Share

Chapter 50

Kumuha ako ng malaking maleta at inilagay ang mga gamit ko. Kinuha ko ang susi ng aking sasakyan bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Daddy na nakatayo siya sa gilid ng pinto.

"Caroline, mag-usap muna tayo. Huwag kang aalis -"

"Wala na tayong pag-uusapan, Dad. You lied to me. Ginawa niyo akong tanga!" sigaw ko. Hinila ko ang maleta pababa ng hagdan. Nakasunod si Daddy sa akin. Binilisan ko ang paglalakad. "May rason pa ba ako para manatili sa bahay na 'to, Dad? Galit na galit si Mommy sa akin. Ayokong dagdagan ang problema niya."

Naabotan ko si Ate Cecile sa sala. Nanunuod siya ng palabas sa TV. Abot tenga ang ngiti niya nang nakita niya ang malaking maleta.

"Gusto mo bang ihatid pa kita palabas?" sarkastikong tanong niya.

"Tama na, Cecile! Huwag kang ganiyan sa kapatid mo!" saway ni Daddy sa kaniya.

"Why, Dad? Siya naman ang may gustong umalis sa bahay. Hindi namin siya pinapaalis. Pero mabuti na rin kung aalis siya para mabawasan ang mga palamunin dit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status