Share

Chapter 2

Rhianna's POV.

"Hmm... What's that smell? It's smell like a coffee." 

Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Tita Martha. Nagpalinga-linga siya sa paligid.

Mas'yado kasi akong nagmadali. Hindi ko tuloy nalinis muna ang sarili ko. Nagpalit lang ako ng damit. 

Tumingin si Drew sa 'kin ng masama kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

"Ah, maybe our maid poured the coffee. Wait. I will check." I smiled to Tita Martha and go to our kitchen. I didn't even wait for her response. 

Palakad-lakad lang ako sa loob ng kusina at hindi malaman ang gagawin.

Pagkalipas ng ilag minuto ay hindi ko namalayang sumunod na rin pala si Drew sa akin. Hinawakan niya ko bigla sa braso ng mahigpit.

"Ouch! Drew, it's hurt." Pinilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Masakit? Masakit ba? Kulang pa 'yan sa ginawa mong katangahan kanina?! Paano kung nalaman ni Mom ang nangyari? Eh 'di ako ang malalagot?!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso. 

Wala na kong nagawa kundi ang umiyak na naman sa kanyang harap at dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan pang sumagot sa kanya.

"Sorry?! It's my fault, right? Sorry kasi dahil nakatali ka ngayon sa 'kin! Sorry kasi dahil sa 'kin ay nagalit si Samantha sa 'yo. Sorry kasi kinasal ka pa sa 'kin. Kung sana lang sinabi mo dati na ayaw mong makasal sa 'kin, sana nagmakaawa na lang ako sa magulang na 'tin na huwag ituloy ang kasal! Sorry kasi minahal kita! Minahal kita ng todo at lahat ginawa ko para lang mahalin mo rin ako, pero sana pala hiniling ko na lang na ituring mo sana akong tao! Tao man lang sana at kahit hindi na babae. I know I can't win your heart from her, but I still believe. I'm really sorry, but I also want to say thank you. Salamat sa pananakit mo. Salamat kasi dahil sa 'yo, natuto na ko."  Sa sobrang sikip ng dibdib ko ngayon ay hindi ko na nakayanan na humarap sa kanya. 

Naglakad ako patungo sa second floor at dumiretso sa guest room. 

Hindi ko na napansin si Tita Martha. Umuwi na siguro. 

Kailan kaya matutuyo ang luha ko? 

Naramdaman kong sumunod si Andrew sa akin. Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mata nang makitang pumasok siya sa loob ng guest room.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at pilit na pinapakalma ang sarili.

"You know? Mas okay na siguro kung umalis na muna ako rito kasi-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod. 

Ito na naman siya. . .

"Please, huwag ka nang umalis. Don't leave me alone..."  

At ito na naman ako. Magpapakalambot at maniniwala sa mga sinasabi niya. Ilang beses na bang ginawa niya sa akin ang bagay na 'to? Hindi ko na mabilang kung ilan.

"But you don't love me. How could I stay if-"

"Please. Stay, Rhianna." 

Ito na naman. Mas lalo akong manlalambot sa tuwing bibigkasin na niya ang pangalan ko. Maniniwala na naman ako na may pag-asa. May pag-asa pa na mamahalin niya rin ako balang araw.

"Okay. Let me think about it. Leave me alone by now." Marahan kong tinanggal ang kamay niya na nakayap pa rin sa 'kin.

Humalik muna siya sa aking kanang pisngi bago tuluyan lumabas ng kuwarto.

Nanghina na naman ako sa kanya. Wala eh. Hindi ko kasi kayang tiisin siya. Hindi ko kayang magalit o huwag pansinin siya sa loob lamang ng isang araw. 

Alam ko naman eh. Alam ko naman kung anong mangyayari sa bandang huli, pero naniniwala pa rin ako na balang araw ay matututunan niya rin akong mahalin. 

Bumuntong hininga na lang ako sa nangyari ngayong araw.

"Tiis lang, Rhianna. Mamahalin ka rin niya, at kapag nangyari ang bagay na 'yon ay sisiguraduhin kong hindi siya magsisisi na minahal niya ko." 

Mapait akong ngumiti sa aking sarili at napahawak ako sa aking pisngi nang may tumulo na namang luha sa aking pisngi.

Nang magising ako kinaumagahan ay mag-aalas otso na ng umaga. Kaya mabilis akong bumaba para tingnan kung nakaalis na ba si Drew. 

Nakahinga ako ng malalim nang makita ko si Drew na nakaupo sa may dinning area habang umiinom ng kape at nagbabasa ng news paper. 

Nagtungo agad ako sa kusina para ipaghanda siya ng almusal ngunit naabutan ko si Yaya Rhea doon na tapos na maghanda ng almusal at idadala na lamang ito kay Drew. Lumapit ako sa kanya.

"Ako na ang bahala d'yan." Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

Kinuha ko agad ang mga pagkain na ginawa niya at dinala 'yon kay Drew.

"Good morning. Here, eat this. Para may lakas ka mamaya sa trabaho." Inilapag ko ang pagkain na ginawa ni Yaya Rhea.

Tumigil siya sa pagbabasa ng news paper at lumingon sa direksyon ko. Pagkatapos ay nagbasa na siya ulit.

"Tapos ka na bang magdrama?"

Nabigla at natigilan ako sa tanong niya ngunit hindi ko na lang ito pinansin.

"Kumain kana, Drew. Sure akong hindi ka nag-dinner kagabi." Ngumiti ako sa kanya ng malawak.

Hindi siya nagsalita o lumingon man lang. Pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa.

"Drew, eat-"

"Shut up! Napakakulit mo, alam mo ba 'yon? Umalis kana lang sa harap ko, hayop!" 

Natigilan na naman ako sa sigaw ni Drew. Mabilis akong umalis para hindi na siya mainis pa lalo. 

Ayaw kong mas lalo pa siyang mainis sa akin kaya aalis na lang ako kahit labag sa loob ko.

Hindi pa rin ako titigil na hilingin na sana balang araw magawa niya rin akong tanggapin sa buhay niya at higit sa lahat, magawa niya rin akong mahalin. Kahit man lang hindi na katulad ng pagmamahal niya kay Samanta. Kahit sana mahalin niya ko bilang ako.

Muli na naman akong napaiyak, pero sa pagkakataon na ito ay biglang sumikip ng husto ang dibdib ko. Halos hindi na ko makahinga ng maayos, kaya napapahawak na rin ako sa aking dibdib. 

Hanggang sa unti-onting nagdilim ang aking paningin at tuluyan na kong nawalan ng malay. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status