Share

Chapter 4

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Nang tignan ko ang oras ay alas-nuwebe na ng umaga. Napuyat ako sa panonood ng 'Netflix' kagabi. 'Yong series na pinapanood ko kasi ay nakaka-tense na ang mga eksena. Hindi ko tuloy namalayan ang oras kaya alas-dos na ng madaling-araw ako nakatulog. Nag-inat muna ako bago bumangon para lumabas ng kwarto at tignan kung sino ang nasa labas.

"I have bad feeling about this."

Napa-angat ako ng tingin kay Auden na kakalabas lang din ng kwarto. Nagkatitigan kami nang makita niya rin ako na kakalabas lang. Nakapinta sa mga mukha namin parehas ang kuryosidad. Irita rin ang mukha niya marahil ay naalimpungatan din sa ingay na nanggagaling sa labas. Panay kasi ang katok ng mga ito. Siguradong magigising ka sa ingay. Umiwas siya ng tingin at naglakad na papuntang living area.

"Mukhang tulog na tulog pa ang dalawa, bumalik na lang siguro tayo mamaya?" wika ng isang babae.

Natigilan si Auden sa paglalakad at humarap sa 'kin. Pamilyar ang boses ng babae. Anong ginagawa nila rito?

"Do you expecting them today?" Auden asked while pointing his finger at the door. Halos magdikit ang mga kilay niya. Tignan mo 'tong lalaking 'to. Naninisi na naman.

"Hindi, ah! Hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa nila rito," sagot ko at saka umiling.

Tumakbo ako papunta sa living area at niligpit ang mga kalat na pinagkainan ko kagabi. Nakakahiya naman na makita nila. Tinamad na kasi akong ligpitin kagabi dala ng antok. Si Auden naman ay nagtungo sa front door at pinagbuksan ang mga ito. May pagka-chubby at kulot na lagpas bewang ang haba ng buhok ng ginang na pumasok. Nakakunot rin ang mga noo niya.

"Napakatagal niyo naman buksan ang pinto! Akala namin ay tulog pa kayo," reklamo ni Mommy. Napalitan ng ngiti ang nakasimangot niyang mukha nang makita ako. Niyakap ako ng mahigpit nito pati na rin si Auden. Sunod naman ay kay Daddy. Na-miss ko sila, lalo na kapag pinapagalitan ako ni Mommy sa pagkain ko ng mga bawal sa 'kin pati ang pagpapaalala ni Daddy na inumin ko ang gamot ko.

Akala ko siya lang at si Daddy ang nandito. Kaya't nagulat ako nang pumasok din ang parents ni Auden. 

"Mom, Dad," bati ni Auden sa kanila pagkatapos ay nagmano kami sa kanila.

"Nabisita po kayo?" tanong ko nang makaupo na kaming lahat sa living area. Nagbatuhan muna sila ng tingin na parang nag-uusap gamit ang isip bago sumagot ang mommy ni Auden.

"We have something to discuss to the both of you," wika ni Mommy Lucy, ang mommy ni Auden. Sumilay ang malawak na ngiti sa labi nito. "We have decided to celebrate a three day honeymoon... Honeymoon niyo." Lumingon siya kanila Mommy na para bang hinihintay ang sagot ng mga ito. Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. 

"Honeymoon?" tanong ko. Medyo nabigla ako sa sinabi nila pero kalaunan ay nag-sink in rin sa isipan ko. Ngayon pa lang ay na-e-excite na ako. Saan kaya? Tinignan ko si Auden na tahimik lang at tila malalim ang iniisip. Parang nabawasan tuloy ang excitement na nararamdaman ko. Ayoko munang magpakampante, sa itsura pa lang niya... Tumututol na. 

