Share

Chapter 3

"A-- ano... Hana po, ako si Hana." Nginig na nginig ang mga binti ko. Noong nakita ko siya. Three years ago, hindi naman ganito kasungit ang mukha niya. Anytime ay para akong lalamunin ng titig niya.

Bahagya akong umatras nang wala siyang sinabi kahit isang salita. Nakatitig lang siya sa mukha ko. Mariin akong napalunok at umiwas ng tingin. Medyo hinarang ko ang hibla ng buhok sa mukha ko. Imposible namang kilala niya pa ako. Three years na ang nakalipas at sino ba naman ako para matandaan niya. Badtrip, sa dinadami ba naman kasi na mayayaman na pwedeng pasukin, dito pa talaga 'ko nilagay ni Carlos. Hindi ko na rin sinabi kay Carlos na kilala ko si Vlad, bahala na si batman kung anoman ang mangyari sa 'kin.

Napatingin ulit ako sa kanya nang wala pa rin siyang sinasabi. Mariin siyang lumunok, todo galaw ang adam's apple niya.

"Hana? Who the hell is Hana? Anong ginagawa mo sa pamamahay ko?"

Humipan ako nang kaunti, nilabas ang sikip sa dibdib.

"Uhm... Katulong ninyo po ako. Pinadala ako ng agency dito last week pa po, don Vladimir." Tumindig ang balahibo ko nang marinig ang pangalan niya mula sa sarili kong boses. Tunog masarap, ganoon din kaya ang pagkakarinig niya?

Kumurap-kurap siya, walang kamalay-malay. Paano ba nama'y lagi siyang wala. Mukhang madali nga lang siyang nakawan at parang wala siyang kaalam-alam sa nangyayari sa mansyon niya.

"You're a maid?" Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "Who hired you?"

"Iyong agency po..." Nakayuko lang ako, wala pa man akong ginagawa, nakokonsensya na ako. Nanakawan ko ang gwapong nilalang sa harapan ko, eh kung puso niya na lang kaya ang nakawin ko? No, Shanaya! Bad iyon.

"What are you doing outside my room then? Na sa baba ang kwarto ng mga katulong." Tumaas ang isang kilay niya; ang kapal ng kilay niya, ang angas.

"Ah... wala po. Napadaan lang. Tinitignan ko lang kung may mga alikabok akong hindi natanggal kanina." Wala akong maisip na palusot! Hindi ako magaling magsinungaling. Dapat talaga ay hindi ako iyong nag-apply, dapat si Carlos na lang tutal mala con artist naman siya.

"This midnight? I doubt that. Why are you here?"

Napalunok ako. Gusto ko ng sumabog sa sobrang panginginig.

"Wala po. Iyon lang talaga. Hindi ako makatulog kaya nagtingin na lang ako kung may pwede pang linisin. Sige po, balik na po ako sa kwarto ko." Mabilis akong tumakbo pababa sa unang palapag.

Grabe, naipon ang hangin sa dibdib ko kakapigil kong huminga nang malalim. Nanuyo ang gwapong amoy niya sa ilong ko. Pinakawalan ko ang malalim na hinga, kinalma ang nagtatambol na dibdib. Nakakakaba pa lang magkaroon ng evil plan; gusto ko ng umurong. Hindi ko na ata kaya ang gusto ni Carlos.

"Hello, Carlos?" bungad ko sa cellphone. Tinawagan ko ulit siya nang hindi ako makatulog kakaisip sa plano.

"O'ano? Kamusta? Ba't 'di ka pa natutulog?"

"Carlos, parang ayoko ng ituloy. Wag na tayong magnakaw; magtrabaho--"

"Shanaya, iyan ka na naman. Paulit-ulit na lang ba tayo? Isang beses ka lang magnanakaw, sa mayaman pa. Jusko hindi kawalan sa kanila kung mabawasan iyong alahas nila. Milyon-milyon ang pera nila, wag ka ngang magpalamon sa konsensya."

Sa sobrang bwiset ko sa mga lamok, binalot ko ng kumot ang katawan ko kahit pa hindi sapat iyong hangin ng electric ran para sa 'kin.

"Ikaw kaya ang gumawa--"

"Tangina? Pag-aawayan na naman ba natin 'to, Shan?"

Natikom ang bibig ko, sa tuwing naririnig ko na iyong inis niyang boses, namamaluktot na ako.

"Galingan mo sa pag-arte! Magsipag ka riyan at magpakitang gilas sa paglilinis. Gumawa ka ng paraan para makakuha ng gamit sa amo mo, Shan. Tandaan mo, ikaw si Hana Tiambeng riyan; hindi ikaw ang maarteng si Shanaya Navarette, naiintindihan mo ba?"

Isa pa iyon sa kinakatakot ko, paano kapag nalaman ni Vlad na pineke ko ang identity ko? Siguradong pwede akong makulong. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Carlos na ibahin ang birth certificate ko; basta ang alam ko'y illegal iyon.

