Share

Chapter 119

Buong linggo akong nakakulong sa kwarto ko. Kahit pagpunas at pagligo sa sarili ay hirap na hirap akong gawin 'yon. Nawalan din ako ng ganang kumain. Tubig lang ang palagi kong iniinom. Nahihiya na nga ako kina Lena at sa dalawang katulong ko rito sa condo. Nagpapasalamat ako dahil nandito sila, naaalagaan nila si Kalix.

"Ma'am Caroline, niluto ko po ang paborito niyong pagkain," nakangiting sabi ni Ate Belen nang nakita ko siyang pumasok sa loob ng kwarto. May bitbit siyang mga pagkain na nakalagay sa food tray.

Amoy na amoy ko ang sinigang na karne ng baboy at iba pang mga pagkain na niluto niya raw para sa akin. But I lost my appetite. Kahit lutoin niya siguro lahat ng mga paborito kong pagkain, hindi pa rin gagana 'yon sa akin.

"Pakilagay na lang po sa mesa, Ate Belen," saad ko habang nakatingin sa malayo. Napatingin ako sa kaniya nang ilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga pagkaing hinanda niya para sa akin.

"Kumain po muna kayo habang mainit-init pa ang sabaw. Baka hindi niyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status