Share

Chapter 74

Isa-isa kong tiningnan ang mga sinasabing litrato na ipinadala kay Daddy. Napatakip ako sa bibig nang nakita ang ilang litrato na magkasama kaming dalawa ni Miguel.

"Someone sent these photos. Ngayon ko lang din nakita ang mga 'to. Paano mo ipapaliwanag ang lahat ng 'to, Caroline?" Bakas sa boses ni Daddy ang panggigigil. "Hindi ko alam kung ilang tao ang nakakita sa mga litratong 'to bago ipinadala sa akin. Nakakahiya ka, Caroline. Pinalaki kita ng maayos pero ito ang igaganti mo sa akin? Pumatol ka sa isang body guard!"

Napahawak ako sa kabila kong pisngi nang sampalin ako ni Daddy. Mas malakas ang pagkakasampal niya kaya agad kong naramdaman ang sakit nito. Nanatili lang akong nakayuko at nasa mga litrato ang paningin ko.

"Kaya ba ayaw mong pumayag na ikasal ka kay Alexander dahil siya ang gusto mong pakasalan? Ano? May nangyari na sa inyo? Malaki ang tiwala ko sa 'yo pero anong ginagawa mo, Caroline? Isang body guard?"

Hindi ako makasagot. Parang may bumabara sa lalamunan ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status