Share

Kabanata 6

Kanina pa nababagot si Rhezi. Bukod sa bored na siya sa mga nangyayari ay wala ring pumukaw sa kaniyang interes sa loob ng gym na kinaroroonan. Ang mga sigawan mula sa mga estudyante ay ang nagsisilbing ingay mula sa paligid ngunit wala roon ang isip ng dalaga. She was thinking about Kraius and her argumentative essay.

Ang totoo, kaya naman nitong gawin ang paperworks ng ilang minuto ngunit hindi niya maintindihan kung ano ang nagtulak sa kaniya para tawagan si Kraius at pakiusapan ito. Hindi rin lubos maisip ng dalaga na papayag ang lalaki kaagad ng walang kahirap-hirap. Sa huli, puro stalk sa lahat ng social media ni Kraius ang kaniyang ginawa nang nakaraang gabi.

"Hoy!"

"Aray!"

Sumimangot kaagad si Rhezi nang bumungad sa kaniya ang mukha ni Tin. Nakangisi ito habang hawak ang bola ng volleyball. Naka-cycling short ito habang suot ang kanilang P.E shirt na white at green combination. Nakatali rin ang mahaba nitong buhok sa likod habang pawisan ang noo.

"Tulala? Why don't you join us?" aya ni Tin sa dalaga habang nakataas ang kilay nito.

Napabuntonghininga si Rhezi. Pakiramdam ng dalaga ay pagod na pagod siya sa lahat. Ayaw niya lamang aminin iyon sa mga kaibigan dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Bukod pa roon, alam niyang pagsasabihan siya ng mga ito at pagagalitan. Alam kasi ng mga itong hindi siya kumain kanina dahil sa goal niyang pumayat.

"Wala akong gana. You can play without me, Tin. Nandoon naman si Mics at Mina," sagot ng dalaga kay Tin habang seryosong sinasalubong ang mata nitong may pagdududa.

"Shut the fuck up, Rhez! Ang arte mo!" wika nito bago inirapan ang dalaga. Itinapon din nito ang bolang hawak sa malawak na gym field at mabilis na binalingan ang dalaga. "Arte mo, Taba!"

Walang nagawa si Rhezi nang hilahin siya ni Tin. Kahit anong reklamo niya dito ay hindi nito pinakinggan. Hila-hila ng kaibigan ang dalaga sa braso habang mahigpit ang hawak doon. Rhezi complained but Tin was determined. Malakas din ang kaibigan dahil Judo black belter ito. Ang tatlong kaibigan ng dalaga ay aktibo sa sports habang siya naman ay aktibo lamang sa pagkain.

"Bakit niyo ba ako pinipilit dito?!" inis na tanong ng dalaga nang pakawalan ito ng kaibigan. Malakas ang boses nito na umagaw din sa iba pang mga estudyante. May ibang nagbubulungan mayroon namang napataas ang kilay.

Tin tapped Rhezi's left shoulder. Hinarap din nito ang dalaga habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan nito. Umiling ito pagkatapos ng ilang sandali at inakbayan si Rhezi.

"Alam naming ginugutom mo ang sarili mo, Rhez. Suicidal ka na! Hindi ganiyan, kung gusto mong pumayat!"

"Alam ko," sumusukong tugon nito.

"Ganoon naman pala, eh!" pabalang na sagot naman ni Tin. "Oh! Sabunutan niyo nga itong maarte na 'to," dagdag pa nito habang nakatanaw sa papalapit na sina Mics at Carmina.

"Sorry," mahinang bulong ng dalaga habang ang mga mata ay nasa dalawang kaibigan na kakarating pa lamang.

"Rhezi, kung gusto mong pumayat, mag-excercise ka. Hindi 'yong nagpapagutom ka," wika naman ng kaibigan niyang si Mina.

Rhezi smiled. Kahit na may kaniya-kaniyang ugali ang mga kaibigan ay mababait ang mga ito pagdating sa dalaga. Lagi din itong nakaalalay sa kaniya kahit pa masungit din siya sa mga ito. They shared the best memories and the worst, together.

"Oo na po," wika ng dalaga sa mga kaibigan.

"Good to hear that from you, Rhez. Huwag kang mag-inarte ulit. Hindi ka maganda!"

Ngumiti lamang si Rhezi sa sinabi ni Mics. Ilang sandaling nag-usap ang apat at nagpasyang maglaro ng volleyball bilang practice sa kanilang sports activity. Nahihirapan man si Rhezi ay pinilit ng dalaga na gawin ang lahat ng makakaya. Hindi naman ito nabigo dahil nanalo ang kupunan nila sa ginawang activity.

"Upo lang ako, Mina. Hindi ko na kaya!" paalam ni Rhezi sa kaibigan.

Pagod at hapo ang pakiramdan ng dalaga nang matapos ang kanilang P.E subject. Ipinasya nitong maupo sa bench na nasa gilid lamang ng gymnasium. Mahinhin ang mga kilos na naglakad ang dalaga patungo roon at pasalampak na naupo sa tabi ng sports bag nito.