"Look at this dress that I just brought for you, 'nak," excited na sabi ng mommy ko. "Beach dress 'to dahil alam kong hindi ka naman nagsusuot ng pang-bikini outfit." Inabot ni Mommy ang paper bag sa 'kin. Inilabas ko ang laman nito at napangiti. Alam niya talaga ang taste ko pagdating sa mga damit. Napakahilig ko kasi sa mga dresses. Lalo na ang mga korean style dress. Bihira lang talaga akong magsuot ng pants. Nagsusuot lang ako kapag kailangan pero mas preferred ko talaga ay mga dress.

"Thank you, Ma," wika ko habang tinitignan ang dress. Natigilan ako nang magsalita si Auden.

"It's not necessary, classes will be starting soon. I'd rather enjoy my cup of coffee and read books at home," reklamo ni Auden. Nakakrus ang mga braso niya habang magkasalubong ang mga kilay. "Dad, did you plan this, too?" tanong niya rin sa daddy niya.

"We plan this. Tatlong araw lang naman 'yon. We know you're gonna be busy once the class started. Kaya naman pinlano na namin habang may araw pa," sagot naman ng daddy niya. Napabuntong-hininga na lang si Auden. Hindi na siya nakipagtalo pa at nanahimik na lang ulit habang nakakrus pa rin ang mga braso. 

"Sa tagaytay kayo mag-stay for three days, it's my close friend's beach resort. Everything is going to be free since he's the one who requested both of you. Wala rin naman kaming balak na ganapin ang honeymoon niyo rito sa bansa. Pero hindi ako makatanggi kaya pumayag na ako," paliwanag ng daddy ko. Habang pinagmamasdan ko si Daddy, namiss ko bigla ang mga araw na inaasar niya ako lalo na kay Auden. I know he's really happy for me now. 

Tumayo at pumalakpak ang mommy ko. Bakas ang excitement at tuwa sa mukha niya. "Okay, everything is settled!"

Napapatingin ako kay Auden at ramdam ko na hindi siya agree sa honeymoon na 'yan.

"Mommy, okay lang po kahit 'wag na. Tutal malapit na rin mag-start ang klase, kailangan pa po namin mag-ready," sabi ko. Nawala bigla ang ngiti niya at nalungkot kaya medyo nakonsensya tuloy ako. Siguro mas okay na kung wala ng ganito. Siguradong hindi rin ako mag-eenjoy kung ang kasama ko ay laging nakabusangot.

"Sayang naman kung gano'n," sabi ni Mommy Lucy. Lumungkot ang mukha niya kagaya ng mommy ko. 

"'Wag mo nang isipin si Auden, hindi lang talaga siya mahilig sa vacation but that's totally fine. Tumuloy na kayo. We simply want you to enjoy your vacation, we do not expect you to rush for things that neither of you are prepared for," Auden's dad said. Hindi pa rin ako sanay sa aura niya, kinakabahan ako pag nakikita ko siya. Hindi naman pakiramdam na takot. I just feel intimidated when I'm around him. Lalo na at medyo bossy siya. Pero napa-isip naman ako sa sinabi niya. Anong bagay naman ang hindi pa kami handa? Ibig niya bang sabihin ay 'yong... Imposible naman 'yon! Kiss nga lang ay sa pisngi tapos noon pang kasal. Kaya napaka imposibleng may maganap na gano'n!

Nang tignan ko si Auden ay hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Katulad pa rin no'ng araw na pag-usapan ang tungkol sa kasal namin. Hindi na siya nakikipagtalo, he just let everything planned and just go with the flow. Nakaramdam tuloy ako ng awa. Parang sa pamilya niya ay wala siyang freedom. Feeling ko rin guilty ako. Napilitan siyang magpakasal sa 'kin kahit labag sa loob niya.

"Ito na ang huling bagay na kami ang magdedesisyon para sa inyo. Pagkatapos ay hahayaan na namin kayong magpatakbo ng buhay niyo bilang mag-asawa, malalaki na kayo. Alam niyo ang tama at mali. Pero nandito pa rin naman kami para gabayan kayo. Kaya sana naman ay pagbigyan niyo na kami," sabi ng mommy ko. Nangungusap na ang mukha niya hindi katulad kanina na masaya. Tinitignan niya kami maigi sa mata ni Auden. Nakaka-miss talaga ang mga pangaral niya.