"Shanaya, nakikinig ka ba?"

"Oo, Carlos." Napairap ako. Bakit ko ba siya mahal? Bakit ba mahal ko si Carlos? Dapat ata'y nakinig na lang ako sa magulang ko.

"Galingan mo riyan. Kapag nakakuha ka na ng alahas, saka tayo lalayo rito; magpapakayaman tayo kagaya ng pinangako ko sa 'yo."

"Carlos, kasama ba sa plano iyong pagtutuloy kong mag-aral ng kolehiyo? Twenty one na 'ko--"

"Jusko saka na natin pag-usapan iyan kapag nakuha mo na iyong kailangan natin. Mag-focus ka riyan. Matulog ka na nga. Anong oras na, tawag ka pa nang tawag."

Napasimangot ako. "Ba't ikaw, bat gising ka pa?"

"Malamang nagigising ako sa tawag mo. O'sige na. Matulog ka na, maaga ka pang gigising mamaya. Tandaan mo katulong ka riyan, hindi señorita."

Binato ko ang cellphone ko sapat lang para hindi mahulog sa kama. Badtrip! Nakakainis! Nagpapadyak ako sa matigas na foam. Hindi ito ang pinangarap kong buhay. Ang ganda-ganda ng pangako niya sa 'kin dati, mukhang tama talaga si Nadia, dapat ata'y nakinig na lang din ako sa matalik kong kaibigan. Mahal ko si Carlos. Paano ko iiwan ang lalakeng naisip ko ng kasama ko sa future, hanggang mamatay, fuck; para sa pangarap naming dalawa, kailangan ko 'tong gawin, kailangan ko siyang sundin.

"Isang beses lang, Shanaya; isang beses lang na nakaw at aahon na kayo sa kahirapan," paulit-ulit na bulong ko hanggang sa makatulog.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. "Fuck!" Bagsak na bagsak pa ang mga mata ko, halos kakatulog ko lang. Bwiset na iyan. Pumikit ulit ako. Tinatamad pa 'kong kumilos; ang bigat pa ng katawan ko.

"Hana!"

Napairap ako't napapadyak sa kama. Ito na naman ang nakakarinding bunganga sa umaga, daig pa ang nanay ko.

"Opo, manang Nancy! Lalabas na po!" Uma-umaga na lang akong binubulabog ng mayordoma. Nakakarindi sa tainga ang katok at sigaw niya.

"Bilisan mo aba! Napakarami pang kailangan gawin!"

"Eto na nga!"

Nang matahimik ang bunganga at katok ni manang Nancy, pinilit ko ng bumangon saka tinupi ang higaan. Pagkalabas ko ng silid, nasalubong ko si Emma, isa sa mga katulong, inirapan ako ni gaga, napaka-bitch talaga.

"Bilisan ninyong kumilos at simulan ninyo na ang mga naka-toka sa inyo. Hana, ayusin mo naman sana iyong paglalampaso mo; laktaw-laktaw na lang palagi. Ang dami ko pa ring nasasalat na malagkit sa sahig."

Tumango lang ako saka tamad na tamad na kinuha iyong map. Wala akong pakialam sa mga bilin niya. Sa dami ba naman kasi ng pwede kong pasukin, pagkakatulong pa talaga ha.

"Ayusin mo raw trabaho mo." Binunggo ako ni Ana, isa pang katulong na madalas akong tarayan. Nakaka-bwiset talaga; mga epel, feeling maganda, ang chachaka naman.

Sa kadahilanang, nagva-vacuum pa si Dona, kumain na muna 'ko ng almusal. Tinapay lang sabay nagtimpla ako ng kape. Naupo muna 'ko sa malambot na upuan sa harapan ng babasaging lamesa. Mas malambot pa iyong upuan kaysa sa higaan ko.

"Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako kay Emma, nakataas ang isa niyang kilay habang naka-krus ang mga braso sa dibdib. Tinago ko ang ngiti sa paghigop ko ng kape, feeling maganda talaga amp.

"Tinatanong kita." Talagang pinanuod niya ako't nanatili siyang nakatayo sa harapan ko.

"Nag-aalmusal, hindi mo ba nakikita?" sagot ko.

Umawang ang labi niya, napakaarte ng mga expression niya. Ang sarap hilahin ng dry niyang buhok.

"Mamaya pa ang almusal! Sabay-sabay ang mga katulong. Gawin mo muna ang trabaho mo. Feeling señor--"

"Let her eat," untag ng lalake mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinto ng dining area, nanlaki ang mga mata ko sa nakasandal na si Vlad sa pader katabi ng pintuan.

"Po?" Namaluktot bigla ang boses ni Emma.

"Let her eat, peacefully," untag ni Vlad habang nakatingin sa mga mata ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status