I stayed at home for a few months habang nagpapalamig sa mata ng mga tao. Hindi ako kinakausap ni April kahit na ilang beses akong humingi ako ng tawad sa kanya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. She needed time to heal. Ganoon di kasi ako noong sumakabilang-buhay ang aking ina.
Walang awa siyang pinatay ng stepfather nina Anton at Kate. Umawat siya habang inuundayan ng saksak ang ina ng dalawa. Walang tumulong sa kanila, habang paos sa kakahingi ng saklolo, at hilam ang mukha ko sa luha. Umawat naman si Anton ngunit dahil binatilyo pa siya noon ay hindi pa siya malakas at mas malaking lalake ang kaniyang amain. Sa pag-awat niya ay nadaplisan ng itak ang kaniyang kaliwang braso resulta ng malaking peklat niya ngayon sa parteng iyon. Noong araw na iyon ay kapwa dead on the spot ang aming mga ina. Kaya hindi nila ako masisisi na tuwing makikita ko sila ay nag-iinit ang aking ulo. Araw ng Biyernes nang maisipan kong lumabas. Dahil mainit ay nagsuot lamang ako ng yellow sunny dress. May sleeves iyon dahil ayokong ma-expose ang mala-braso de mercedez kong braso. Hawak ang clutch ko ay akma kong bubuksan ang malaking main door nang magsalita si Kate. "Hindi ka raw puwedeng lumabas." Mahinhin niyang sabi. She was wearing a luxury dress kaya hindi ko napigilang magtaas ng kilay. I crossed my arms and looked at her seriously. "Bakit may batas ba na hindi puwedeng lumabas?" I looked at her from head to toe. Lumaki ang mga mata ko nang matuon ang pansin ko sa bandang tiyan niya. "Are you pregnant?" Ipinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa mukha niya at sa kaniyang tiyan. She nodded her head, smiling. "Magkakaroon ka na ng kapatid." She really looks innocent every time she opens her mouth. Inosenteng nasa loob ang kulo. "Do you think I'm happy for you?" Salubong ang kilay kong lumapit sa kanya. Umatras siya ng bahagya at hinawakan ang kaniyang tiyan. Takot ang namayani sa mukha niya habang kinokorner ko siya hanggang sa malaking couch. "Ey, anong ginagawa mo kay Kate?" alalang tanong ni Ate Elvina, ang mayordoma. Lumapit siya at akmang aalalayan si Kate. "No!" tinabig ko ang kamay ni Ate Elvina. "Hayaan ninyo siyang umupo riyan!" I motioned for Kate to sit on the couch. Masunurin naman siyang umupo. "Wait for me here." I swiftly go upstairs and get a bag full of cash from my father's vault. Ibinagsak ko iyon sa harap ni Kate, pagbaba ko. "Take this and leave this place." Kapwa namilog ang mga mata nila, pati ang tatlong kasambahay ay hindi makapaniwala. Lumapit pa sila at nagbulungan. "Hindi isang ka-uri mo ang sisira sa aming mag-ama," galit kong sabi. "Aliza May..." kontra ni Ate Elvina. "Hindi ka ganyang pinalaki ng mama mo." Hindi ko siya pinansin. Mapait na ngumiti si Kate sa akin. "Hindi nababayaran ang pagmamahal ko sa ama mo, Ey. I can leave this place. Pero alam kong susundan ako ng ama mo kahit saan ako magpunta." "You wish! Napakaraming magagandang babae riyan. Hindi lang ikaw ang naghahangad sa Papa ko. Madali ka lang niyang mapapalitan." Inirapan ko siya. "Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan ka gayong magkaibigan naman tayo dati, Ey." "Magkaibigan pero anong ginawa mo? Imbes na alagaan mo ang papa, iba ang ginawa mong alaga sa kanya," sumbat ko. "You offered yourself to him para mapag-aral niya kayong dalawa ng kapatid mo." "Kahit kailan ay hindi ko hinangad na mahulog ang loob ko sa Papa mo, Ey. Kusa lang akong umibig sa kanya at hindi pera ang dahilan niyon," nagsimula na siyang humikbi. Inalalayan siya ni Ate Elvina maging ang iba naming kasambahay. Mas lalo lang akong nainis sa eksena nila. "Dapat wala ka na pagbalik ko," banta ko sa kanya. Hindi nila ako napigilang lumabas. I went to our resort. Pinagsawa ko ang sarili ko sa sandbar at nang gumabi na ay nakipag-inuman ako sa mga guest. Most of