Share

Chapter 3.2: Confidant

Balak na niyang i-cancel ang tawag nang mag-connect iyon. Narinig ang baritono ngunit may pang-iinis na boses ni Raymond sa kabilang linya.

"Napatawag ka? Bakit, miss mo 'ko?" tukso nito.

Gustong ibaba ni Dennis ang tawag pero hindi niya ginawa. Imbes, nagsalita siya.

"Puwede ka ba ngayon?" May panlalatang mahihimigan sa boses ni Dennis.

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" Mukhang nabigla si Raymond sa tanong niya kaya bakas sa boses nito ang alinlangan.

Hindi siya kumibo at sandali ring natahimik si Raymond. Mayamaya, nagsalita rin ito.

"Nasaan ka ba?"

Luminga si Dennis sa paligid. Dinala siya ng mga paa sa may intersection. Kung didiretso siya ng lakad, papunta iyon sa school nila. Kung sa kaliwa o kanan naman, may mga establisiyementong puwedeng tambayan.

"Malapit sa may intersection."

"Ah, diyan pala. Sige hintayin mo 'ko."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status