Share

Chapter 3

Rhianna's POV.

Sa pagmulat ng aking mata ay mas naging malinaw sa akin ang amoy ng paligid at ang pangalan ng lugar na kinalalagyan ko ngayon, pero kahit anong pilit ko sa pag-alala ay hindi ko matandaan kung bakit ako nandito. 

"Rhianna? Gosh! Thank, god! You're already awake. Are you okay? Tell me."

Lumingon ako sa direksyon ng boses na narinig ako. Akala ko si Andrew ang nagsalita, pero hindi pala. 

It's kuya Jared. He is my brother.

"I'm okay, kuya. Where's Drew?" Pinilit kong magbigay ng ngiti sa kanya kahit nanghihina pa ko.

Napansin kong biglang nag-iba ang expression na mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ng aking asawa.

"He is the one who brought you here, but after that, he left." Biglang sumeryoso ang tinig ni Kuya Jared.

Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi niya. Akala ko ay wala na talagang pakialam sa akin si Drew, pero mayroon pa rin pala. Kahit papaano ay may pag-asa pa rin pala ako sa kanya.

"Rhia, why don't you leave him? Sinasaktan ka lang niya in physical o emotional man." Hinawakan ni Kuya Jared ang kanang kamay ko at tinitigan niya ko sa aking mga mata.

Ito na naman siya. Pagsasabihan na naman niya ko tungkol kay Drew. Bumuntong hininga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Kuya.

"But, he can still love me. You're the one who says that he is the one who brought me here, so it means that he cares about me and one more thing, I can't leave him alone because I still hoping that he can still loves me back." Tinitigan ko si Kuya pabalik.

Lalong sumeryoso ang mukha ni kuya Jared sa sinabi ko.

"You don't understand what I'm trying to say, Rhia. Listen, okay? Dinala ka lang naman niya rito kasi na konsensiya lang siya sa 'yo. He didn't even want to know your condition." 

Nainis ako sa huling sinabi ni Kuya Jared kaya hindi ko napigilang magtaas ng boses sa kanya. "Your the one who don't understand what I'm saying. Drew still care about me so I never leave him alone!"

Napansin kong nabigla siya sa pagsigaw ko at biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Pati rin ako ay nagulat sa aking nasabi. Kinagat ko ang ibabang labi ko at yumuko.

"Okay. You're right, Rhia. Huwag ka nang magalit. It's bad to your health." Binitiwan ni Kuya Jared ang kamay ko at bumuntong hininga siya ng malalim.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil naguluhan ako sa sinabi niya. 

Bad to my health?

"Why, Kuya? Wait. Bakit nga pala ako nandito sa hospital?" Nagtataka kong tinitigan si Kuya Jared.

Tumitig siya sa akin nang marinig ang tanong ko.

"N-Nahimatay ka kasi kanina. Sabi ng doktor, kulang ka lang daw sa kain at tulog kaya ka nahimatay." 

Ngumiti siya sa akin, pero alam kong peke lang 'yon. Kaya mas lalo akong kinabahan at nabahala.

"Is it true? May sakit ba ko? Bakit hindi ako makahinga ng maayos kanina?" Sunod-sunod na ang naging pagtanong ko sa kanya dahil naguguluhan na talaga ko. 

Tsaka hindi siya nakatingin sa akin ng diretso kaya alam kong nagsisinungaling siya.

"Hindi ka ba naniniwala sa 'kin, Rhia? Huwag ka nang magtanong ng magtanong at magpahinga ka na lang."

Hindi ko alam kung bakit hindi talaga ako naniniwala sa sinabi ni Kuya Jared. Parang may tinatago kasi siya sa akin eh. Gano'n pa man, nakaramdam ako ng antok kaya muli akong nakatulog.

Jared's POV.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga papeles para sa meeting mamaya nang tumunog bigla ang cellphone ko. Oo nga pala. Ako ang nangangalaga ng Marquez company na iniwan ni Daddy kaya lagi na kong busy sa trabaho. 

"Hello?" 

Naghintay akong may magsalita sa kabilang linya.

"Sir, Si Ma'am Rhia po ay nakita naming nakahandusay sa may hagdanan. Dinala na po siya ngayon lang ni Sir Andrew sa hospital."

Si Yaya Rhea pala ang tumawag. Kinabahan ako bigla sa binalita niya. Kaya kahit tambak ang trabaho at may meeting pa kong naka-schedule ay agad akong nagtungo sa hospital na pinagdalhan kay Rhia.

Nang makarating ako roon ay naabutan ko si Drew na nasa tabi ni Rhia. Lumapit ako sa kanya at tinitigan ko siya ng masama.

"Anong ginawa mo kay Rhia?" 

Lumingon siya sa direksyon ko nang marinig niya ang boses ko. 

"Tss. I haven't done anything to her." Tinitigan niya ko pabalik.

Ngumisi ako sa kanya habang hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagtitig ko. 

"Malaman ko lang na may kinalaman ka sa nangyari sa kanya ngayon at sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita pang muli." 

     

"Really? Mas maganda 'yon para wala ng hayop sa bahay." Ngumisi rin siya sa akin pabalik.

Namula ako sa galit dahil sa sinabi niya. May gana pa siyang magsalita ng ganito sa akin?

"Ikaw ang hayop, Drew! Magsisisi ka rin balang araw." 

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ng kama ni Rhia at umalis nang hindi man lang nagsalita. Pagkaalis niya ay pumasok naman ang doktor na naka-aasigned para kay Rhia.

"Dok, may problema po ba kay Rhia?" 

Hindi na ko nag-abalang bumati sa doctor dahil sa labis na pag-aalala ko kay Rhia. 

Sana naman ayos lang siya.

"Wala namang problema sa kanya. Ayos lang ang lahat ng katawan niya maliban sa isa."

Muling nabalot ng kaba ang aking dibdib dahil sa narinig. 

"Ano naman po 'yon, Doktor?"  

Hindi ko na malaman kung anong gagawin ko dahil sa narinig. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon.

"Huminahon ka muna, Mr. Marquez." Pilit akong pinakalma ng Doktor, pero hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko.

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "Can you please tell me now what's the problem about my sister?" 

"Okay. Tatapatin na kita, Mr. Marquez. May nakita akong butas sa puso ni Mrs. Rhianna at hindi lang ito basta butas. Maaari itong lumaki ng lumaki at magdulot ng kamatayan sa kanya. Kaya hangga't maaga ay kailangan niyang operahan para maagapan." 

Tuluyan na kong nanlumo dahil sa narinig. Pakiramdam ko ay biglang naubos ang lahat ng lakas ko kanina.

Hindi maaari... 

Nasabi rin sa akin ng doktor ang mga bawal kay Rhia. Bawal sa kanya ang magkaroon ng strong emotions, magpuyat at kumain ng matatabang pagkain. 

Nasisiguro kong si Andrew ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit si Rhia. 

Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Simula ngayon, gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Rhia si Andrew at kapag nangyari 'yon ay sisiguraduhin kong hinding-hindi niya na makikita pa si Rhia. 

Alam kong mahirap gawin ang bagay na 'yon dahil noon pa man ay may gusto na si Rhia kay Andrew, pero gagawin ko pa rin kahit na magalit pa ang mga magulang ni Andrew at kahit mahirap. 

Andrew, humanda ka sa 'kin!   

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status