Rhezi's breathing hitched. Nanlalagkit ang pakiramdam nito dahil sa pawis na kita sa bakat ng P.E uniform nito mula sa paglalaro. Maging ang buhok ng dalaga ay basa dahil sa pawis na tumutulo hanggang sa noo nito. Naninibago rin ang katawan nito dahil sa sobrang kapaguran.

Kinuha ng dalaga ang tumbler sa loob ng sports bag nito. Ininom ni Rhezi ang tubig mula roon at kahit papaano ay naibsan ang pagod at uhaw nito. Isinandal din ng dalaga ang likod nito sa bench na kinauupuan upang magpahinga.

"Pagod ka?" nang-iinis ang boses na wika ni Jericho sa dalaga.

Rhezi frowned instantly. Ni hindi niya napansin ang classmate na papalapit sa kaniya dahil sa pagod. Kaagad niyang binalingan ito at sinamaan ng tingin. Hindi naman natinag ang binata bagkus ay tumawa pa sa hitsura ng dalaga habang mabilis na umupo sa tabi nito.

"Ang pangit mo talaga. Ang taba pa," wika nito sabay akbay kay Rhezi.

Rhezi's forehead creased. She desperately wanted to take off Jericho's hand on her shoulder and she did. Rhezi looked at him with a deadly stare but the later did not even budge. Ni wala itong pakialam kahit na simangutan at halos patayin na ito sa tingin ng dalaga.

"Kapag ako pumayat. Who you ka sa akin!" mariing wika ng dalaga sa kaharap.

Natigilan si Jericho sa sinambit ng dalaga. Ang totoo, gusto nito si Rhezi mula pa noon kahit na may kalakihan ang katawan nito. Hindi nga lamang nito masabi dahil pinangungunahan ito ng takot. Bukod pa roon, masyadong prangka ang dalaga kaya idinadaan na lamang nito sa pambu-bully ang lahat.

Sumimangot naman si Rhezi habang nakatanaw sa mga kaibigan na naglalaro pa rin. Binalingan din nito si Jericho sa tabi nito na tulala pa rin. Napakunot ang noo ng dalaga habang nakataas ang kilay. Hawak pa rin nito ang tumbler sa dalawang  kamay habang nakapatong sa paanan nito.

"Anong tinitingin-tingin mo?" tanong ng dalaga kay Jericho.

Umiling lamang ito sa tanong ng dalaga at tumayo. Hindi na rin ito nagpaalam na umalis at basta na lang iniwan ang dalaga. Ipinagkibit-balikat iyon ni Rhezi at hindi na pinansin pa ang lalaki.  Bukod pa sa wala siyang pakialam dito.

Nang matapos ang P.E sa period na iyon ay agad na tumuloy ang magkakaibigan sa rest room ng gym. Bitbit ang kani-kanilang gym bag ay maingay na nagtungo ang apat sa loob niyon. Parehong naligo sa shower room at nagbihis ng uniporme para sa susunod pang klase. Nauna si Rhezi na matapos sa apat kaya naman nauna rin itong umalis sa loob ng rest room at nagtungo sa bench ng gym.

Rhezi looked at her phone inside her Gucci leather bag. Sumimangot kaagad ang dalaga nang makitang wala man lamang bakas na tumawag si Kraius sa kaniya. She expected him to call her but there was no trace of him. Mukhang nakalimutan na nga siya nito.

She frowned and started typing a message for Kraius but she didn't know what to type. Bura dito. Bura doon lamang ang ginawa ng dalaga. Ni hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin dito. Hindi niya rin alam kung anong alibi ang kaniyang ibibigay kapag nagtanong ito. In the end, she put her phone back to her bag and put her left hand to her jaw.

"Jowa daw! Paasa!" pagmamaktol ni Rhezi. She stamped her feet on the ground and pouted her lips. Naiinis siya kay Kraius ngunit, mas higit sa sarili niya. Alam ng dalaga na hindi dapat pero hinihila siya ng sarili na makaramdam ng lungkot. 

Natigil ang anumang iniisip ni Rhezi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha iyon sa pag-asang si Kraius iyon. She felt a bit of dismay when she saw her driver's name on the line.  Walang kagana-ganang sinagot iyon ng dalaga.

"Yes?" tanong niya dito.

"On the way na po ako, Ma'am. Medyo trapik lang po," imporma nito.

"Okay. Hintayin mo na lang ako, Kuya. Lalabas na rin ako mamaya," sagot ng dalaga.

Ilang sandali ay nagpaalam na ang driver sa kabilang linya. Rhezi looked at the door connected to the rest room, after the call. She creased her eyebrow when her friends were still inside. Masyado nang matagal ang mga ito sa loob at nababagot na ang dalaga. Sinuyod din nito ang gym at nakitang wala nang tao sa loob. Napabuntonghininga na lamang si Rhezi at hinintay na lamang ang mga ito na lumabas.

