Share

Chapter 55

Inirapan ako ng babaeng morena. Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako nagpatalo sa kaniya. Tinitigan ko rin siya. Maganda naman siya. Hindi rin marumi tingnan ang balat niya. Gusto ko lang mang-asar. Malaki ang dibdib at maganda ang kurba ng katawan.

"Caroline?"

Sabay-sabay kaming napalingon nang narinig ko ang boses ni Amira. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang suot niya. Halos lumabas na rin ang dibdib niya sa suot niyang strapless na dress. Naglakad siya patungo sa amin habang may iniinom na alak.

"Kumusta ka na? Kailan ka ulit bibisita kay Michelle?" tanong ni Amira. Napalunok ako nang bigla niya akong yakapin.

"Magkakilala kayo?" tanong ng tatlong babae. Palipat-lipat ang paningin nila sa amin ni Amira.

"Oo. Kaibigan namin siya Miguel. Anak din siya ng amo ni Miguel," sagot ni Amira. Kumunot ang noo ni Amira nang napansin niya ang ekspresiyon ng mga mukha nila. "Bakit ganiyan ang mga itsura niyo? Daig niyo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa."

"Kaibiga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status