them are foreigners. At ang isa doon ay mukhang tinamaan sa akin. "My name's Marvin." He had an American accent. He was quite well-built. Hindi nakatakas sa akin ang pagsuyod niya sa kabuuan ko. Nakipagkamay siya at tinanggap ko naman iyon. "I heard you are the daughter of the owner of this big resort." Tumaas ang aking kilay. Hindi ko siya sinagot. "Can we have a discount?" I laughed. Binawi ko ang kamay kong hawak pa rin niya ngunit ayaw niyang bitawan iyon. "I'm not; I'm sorry." I lied, hiding my smirk. "Oh," he said, still holding my hand. "Can you let go of my hand?" He laughed while releasing my hand gently. Magsasalita pa sana ako ngunit— "Ey, our baby girl is crying inside!" malakas na sigaw ng kung sinong poncio pilatong iyon. Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kanya. He strides near us and snakes his arm around my waist. "Gustung-gusto mo talagang sumusuot sa gulo," mahina niyang bulong sa aking tenga na nagdulot ng kakaibang init sa diwa ko. Naestatwa lang ako roon. "Please excuse us, gentlemen. My little girl is waiting for her mother." Itinuro niya ako. Maang lamang na tumango ang mga guest. He was able to get me out of there. However, he looks mad. "Kilala mo ba sila?" "Hindi pero guest sila ng resort." Ginulo niya ang kaniyang buhok, out of frustration. "You appeared to be a mature woman, but you are not, Ey. Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo. Go home." Mukha siyang problemado sa akin. "Hihintayin na lang kita." Sinabayan ko siya sa paglalakad. "Alam kong ayaw mong umuwi dahil mapapagalitan ka ng papa mo pagdating mo roon." He was biting his lower lip when I gazed at him. "Why?" takang-tanong ko. Wala naman akong ginawang kapalpakan ngayong araw, a! Ngunit napanganga ako nang maalala ang ginawa ko bago ako umalis ng bahay. "Did she really leave the house?" "Patay ka nga bata." "No way! I was just trying her." Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko ang kapasidad ni papa kapag nagagalit siya. Kayang-kaya niya akong itakwil dahil ramdam kong tunay ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Ako lang 'tong indenial. "Where did your sister go? My sister-er-brother is inside her!" He just shrugged. "Hindi ko alam kung nasaan siya." Nagtaka ako. "Bakit parang wala kang pakialam?" I massaged my temple as I sat on the couch. Nasa loob na kami ng opisina niya. Habang nag-iisip ay wala sa loob kong iginagala ang tingin sa mga nakadisplay na mga awards niya pati na rin ang awards ng mga resort namin. Ang kinaroroonan naming resort ay may Michelin stars. Hindi ko lang alam kung ilan dahil bihira lang naman ako rito. "Wala na rin ang mga kasambahay roon, in case you're not aware." "What?!!" "Simula ngayon, ikaw na ang magluluto, maglalaba, at magsisilbi para sa sarili mo. Congratulations! You are on your own. Wala na rin ang papa mo roon dahil umalis siya para hanapin ang kapatid ko." "Bakit parang ang saya-saya mo?" "Well, I'm looking forward, kung kaya mo bang mabuhay mag-isa." "Kinaya ko sa Manila," resbak ko. "Kinaya mo kasi kinuha mo ang mga cards at nagdala ka pa ng malaking amount ng pera ng papa mo," he paused, looking at me playfully. "Anong tinutumbok mo?" Nahihiwagaan kong tanong. "Your cards are cut. Walang iniwang pera ang papa mo. He locked the vault, too." Tumawa siya na parang nakakaloko habang pinipirmahan ang ilang dokumentong nasa table niya. "Puwede kang magtrabaho sa akin kung gusto mo." He chuckled, showing me again his perfect white teeth. "You wish!"Chapter 3Nang pauwi na ay wala kaming imikan. Abala rin kasi siya sa pakikipag-usap sa kung sino sa phone niya. Our mansion is only a few minutes away at Santander's Gem Hotel. Our luxury hotel is well-known in Santander, Cebu. My father solely owns this five-star Mediterranean-inspired beachfront resort. Pinakadinadayo ng