Ilang minuto ang hinintay ng dalaga bago nakita ang mga kaibigan na palabas ng rest room. Bitbit na lamang ng mga ito ang bag na laman ang importanteng bagay. Nag-uusap at nagtatawanan ang mga ito na tila tuwang-tuwa. Kahit hindi naiintindihan ay ngumiti ang dalaga. She was happy seeing her friend happy. And it was enough to changed her mood.

"Pasensya na, Rhezi. Ang tagal namin sa loob," hinging paumanhin ni Carmina. Suot pa rin nito ang hijab sa ulo kahit pa kakaligo lamang nito.

"Ayos lang. Nag-enjoy naman akong hintayin kayo," idiniin ni Rhezi ang huling salitang binanggit. Tinaasan niya rin ng kilay ang tatlo nang makitang nakangisi ito sa kaniya.

"Bakit hindi tayo maglaro while walking, guys?" suhestiyon ni Tin.

"Hindi na tayo mga bata, ah!" Tuumayo ang dalaga at pinagpagan ang sarili. Tiningnan niya rin ng pailalim ang mga kaibigan.

"Sira!" malakas na sambit ni Mics sa dalaga sabay tapik sa braso nito. "Ang serious mo, Rhez. May dalaw ka ba?" dagdag pa nito.

Rhezi frowned. Namumuro na ang mga kaibigan sa kaniya. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito at inirapan. Kinuha niya ang bag sa bench at isinukbit iyon sa balikat. Napailing din ang dalaga sa isip habang inaalala ang sinabi ng mga ito. Hindi niya rin masisi ang mga ito dahil sadyang wala siya sa mood dahil kay Kraius. Ang paasa niyang jowa.

"Ano bang laro iyan?" tanong na lamang ng dalaga kapagkuwan. Sinimulan na rin niyang maglakad kasabay ng mga ito.

"Truth or dare!" sabay na sambit ng mga ito.

Napanguso si Rhezi. "Seriously?"

"Alam mo bang inamin na ni Mina na crush niya si Uno! Kinikilig ako!" eksaheradong wika ni Tin na nauuna sa kanila. Humarap pa ito sa mga kaibigan at hinawakan ang puso nito.

"Ikaw naman, Rhezi. It's your turn!" masayang wika ni Mics sa dalaga.

Tumigil si Rhezi sa paglalakad. "Bakit ako?!"

"Ikaw na lang ang hindi pa, eh!" sagot naman ni Tin.

"Mina! Ipagtanggol mo ako!" pakiusap ni Rhezi kay Mina na nakatingin lamang sa dalaga. Sumimangot siya nang umiling ito. "Fine!"

"Yes!" sabay na sambit ng tatlo.

"Mga bully!" inis na sambit ni Rhezi. Nauna itong maglakad sa tatlo ngunit lumingon din kalaunan. "Ano ba iyon?"

"Truth or dare?"

"Dare!" mabilis na sagot ni Rhezi.

Ngumiti si Tin. "Kiss the first man you will see outside this gym."

"Put*. Legit?!" Natutop ng dalaga ang bibig. She hated to curse. Mabilis ang paglipat ng kaniyang tingin kay Mina. "Sorry," hinging paumanhin niya dito.

"Not again Rhez," paalala ni Mina.

"Truth na lang ako. Please, spare me from this. . ." nakangusong pakiusap ng dalaga. Nang makitang dissapointed ang mga ito ay tumango na lamang ang dalaga.

Lulugo-lugo na naunang nanglakad si Rhezi sa mga kaibigan. She was determined not to see anyone outside of the gym. Nakayuko habang maingat ang paglalakad. Ngunit, sadyang malas ang dalaga. Rhezi bumped into someone. Muntik na siyang mabuway kung hindi lamang siya nahawakan nito kaagad. Mga matitigas na braso na nakahawak sa likod ng dalaga.

"Hey! easy Chubz,"

Isa... Dalawa... Tatlo... Hanggang hindi na mabilang ni Rhezi kung ilang beses nang tumibok ng mabilis ang puso nito. Pabilis nang pabilis na para bang hinahabol ito ng lobo. Lahat ng himaymay sa katawan ng dalaga ay nagising. Lahat ay tila nagliwanag sa kaniya lalo na nang idilat nito ang mga mata at bumungad ang gwapong mukha ni Kraius sa kaniyang harapan.

"J-Jowa kita, 'di ba?" tanong ni Rhezi kay Kraius. Pinilit nitong patatagin ang boses kahit pakiramdam nito ay matatanggal na ang puso nito mula sa dibdib.

"Oo naman," alanganing sagot ng binata. Sa dalagang seryosong nakatitig dito.

"Walang malisya 'to. Pumikit ka!" mariing utos ni Rhezi sa abogado.

Tila nanuno sa punso naman na kaagad na sumunod si Kraius sa sinabi ng dalaga. Kinakabahan man ay walang sinayang na sandali si Rhezi. Hinawakan niya ang braso ng binata para kumuha ng suporta dito at tumayo ng maayos dahil pakiramdam ng dalaga ay nawawalan siya ng lakas sa kabang nadarama. Pimikit ang dalaga at unti-unting inilapit sa binata ang mukha.

In a trembling lips Rhezi kissed Kraius Montreal.

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status