Share

Chapter Two

“WHAT’S this place?” tanong ko kay Kairos. Sa isang iglap, nawala kami sa ospital at napunta sa dulo ng isang bangin. I don’t fucking know where the hell is this place. Bumaling ako kay Kairos. I have no choice but to believe he’s really a death angel. My death angel. I can’t believe this is all happening to me. Gusto kong maniwala na panaginip lang ang lahat ng ito. That none of this was real. 

"I hate to break it to you, but you are not dreaming, Cresia. This is real. This is your reality."

Hindi ko alam na may ikaiitim pa pala ang nga mata ni Kairos habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kakaibang takot. "N-nasaan tayo?" 

“We are in the middle of heaven and hell.”

It was all that little girl’s fault. Kung hindi siya tumakbo papunta sa akin, hindi mangyayari sa akin, `to. 

Kairos clicked his fingers. Sa isang iglap ay nagbago ang paligid. Tumingala ako. Sumalubong sa mga mata ko ang nakakasilaw na liwanag. The sky is so blinding yet it looks so fucking beautiful. Pagtingin ko sa ibaba ng bangin ay bumungad sa akin ang isang nag-aapoy na dagat. Awtomatikong tinakpan ko ang tainga ko nang makarinig ako ng mga nakabibinging sigaw na nanggagaling doon. Fuck. Pakiramdam ko, mababasag ang tainga ko. I can’t stand those shrieks.

“Impiyerno.” Baling sa akin ni Kairos. “Iyan ang pupuntahan mo sa kamatayan mo. You will rot there forever.” 

Ibinalik ko ang tingin sa ibaba. Kinilabutan ako. No. I can’t imagine myself there. “Hindi. Ayoko d’yan. I won’t go to hell.”

He smirked. “Akala ko ba wala kang pakialam kung sa impyerno ka mapunta?”

Fuck! Because I didn't believe then that it was real. “Sa impyerno agad? Hindi ba puwedeng kahit sa purgatoryo muna?”

“Purgatoryo?” Malakas na tumawa siya na tila isang malaking joke ang sinabi ko. “There’s no such thing as that. Gawa-gawa lang iyan ng mga mortal.” Sumeryoso siya at bumaling siya sa akin. “You deserve to be in hell. You are a bad person, Cresia.”

“Fine. I may be a bad person, okay. Tanggap ko iyon at aminado naman ako. Pero hindi ako criminal,” depensa ko sa sarili.

“Your sins in your twenty-nine years in life are enough to throw you in hell.”

“How can you fucking say that? Kilala mo ba ako?” Damn. Hindi ako papayag na mapunta ako sa impyerno 'no. No way. 

He grinned. “I know you well enough.” Sa isang iglap ay lumabas ang papel sa kamay niya. Katulad ng lubid na nakita kong nakatali sa lalaking kasama ni Thanos ay kulay silver din iyon at kumikinang. “Lucresia Ariana Torres. Born: Dec 16, 1989. You are a product of a one night stand. You are five years old when your mother left you. You were raised by your aunt who died when you’re eighteen—”

“Paano mo nalaman lahat ng iyan?” hindi makapaniwalang tanong ko. Talaga bang nakasulat sa papel na iyon ang biography ko? 

“You grew up without having friends." Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagpatuloy lang siya sa pagbasa. "All your colleagues in work hate you. Especially, Rianna. She loathed you for stealing her boyfriend. Just last night, you committed another adultery.”

How the fuck did he know all of these? Daig pa niya ang PI. And wait. Wait. “What adultery are you talking about?”

“What you did with the guy name Mark is adultery.”

“What the fuck!” hindi makapaniwalang singhal ko. “We just fucking kissed! And he isn’t even married. Adultery na iyon?"

Mula sa hawak na papel ay ibinaling niya ang tingin sa akin. “Do you know how many times you violated the Ten Commandments? Thousand times.” Seryoso niya akong tiningnan. “And you know what’s worse? Two people died because of you.”

“What? Wag mo nga akong akusahan? Fine. I’m a bitch but I’m not a murderer.” Oo. Aminado akong masama ako pero hindi ko kayang pumatay ng tao. 

“Remember a guy named Harold? You dated him knowing he’s already engaged. Do you know what happened to her fiancee? The poor girl committed suicide. Same with Michael. Her girlfriend ended her life because of you.”

“It was their fault. Not mine. Hindi ko kasalanan na nagpakamatay sila dahil lang sa lalaki. At hindi ko rin kasalanan kung puro gago lahat ng lalaki sa mundo.”

Kairos grinned. “See? Bagay ka nga talaga sa impyerno. You're selfish, you're greedy. You only care about your life."

Fuck. “No way in hell. What about the good things I’ve done?”

Umangat ang kilay niya. “Meron ba?”

Sinubukan kong mag-isip ng mabuting bagay na ginawa ko. Ano nga bang magandang bagay na ginawa ko recently. “I…I…Iyong batang babae! I saved her. Siya dapat ang masasagasaan. But I saved her. Kung hindi ko siya niligtas, siya ang mamamatay.” I smirked. “See? Hindi ko deserve ang hell.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status