mga turista.Our hotel has a private white sand beach, large pools, and a spa at the hotel resort. Meron din kaming beach Club, which has a lively nightlife and a fine dining restaurant serves an array of international dishes alongside the bar. The resort also hosts a variety of events, ranging from weddings to corporate gatherings.At lahat ng ito ay pinamamahalaan ngayon ng kaharap ko. Hindi rin kami nag-uusap noong hapunan na. Inaasahan ko nang hindi kami magkakasundo dahil kelan ba kami nagkabati? Wala yatang araw na dumating na hindi umiinit ang ulo ko tuwing nakikita siya.Our dinner was so awkward. I sat at the kabisera; siya naman ay sa pinadulong upuan. T
Chapter 4Nagawa ang gusto niyang mangyari. Kahit labag sa kalooban ko, gumising ako ng napakaaga para sumabay sa kanya. He warned me that he would leave me kung babagal-bagal ako. Ayaw ko namang maglakad, kaya ngayon ay naliligo na ako.He gave me a uniform, a blue cabana shirt, and black stretch jeans. Ipinusod ang natuyo ko nang buhok at nilagyan iyon ng hairnet. I didn't apply any perfume. Napangiwi ako nang makita ko ang sarili sa salamin. I never thought that I would end up like this. Halos masuka pa ako noong isuot ko na ang black sneakers na provided din ng pobreng 'yon!Anton gave me a smug smile when I went down, and I instantly glared at him. I sit up straight in the chair as we both eat. Wala kaming imikan, but all of a sudden, I caught him stealing his glance from me. He chuckled, which made my heart race for a reason I don't know.Oh, right! Maybe my heart is racing because I don't like the feeling of being with him. Tama! Iyon ang dahilan, wala nang iba.By the time we
Chapter 5Kahit masakit ang aking katawan ay bumangon pa rin ako ng maaga ngunit wala na si Anton sa bahay, pagbaba ko. Mabuti at nag-iwan siya ng pamasahe. Walang buhay akong kumain at nang binabasa ko na ang katawan ko sa shower room ay nag-isip ako kung galit pa rin ba sa akin si Anton hanggang ngayon.Hmp! Yung pobreng 'yon, may attitude rin!Noong makarating ako sa resort ay dinadaan-daanan lang niya ako. Hindi niya talaga ako kinausap buong maghapon!"Hindi pa ba tayo uuwi?" Idinungaw ko ang ulo ko sa opisina niya. He is sitting in his swivel chair. Nakapikit ang kaniyang mga mata at bahagyang pumuputok ang muscle niya sa suot niyang itim na t-shirt. Napalunok ako. He is really damn hot. Ngunit napaigtad ako nang magsalita siya. "You can go home if you want," walang buhay niyang sabi. He must be really mad at me. Laglag ang balikat kong umuwi mag-isa ngunit natuwa ako nang mabungaran ko roon si Hugh McConaughey. He ran towards me and embrace me like there's no tomorrow. "How
Wala na si Anton sa bahay noong magising ako kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Bagaman galit ako, alam kong kailangan kong pa ring pumasok sa trabaho. Naka-schedule na ang aking mga araw-araw na gawain, at ayokong magpatalo sa pambubully niya sa akin.Sumasama pa rin ang loob ko dahil maruming babae pala ang tingin niya sa akin.Noong makababa na ako sa kusina, napansin ko ang isang maliit na sobre sa mesa. Nalito ako kaya binuksan ko ito. Sa loob ay isang papel na pera. Wait! Is he kidding me? Bente lang?! Halos mag-usok ang ilong ko sa inis! Nag-iwan pa siya!Napahalakhak ako. Natatawa ako dahil sa perang hawak ko. Who could imagine that a heiress like me only owns a 20-peso bill right now? Ibinulsa ko iyon at nagmadaling lumabas at pumara ng jeepney. I had no choice but to ride it.Ayaw kong isipin si Anton dahil sinisira na niya ang araw ko, hindi pa man ito nag-uumpisa. Tuwang-tuwa siguro iyon ngayon dahil naiinsulto niya ako. But I won't let him know that I'm affected.Nang p
