Share

Kabanata 9

Rhezi looked at her phone when it blink. It was a message from her mother. She abruptly took the phone and read the message. She pouted and frowned. Mas lalong nasira ang mood niya nang mabasa ang mensahe nito. Mabilis na pinatay ng dalaga ang cellphone at isinilid iyon sa bag na gamit nito.

"Anong iniisip mo, Taba?"

Rhezi instantly glared at Jericho. Magkasama sila ng binata dahil sa isang project sa English. Sa kasamaang palad ito ang naging partner ng dalaga na inireklamo pa niya sa kanilang adviser ngunit hindi rin nito pinakinggan. Habang tuwang-tuwa naman si Jericho dahil sa nangyari.

Sa isang sikat na restaurant sa BGC sila nagtungo. Presko ang lugar at hindi maingay dahil private room ang ibinigay ng mga ito. Doon lamang nalaman ni Rhezi na pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Jericho. Rhezi was impressed but it vanished into thin air in an instant.

"Hindi ikaw ang iniisip ko kaya kumalma ka!" wika ng dalaga sabay ikot sa mga mata nito.

Natawa naman si Jericho na nasa harap ng dalaga. Sadyang hindi nito inaasahan na magsasama sila ni Rhezi sa iisang grupo. Saya at tuwa ang naging hatid nito sa puso ng binata habang mataman nitong pinagmamasdan ang dalaga na nasa harap lang nito at nagsimula na muling magtipa sa laptop nito.

"Hindi ka pa ba tapos?" Rhezi asked irritated.

Jericho chuckled and shook his head. Sadyang wala na marahil ang makakasira sa mood nito. Kapagkuwan, ay binalingan nito ang sariling laptop at inabot ang Lays na nasa mesa at kinain iyon bago nagtipa.

Tahimik na nagpatuloy ang dalawa sa ginagawa. Tipa dito. Tipa doon. Research dito. Research doon ang ginagawa ng dalawa para matapos sa obligasyon. Kahit pagod ang kamay at nangangalay na ang likod ay tuloy pa rin ang dalawa sa ginagawa.

"Do you have a crush, Rhezi?" pagputol ni Jericho sa katahimikan.

Napakunot ang noo ni Rhezi nang balingan ito. May pagtataka na sinuyod nito ng tingin ang binata. Hindi man lamang makitaan ng konteng pang-aasar ang mukha nito habang seryosong nakatitig sa dalaga.

"No," umiling si Rhezi bilang sagot sa tanong ng kaklase. Mayamaya ay tumingala ito at hinilot ang noo. She was tired. Buong limang oras na ang ginugol ng dalaga para sa project ng mga ito. It was also late and she was hungry. Maraming pagkain na nakalahad sa mesang gamit ng dalawa ngunit, pinaninindigan ng dalagang mag-diet para sa kaniyang future. Future kasama si Kraius.

Napangiti si Rhezi sa naisip. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya lubos maisip na may maghihintay sa kaniya sa labas ng gate ng kanilang mansion. Hindi rin niya kailanman naisip na yayakapin siya roon at hahalikan ng walang pasubali sa harap ng kanilang bahay.

It was new to her. Kraius did things that she wasn't expecting.

Kung noong una ay inaamin ng dalagang crush niya lamang ang binata, hindi na niya matukoy sa ngayon. Whether she was infatuated or in love, it was still a good feeling inside her being. Unexplainable yet overwhelming.

Sa naisip ay napangisi ang dalaga at dinama nito ang sariling labi. Damang-dama pa rin nito ang malambot na labi ng binata. Ang init ng bawat hagod na ginagawa nito sa labi niya at ang pagkagat nito ng marahan sa parteng iyon ng kaniyang mukha.

"Are you okay?" Jericho asked.

Rhezi abruptly looked at Jericho. She blinked a few times to shrugged her thoughts off. "I'm almost done. Are you done?" Rhezi asked.

Sumimangot si Jericho ngunit tumango rin kalaunan. Napangiti naman si Rhezi sa naging tugon nito. She even clapped her hand lightly. Kapagkuwan, ay nakapangalumbaba itong napatitig sa binata. Nanlaki naman ang mata ni Jericho dahil sa hitsura ng dalaga.

