Share

Chapter 45

Napakapit si Alexander sa upoan habang tinatalian ko ng tela ang kaniyang balikat. Napasigaw siya sa sakit nang patapos na ako.

"Damn it! I'll kill them all!" sambit niya. Ipinilig niya ang ulo sa upoan. Hinahabol niya ang kaniyang paghinga.

"Kumapit kayo ng mabuti!" sigaw ni Miguel.

Napamura ako nang bigla siyang lumiko. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa bilis ng pagmamaneho niya. Halos hindi ako makagalaw dahil natatakot akong mahulog. Nakahinga ako ng maluwang nang may nakita na akong kalsada. Maraming dumadaang sasakyan. Nang lingonin ko ang sasakyan ng kalaban ay bigla silang huminto.

"Didiretso na tayo sa pinakamalapit na bahay pagamutan upang makuha ang balang tumama sa balikat mo, Sir Alexander." Mas lalong binilisan ni Miguel ang pagmamaneho. Hindi umimik si Alexander kaya ako na lang ang sumagot.

"Sige, Miguel. Namumutla na rin si Alexander," saad ko.

"Ayos lang ako. Huwag kang huminto baka masundan pa tayo ng mga kalaban. Dumiretso ka na lang sa bahay. May sarili akon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status