Share

Chapter 117

Napaupo ako sa sahig at agad na niyakap ang urn. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Don Ernesto. Kagabi lang sinabi sa akin ni Lena na buhay pa ang totoo kong ina.

"B-Buhay pa po ang totoo kong ina..." saad ko at tiningnan ang urn. "Kagabi lang nalaman ko na buhay pa siya."

Huminga ng malalim si Don Ernesto. "She died peacefully two years ago, hija."

Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ko ang pagsikip ng puso ko. Nahihirapan akong huminga. Umiling-iling ako.

"Buhay pa po si Mommy." Ngumiti ako at inilagay sa sahig ang urn. "Hindi pa po siya patay. Hahanapin ko pa po siya. Gagawa ako ng paraan para mahanap siya." Napasinghap ako para pigilan ang namumuong luha sa mata ko. "Nakita ko siya sa video kung paano siya inaabuso ng sarili kong pamilya. Hindi magandang biro 'to, Sir. Kung galit po kayo sa akin dahil nalagay sa panganib ang buhay ng anal niyo noon, patawarin niyo po ako. Pero sana huwag niyong idaan sa ganitong biro ang buhay ng totoo kong ina."

"Hindi ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status