"Uwi na tayo," aya ni Rhezi.

"Fine! Sure kang hindi ka na kakain?"

Umiling si Rhezi at sinilip ang relong pambisig. It was ten in the evening and she was tired. She needed to relax and sleep early. Pambawi sa ilang gabing puyat mula nang halikan siya ni Kraius at ang bumagabag sa kaniyang mga salita na huling sinabi nito.

"I will go now." Tumayo si Rhezi. Mabilis ang mga kilos nito na inayos ang mga gamit at isinilid iyon sa dalang bag. Maging ang laptop nito ay isinilid rin ng dalaga sa laptop bag nito. "Bakit hindi ka pa kumikilos d'yan?" naiiritang dagdag na wika ng dalaga kay Jericho.

"Can I send you home?"

Tumikhim si Rhezi upang palisin ang inis na unti-unting sumisibol para sa binata. Nakakunot ang noong binalingan niya ito habang may pagtataka ang mukha. Nakapangalumbaba pa rin ito sa mesa habang ang mga mata ay nasa dalaga.

"Okay," sagot ni Rhezi sabay buntonghininga.

Naunang lumabas ang dalaga kasunod ang kaklase nito. Pormal ang hitsura habang suot pa rin ang uniform ng eskwelahang pinapasukan. Tahimik naman ang pasilyong nilalakaran nito patungo sa main hall ng restaurant. Malinis at maganda. Halatang eksklusibo lamang para sa mayayaman.

"Rhezi, can we do this again?" tanong ni Jericho. Nasa tabi lamang ito ng dalaga habang tila nahihiyang napakamot sa ulo.

Tumigil ang dalaga sa paglalakad at binalingan ang kaklase. Kipkip ang laptop bag sa dibdib habang may pagtataka.

"Bakit?" tanong ng dalaga.

Napakamot ito sa ulo na tila nahihiya. Lumikot din ang mga mata ng kaklase. "Kasi gusto kit--"

"Anong gusto?"

Natigil si Jericho sa pagsasalita. Ibinaling din nito ang mga mata sa bultong nasa likuran ng binata. Nanlaki ang mga mata nito habang tila nangingilag. Habang hindi naman alam ni Rhezi ang gagawin. Kung tatayo na lamang siya roon o lilingon. Kahit hindi niya pa nakikita ang nasa likuran ay alam na niya kung sino iyon. Masyado nang pamilyar ang boses nito sa kaniyang pandinig. Maging ang presensya nito ay tila memoryado na ng kaniyang sistema.

"Hi!" she greeted her with a smile. Halatang pilit iyon dahil hindi man lamang umabot sa mga mata nito. Nagsisimula na ring kumabog ang puso ng dalaga dahil lamang kay Kraius.

"Let's go," Kraius said in authoritative tone. Ni hindi man lamang ito ngumiti pabalik sa dalaga.

Tumango si Rhezi. Nawala rin ang ngiti sa labi nito. She could sensed him feeling mad  which was odd because she doesn't even know why.

Mabibilis ang mga lakad ni Kraius. Mabibilis din ang hakbang ni Rhezi para sundan ito. Ni wala itong pakialam kung pinagtitinginan ito ng mga babae sa loob ng restaurant na iyon. Agaw pansin kasi ito kahit sa suot nitong cargo shorts at white V-neck shirt. Medyo magulo rin ang buhok ng binata na mas lalong dumagdag sa lakas ng appeal nito.

Naunang makarating sa sasakyan si Kraius. Pinagbuksan nito ang dalaga habang hindi pa rin umiimik. Naiilang man sa katahimikan ng binata, pumasok pa rin si Rhezi sa kotse nito. Sumunod naman si Kraius dito na padabog ang pagkakaupo sa driver seat.

"May galit ka ba sa akin?" tanong ni Rhezi sa binata matapos ayusin ang sarili sa pagkakaupo.

Kraius shifted his gaze but didn't utter a word. Tiningnan lamang nito ang dalaga at umiling. Agad na binaling nito sa sasakyan ang atensyon at sinimulang paandarin iyon.

