Share

CHAPTER THIRTY-THREE

CHAPTER THIRTY-THREE

Napailing si Diane nang makita niyang nagpakita na ng katawan si Gerald. Ibig sabihin, malaki na ang laban nito ngunit konting oras na lang ang nalalabi. Hindi na gano'n kadaling makahabol pa siya. Huli na nang maisip nitong tanggalin ang nakabalot sa kanya. Ngunit hindi siya dapat maging kampante. Kailangan niyang gamitin ang kanyang ngiti para makapang-akit pa.

Pagkatapos ng isa pang baklang lumapit kay Gerald ay nakita niya ang padating na tatlong bakla. Mukhang magkakaibigan ang mga ito. Una nilang dadaan si Gerald. Kinabahan siya. Kung sa kanya tutuloy ang mga iyon, sigurado na ang panalo niya ngunit kung hihinto ang mga ito at lalapit kay Gerald, talo na siya. 2 minutes na lang ang naiiwan. May dalawang lalaki ang kasunod ng mga baklang iyon. Bahala na. Kailangan niyang magpapansin sa mga lalaking ito. Nakatitigan na niya ang isa sa dalawang lalaki. Nakuha na niya ang atensiyon nito. Nakalagpas na ang mga bakla kay Gerald at lumuwang na ang pagkakangiti niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status