Share

Chapter 4.2: Drunk

Nakarating din sila sa bahay. Hindi alam ni Raymond kung anong oras na pero alam niyang inabot sila nitong si Dennis ng hatinggabi. Matagal na lakaran ang nangyari na dapat thirty minutes walk lang.

Dahil hindi niya mabuksan ang gate, sumigaw siya. Alam niyang nasa sala pa ang kuya niya dahil naglalaro ito ng ML. Laging nakadikit 'yon sa WiFi modem. Feeling daw kasi nito, mas malakas ang sagap ng internet kapag malapit sa modem.

"Kuya! Pabuksan ng gate!"

"May laban kami, teka! Putragis ka, Ray, nakikisabay ka! 'Pag bumaba rank ko, humanda ka sa akin!"

"Dali na! Nangangalay na 'ko!" reklamo ni Raymond.

"May kamay ka, 'di mo kayang buksan ang gate?" galing sa loob ng bahay na sigaw ng kuya niya.

"May hawak nga 'ko! 'Tsaka nakakandado na! Ano isususi ko, ilong ko?!"

"Ano ba 'yang ingay na 'yan? Hatinggabi na, nangbubulahaw pa kayo?!" Bumukas ang bintana mula sa second

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status