Tahimik ang dalawa sa loob ng kotse. Maging si Rhezi ay hindi na rin nagsalita nang kahit ano. Parehong nagpapakiramdaman sa isa't isa habang pareho ring may gustong sabihin. Nag-aalangan sa kung ano ang tama at dapat gawin.

Nang mapansin ni Rhezi na iba ang rotang tinatahak ng binata ay napakunot ang kaniyang noo. Kaagad niyang binalingan si Kraius sa kaniyang tabi at nakita ang seryoso nitong mukha. Nakakunot ang noo ng bahagya habang mahigpit naman ang hawak sa manibela. Mukhang itong walang pakialam sa ginagawa nito.

"Saan mo ako dadalhin?" hindi napigilang tanong ni Rhezi. Nang hindi pa rin ito sumasagot ay hinampas niya ang balikat nito ng bahagya. Nagulat naman ang binata sa ginawa ng dalaga at bigla ang pagpreno nito sa minamanehong kotse. Hindi naman inaasahan ng dalaga ang nangyari kaya napasubsob ang mukha nito sa dashboard ng kotse.

Rhezi instantly glared at Kraius. She spat, "Papatayin mo ba ako?!"

Kraius sighed and looked at her. Inalalayan ito ng binata at hinapuhap ang ulo nito. Maging ang buhok na nagkagulo ay inayos din nito ng tahimik. Tahimik na mas lalong nagpainis sa nararamdamang pagkalito ng dalaga sa inaakto ng binata.

"Could you please talk to me?" Rhezi asked, irritated. Matalim pa rin ang mata nitong nakatitig sa binata.

"You turned off your phone because you are with that guy!" It wasn't a question but a statement. Kitang-kita sa mukha ni Kraius ang pagkainis habang mariin ang titig sa dalaga. Sa sinabi nito ay napaisip si Rhezi. Then, the realization hit her. She abruptly took her phone out of her bag and checked it.

Off.

She turned it off because of her mother. Masyado itong makulit at pabalik-balik sa mga ibinilin nito. May business trip kasi ito at ang Daddy niya kaya siya lamang at ang mga kawaksi nila ang nasa Forbes. Nainis siya sa ina dahil sa pagturing nitong bata sa kaniya. Where in fact, she grew up independent.

"I'm sorry," Rhezi whispered and looked at Kraius. Nakakunot pa rin ang noo nito ngunit mababanaag ang pag-aalala sa mga mata nitong kulay brown. Malamlam din iyon kahit pa inis ito sa dalaga. "Are you jealous?" she added.

"I roamed around the City just so I could find you," mahinang wika ng binata.

Iwinagayway ni Rhezi ang phone sa harapan ni Kraius. Nakangiti na rin ito ng bahagya kahit ang totoo naghahalo ang inis at kaba sa dibdib nito dahil sa nangyayari.

"I-I'm sorry, Kraius. Next time don't look for me okay," alanganing wika nito. Umiwas rin ito ng tingin sa binata at inayos ang sarili sa pagkakaupo.

"How could you say that? Girlfriend kita!" he spat.

Nanigas si Rhezi sa kinauupuan. Damang-dama niya ang bawat kataga na sinabi ni Kraius.  Ramdam din nito ang pamumula ng mga pisngi. Maging ang pagkagat nito sa labi para pigilan ang isang ngiti.

"I will bring you to my house. Your Mom asked me to. Pati ang Mommy ko. We will be spending the whole night with each other," dagdag na pahayag ng binata. Umilap din ang mga mata nito.

Rhezi's eyes instantly widened. Mas lalong namula ang mukha nito nang balingan ang binata ng tingin. "B-Bakit?!"

"Because, they want to." Kraius lifted his hand and touched Rhezi's face. He made sure that her eyes were on him while he was looking at her too. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa dalaga.

"A-Anong ginagawa mo?" Rhezi stuttered. She was like drowning to his brown eyes while her heart was pounding so hard, that she couldn't breath.

"But for now, let's eat. Gutom na ako sa kakahanap sa'yo. I've been insanely thinking about you for the past three hours. What did you do to me, Chubz?" Kraius confessed.

It was now or never for Kraius. So, he did what he really wanted from the very moment he saw her. He leaned down his head and claimed Rhezi's kissable and tempting lips.

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status