Kinabukasan, maaga kaming gumising katulad ng sabi ng mga magulang namin. Dahil hindi pa kami nag-breakfast ay nag drive-through muna kami sa nadaanan naming Starbucks. Auden got himself a black americano and I got a hot chocolate. Nag-order na rin siya ng sandwich para sa 'min dalawa. Minsan lang naman ako mag-sandwich kaya okay lang naman siguro. Masasarap talaga ang bawal. Hays. Gutom na talaga ako.

Kumain na kami habang siya ay nag-drive na ulit. Napatitig ako sa jaw line niya. Pati ang paraan niya ng pag-ikot ng manibela ng kotse gamit ang isang kamay dahil ang isa ay ginagamit niya sa paghawak ng kape. Halos lahat ng gawin niya yata ay nakaka-attract sa 'kin. Parang ayoko nang alisin ang paningin ko sa kaniya. 

"Don't expect that this going to be fun. Don't ruin my entire vacation. Do whatever you like and leave me alone," Auden said breaking the silence between us. Muntik pa akong mabulunan sa gulat. Hindi siya nakatingin sa 'kin bagkus ay diretso lang ang tingin sa daanan. Sumipsip ako sa inumin ko bago sumagot.

"But we're supposed to have fun together, 'di ba? Kaya nga tayo nandito," sagot ko pagkatapos ay ngumuso. Honeymoon nga, eh. Excited pa man din ako dahil kasama ko siya. Pero mukhang malabong mangyari 'yon. "Sayang naman," dagdag ko pa.

Saglit siyang tumingin sa 'kin sa rear view mirror. "It's still up to us to decide how we will spend our time there. They won't know unless you tell them," he said. Ang mga magulang namin ang tinutukoy niya.

Ayaw niya lang akong kasama, 'yon ang sabihin niya. Tumango ako at umakto na z-in-ipper ang bibig. Wala naman akong balak sabihin 'to kanila Mommy. Tsaka tama naman siya hindi naman siguro nila malalaman kung paano namin ginugol ang tatlong araw. Um-agree na lang ako para wala ng gulo. Basta ako, I will enjoy every bit of our vacation. I love beach! Lalo na ang sunset.

Pagdating sa resort ay nagtungo rin kami agad sa hotel na tutuluyan namin sa loob ng tatlong araw. Alas-diyes na kami nakarating. Maaga pa para sa lunch pero gutom na 'ko.

"Here's your room key." Inabot ni Auden ang isang susi sa 'kin at saka umalis rin kaagad. Hinabol ko ito at sumunod sa kaniya.

"Bakit magkaiba tayo ng room? Hindi ba 'to makakarating sa mga parents natin? Alam ng may-ari nitong resort na mag-asawa tayo. Baka magtaka sila kapag nalaman niyang nasa magkaiba tayong room at sabihin kanila Mommy," tuloy-tuloy na sabi ko habang nakasunod sa kaniya. Tumigil siya nang ilang segundo bago humarap sa 'kin. 

"Fine!" he said. Na-realized niya rin siguro na may point ako. But he's looking at me meaningfully.

He took the key from my grasp and walked away, leaving me puzzled. Anong ibig niyang sabihin sa mga tingin niya? Sinasabi ko lang naman sa kaniya ang mga possibility. But he didn't seem convinced at all.

I just shrugged and patiently waited for him. Pagbalik niya ay sa iisang kwarto na lang kami tumuloy. The room has two beds and has good scenery from the balcony. Habang tahimik na nagbabasa ng libro si Auden, nagpasya ako na maligo muna bago ko siya yayain kumain ng lunch. 

