Share

Chapter 13

Zoe's POV.

Ilang beses naming sinubukan itulak ang pinto palabas, pero hindi pa rin ito bumubukas. Pareho na kaming pinagpapawisan at parehong paos na rin ang aming boses dahil sa kakasigaw, pero walang pumupunta sa kinalalagyan namin para palabasin kami.

"Magpahinga na muna tayo, Rhia. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo kapag napagod ka."

Natigilan ako sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya na magkasalubong ang dalawang kilay ko.

"Paano mo nasabi na masama sa akin ang mapagod?"

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, pero hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin at sa halip ay tinitigan niya ko pabalik. Nakipaglaban siya ng titigan sa 'kin.

"Because I know that you have a heart disease. Nalaman ko lang ang tungkol doon nang sabihin sa akin ng Kuya mo ang tungkol sa sakit mo nang malaman nila na nawawala ka."

Mas lalo akong napakunot-noo dahil sa sinabi niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan sa pinapahiwatig niya.

"What do you mean? Kuya? Sinong Kuya ang sinasabi mo? You
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status