Share

Chapter 91

Neon green ang kulay ng bikining sinuot ko dahil pool party naman ang pupuntahan ko. Pinarisan ko ito ng itim na blazer na abot hanggang hita ang taas. Naglagay ako ng makapal na lipstick sa labi at light make up.

Habang nag-aayos ay hindi ko maiwasan ang sarili kong mapasayaw nang narinig ko ang malakas na music galing sa pool. Mukhang magsisimula na ang pool party kasi naririnig ko na rin ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga tao.

Ibinalik ko sa aking maleta ang aking mga gamit pagkatapos kong mag-ayos. Nakaka-hype ang pinapatugtog nila. Mas lalo akong na-excite na pumunta roon. Para na rin akong pumunta ng club o bar.

Pagdating ko sa pool, agad akong sinalubong ng waiter at pinapili ng maiinom. Juice muna ang kinuha ko dahil katatapos ko lang kumain ng dinner. Mamaya na ako iinom.

Napapangiti ako habang nililibot ang paningin ko sa buong pool. Malaki ang pool. Marami ang naliligo. Ang iba naman ay nag-iinoman sa gilid. Kararating ko lang pero gusto ko nang maligo agad. Ibina
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status