Pagpasok ko sa bathroom ay naligo na 'ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbababad sa bathtub nang pumasok sa isip ko ang sitwasyon namin ngayon. Nasa iisang kwarto lang kami at kasama ko siya. Siya lang at ako. Sa bahay rin naman ganito pero sa magkaibang kwarto kami natutulog unlike ngayon. Halos maglumpasay ako sa kilig sa mga naiisip ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Ni-relax ko muna ang sarili dahil nakakapagod ang biyahe kahit naka-upo lang ako. Nang matapos ako ay tumayo na 'ko at umalis sa bathtub. Nang abutin ko ang towel sa gilid ay siya namang pagdulas ng paa ko. 

"Aaahh! Ouch..." Napahimas ako sa balakang ko dahil sa pagkakabagsak ko. "A-Auden... T-tulungan mo- aww..." Napapanganga ako sa tuwing igagalaw ko ang balakang ko. Mabuti ay hindi ako napahiga, baka mas malala ang nangyari sa 'kin. Bakit ba kasi napaka clumsy ko! 

Nang bumukas ang pinto ng C.R. ay bumungad ang isang Auden na nakabusangot. Hindi ko pala nai-lock ang pinto. Mabuti na lang kung hindi ay magkakaproblema pa sa paghingi ko ng tulong. Agad din nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ako. Mabuti na lang ay naabot ko ang towel kanina kaya may takip ang katawan ko pero hindi talaga ako makatayo.

"F*ck! What the heck are you doing? Are you trying to seduce me!?" he exclaimed. Nakatalikod na ito sa 'kin dahil iniiwasan niya akong tignan. Hindi makapaniwala ang mukha ko sa narinig.

"Of course not! It was an accident. I just need help to get up." Inayos ko ang towel na naka-ikot sa katawan ko. Humarap siya at huminga nang malalim. Hinawakan niya ako sa braso para tulungan tumayo pero hindi ako nakapag-balance dahil sa sakit ng balakang ko. Napasigaw ako at natangay siya. Napanganga ako habang nanlalaki ang mga mata. His other hand is cupping my breast.

"A-Auden... Ang kamay mo..." mahinang sabi ko para ipaalam sa kaniya na ang kamay niya ay kasalukuyang nasa dibdib ko. Lumukot ang mukha niya nang makita ito. Puro kahihiyan na lang ang dinadala ko. Noong una ay lumabas akong walang suot na bra at tanging T-shirt lang. Ngayon ganito naman.

"This is crazy! D*mn it!" he cussed. Inayos niya ang kamay niya sa braso ko. Umayos na kami ng tayo at inaalalayan niya pa rin ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Parang may namumuo rin na pawis sa noo ko. Hindi ko na alam kung pa'no haharap kay Auden. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay parang anumang oras ay lalabas ito sa mula sa rib cage ko. Wala nang nagsalita sa 'min hanggang sa pagbaba namin para kumain ng lunch maliban na lang kung mahalaga pero maiikli lang naman ang sagot niya.

Nagising ako na gabi na. Bigla tuloy akong nanghinayang sa kalahating araw. Hindi ako nakapag-swimming at hindi ko rin nakita ang paglubog ng araw na hinihintay ko pa naman. Nakakaasar naman!

Pagkatapos ng dinner ay naghanda na kami para matulog. Si Auden sa kabilang kama at ako naman sa isa. That is obviously the set up. Hindi pa ako makatulog dahil mahaba-haba ang tulog ko kanina. Kahit anong pwesto ang gawin ko ay hindi ko makuha ang antok ko. Maaga pa naman. Nang umikot ulit ako pakaliwa ay tumambad ang pinakamagandang scenery na nakita ko sa buong buhay ko. Liwanag ng buwan at lamp ang nagsisilbing ilaw kaya kita ko ang mukha ni Auden na nakaharap rin sa 'kin. Tumayo ako at lumapit sa kaniya para titigan siya nang mas malapitan. Yumuko ako nang bahagya para mas maaninag ang mukha niya.

