya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa kamay naming magkahawak ngayon.

Si Andrew nga ba 'to? Napangiti ako sa biglaan kong naisip. 

May pag-asa pa nga siguro ako sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status