Chapter 7Uminit ang pisngi ko nang mas lalo niyang idiin ang labi para mas lalong malasahan ang labi ko. He locked me with his mighty arms.Namumungay ang mga mata niya noong humiwalay siya sa akin. He cupped my face gently. "I'm sorry for being a jerk a while ago. Hindi ko napigilan ang selos at galit ko kaya nagawa ko iyon," he paused. Tinatantiya ang reaksiyon ko. Sinalubong niya ang aking tingin. "I won't make an excuse, I'm really sorry.""Wala ka naman dapat ipaliwanag. Sobrang nasaktan lang ako sa mga binibintang mo sa akin... I'm not a flirt. It just happens that I enjoy being with guys. Wala naman akong ginagawang masama at wala ka din namang karapatan para supilin ako sa kung ano ang gusto kong gawin at kung sino ang gusto kong makasama."Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. Tumatango siya. "Yeah, I'm a jerk because of that. I apologize, Ey."Pinunasan ko ang natuyo ko nang luha. "I-It's fine," sabi ko dahil ramdam ko namang sincere siya sa paghingi niya ng tawad
"Kaya mo bang bumangon?" alalang tanong niya habang itinataas ang comforter hanggang sa aking dibdib."I can't," ngumuso ako. Sobrang sakit ng gitnang parte ng hita ko at parang binugbog ang katawan ko.Binuhat niya ako kanina para mag-warm bath pero itinuloy namin ulit ang mainit na yugto roon kaya natuluyan na ako. But somehow I felt rejuvenated and wonderful for some reason I don't know."I'm sorry." Pinakatitigan niya ako at hinalikan sa sentido. "Kung hindi ka makakapasok, ayos lang naman. Irereport ko na lang sa 'yo ang mga mapag- uusapan namin tungkol sa event bukas."Tumango ako at pumikit dahil parang lalagnatin ako sa ginawa namin ngunit nasarapan naman ako kaya ayos lang. Bago siya umalis ay pinakain muna niya ako at pinainom ng gamot. Ipinanhik din niya sa kuwarto ang microwave para hindi na raw ako bababa para magpainit ng aking lunch. Naglagay rin siya ng bottled water at extrang pain reliever sa side table. Binuksan niya ng bahagya ang glass sliding door para pumasok r
"Pisti! Naa na imong uyab!" Tumakbo kaagad si Hugh sa loob ng walk-in closet at isinarado iyon.Hahakbang sana ako para sundan siya ngunit biglang sumigaw ulit si Anton. "Babe, do you need water?!"Pinasadahan ko ng mabilisang tingin ang mga bottled water na iniakyat niya kaninang umaga at nakita kong ubos na ang lahat ng iyon. "Yes, please!" sigaw ko rin.Naguluhan ako kung bakit nagtago si Hugh sa walk-in closet kaya humakbang ako ng mabilis para buksan iyon. "What are you doing? Sira ang ventilation nito, masusuffocate ka rito.""Shh! Isarado mo 'to, mahuhuli tayo ng boyfriend mo," mahina niyang bulong."Bakit naman? Lumabas ka nga? Ngayon na kita ipakikilala.." bulong ko rin. Hindi ko alam kung bakit siya bumubulong pero ginaya ko na lang ang trip niya sa buhay."You never know what a man will do if he sees someone in his girlfriend's room.""Huh? Ang gulo mo, hindi kita maintindihan.. Lumabas ka nga riyan... Pawis na pawis ka na," bulong ko ulit.Lumabas nga siya at nagpunas ng p
Everyone is busier than usual the next day. Anton looks after the VIP guests while I get on with my daily tasks together with my co-workers."Ang swerte ng mapapangasawa ni Sir Anton, 'no?"Napatigil ako habang ipinaghihiwalay ang duvet sa cover nito ngunit nagpatuloy ako at pasimpleng nakinig sa dalawa kong kasama na abala sa paglilinis ng mga kalat na naiwan ng mga bisita sa deluxe family room."Sinabi mo pa. Nakapag-aral sa University of Cebu, nag-intern sa Singapore at Dubai. Guwapo, matalino, mabait at responsable. Saan ka pa makakakita ng katulad niya? Balita ko, nakabili na raw siya ng isang exclusive villa sa kabilang isla. Asawa na lang talaga ang kulang," kuwento ni Martia habang pinupunasan ng mabilisan ang side table.Tumawa si Sholing habang pilit na kinukuha ang mga laruang nagkalat sa ilalim ng sofa. "Paano magkakaasawa 'yun, e ni hindi pa iyon nagkakaroon ng nobya?"So he's really telling the truth? He's NGSB?"Pihikan din kasi," napahagikgik si Aling Martia."Naku! Ak