Share

Chapter 118

Umiyak ako nang umiyak pagkaalis ko sa hotel dala-dala ang urn na sinasabing, abo raw 'yon ni Mommy. Binuksan ko ito. May nakita akong isang maliit na box sa loob. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ito kinuha upang tingnan kung ano ang laman no'n.

A customized photo locket necklace. May kalumaan na ito. Naagaw ang atensiyon ko sa pendant nito. Maingat ko itong binuksan, bumuhos ulit ang luha ko nang makita ang maliit na litrato sa loob ng pendant. Umiiyak ako nang kinunan nila ng larawan at nakangiti naman si Mommy. Bumaba ang paningin ko sa loob ng box nang may napansin akong mga larawan.

"Mommy..." sambit ko nang nakita ang mga larawan namin noong bata pa lang ako. Walang kamuwang-muwang sa mundo.

Habang tinitingnan ko isa-isa ang mga larawan, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Para akong mauubosan ng hininga. Ang sakit-sakit para sa akin na malamang wala na siya. All these years, hindi ko naranasang mahalin ng isang ina. Palagi kong hinahanap ang aruga at pagmamahal galing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status