Share

CHAPTER THIRTY-TWO

CHAPTER THIRTY-TWO

Hanggang saan at hanggang kailan ang kaya niya? May magagawa ba ang kagaya lang niyang babae para mapalambot niya ang pusong-bato ng lalaking tangi niyang minahal?

Humugot si Gerald nang malalim na hininga. Ayaw niyang magalit. Gusto niyang isiping likas sa kagaya ni Diane na bata pa ang kapusukan. Dumaan rin siya sa pagiging ganoon. Yung edad na palaging inuuna ang damdamin dahil iyon ang alam nilang laging tama. Mas sinusunod nila ang tulak ng dibdib kaysa sa kabig ng utak. Kailangan niyang umiwas bago niya madagdagan pa ang mga hindi magandang nasabi niya.

Tinungo ni Gerald ang isang sementadong upuan at umupo siya doon.

Sumunod si Diane. Tahimik siyang tumabi sa noon ay alam niyang naiinis nang si Gerald.

Tumingin siya kay Gerald ngunit hindi siya nito pinapansin. Nang binawi niya ang tingin niya saka naman ito lumingon sa kanya. Nang salubungin sana niya ang titig ni Gerald ay maagap nitong muling binawi.

"I'm sorry." Mapagkumbabang pagsisimula ni Diane.

"For
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status