Share

Chapter 66

Kumirot ang puso ni Andrea nang marinig niya ang sinabi na 'yon ni Martin na paano siya magugustuhan ni Ella Marie kung hindi siya magbibigay ng bulaklak at chocolate. Sa sinabi nito sa kanya ay may namumuong ideya sa isipan niya na posibleng magpabigay muli ito kay Ella Marie ng bouquet at chocolate. Hindi nga siya nagkakamali dahil nagsalita ito, "Kailangan pa rin natin siya bigyan ng bouquet at chocolate si Ella Marie. Hindi puwedeng hindi, Andrea. Hindi tayo titigil alam mo 'yan. Tutulungan mo ako, 'di ba? Kahit gaano pa 'yan kahirap na bigyan siya ay bibigyan pa rin natin siya. Kung hindi puwede na bigyan siya ng bulaklak at chocolate sa loob ng kompanya na pinagtatrabauhan n'yo ay sa labas mo na lang siya bibigyan sa susunod, okay?"

"Paano ko naman siya bibigyan, huh? May trabaho kami. Makikita syempre na may dala-dala na naman akong bouquet at chocolate n'yan sa loob ng kompanya. Baka pagalitan na niya ako n'yan kapag nakita niya ako na may dala na naman. Sinabihan na niya ako.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jezil Plata
napakagandang story nito
goodnovel comment avatar
Jezil Plata
next part po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status