Napako ako sa kinatatayuan ko sa gilid niya nang mapagmasdan siya. He's sleeping as if he's an angel at hindi mo aakalain na napakasungit at arogante niya. Nakasuot ito ng itim na sweater na palagi niyang porma mainit man o malamig ang panahon. Napangiti ako dahil naalala ko ang nangyari noong isang araw. Nalaman ko na kahit papaano ay nag-aalala siya para sa 'kin. Kahit hindi naman niya talaga ako gusto, may puso pa rin siya bilang tao para makaramdam ng pag-aalala para sa iba. Hahawiin ko na sana ang buhok niya nang umikot ito sa kabilang side. Kinabahan ako nang bahagya dahil akala ko mahuhuli niya ako. Muntik na 'yon ah! Wews.

Bumaba ako at nagpunta sa dalampasigan para maglakad-lakad at magpa-antok. Malamig na simoy ng hangin ang tumatama sa balat ko kaya niyakap ko ang sarili gamit ang dalawa kong kamay. Kapag nasa ganitong lugar ako, nawawala ang stress ko. Parang wala akong problema. Parang musika sa pandinig ko ang tunog ng paghampas ng alon sa buhangin. It's so peaceful.

May nadaanan akong lalaki na nakaupo sa buhanginan at tahimik na umiinom. He's wearing a white shirt and a beach short. He seems familiar kaya tumigil ako at bumalik para lapitan siya. Nang masigurado ko na siya nga ang lalaking 'yon ay kinuha ko ang atensyon niya. Curious ako kung ayos na ba siya.

"Hey," bati ko. Umangat ang tingin niya sa 'kin. Inaninag niya muna ako bago nagsalita, siguro ay inaalala niya rin kung sino ako.

"Hey, I didn't think I'd see you again." Halos abot tenga ang ngiti niya habang tinititigan ako. "Would you like some?" he asked. Iniangat niya ang bote ng wine para ipakita sa 'kin.

"Red wine ba 'yan?" tanong ko. Pwede naman sa 'kin ang red wine dahil sabi ng doktor ko ay healthy naman daw ito.

"Uhm, yeah? Do you prefer hard drinks, I'll get some for you." Tumayo ito pero pinigilan ko. Umiling ako. Akala niya siguro ay namimili ako ng alak kaya tinanong ko.

"No, I mean... I have a heart condition. A red wine will do." I sweetly smiled at him. Napatulala muna siya pero kalaunan ay tumango rin at pinaglagay niya ako ng wine sa baso.

"Thanks," I said. Ininom ko ito at napapikit habang ninanamnam ito. Nakaka-refresh.

"I'm Dash, and you?" sabi niya habang lalagyan ulit ng wine ang baso ko. Pinilig ko ang ulo ko papunta sa kaniya.

"Cami," maikling sagot ko at saka ngumiti. "Masyado yata tayong pormal," sabi ko at mahinang tumawa. Gano'n rin siya at tumango.

"Dahil ba sa sakit mo kaya parang malalim ang hugot mo no'ng nakaraan?" tanong niya para hindi maging awkward ang atmosphere. Nangaasar ang ngiti niya. Inipit ko ang mga labi ko at tumango. Natawa naman siya at saka umiling.

Parang hindi na siya ang lalaking na-meet ko kamakailan lang. His aura is not the same anymore. Kung iisipin, para siyang heart broken at nag-e-emo rito. Hindi naman gano'n kadali malagpasan ang matinding lungkot. Pero batid kong lumalaban pa rin siya. That's good. Depression is not a joke. It takes a lot of time to overcome. Mas magiging madali rin siguro kung may napagsasabihan siya ng mga problema niya.

"If you wouldn't mind, may I know what are you doing here?" he asked. Sa mismong bote na siya ng wine umiinom.

"Ahh... Actually, I'm on a three day vacation, ikaw ba?"

Lumingon ako sa kaniya at hinintay siyang sumagot. Mas maayos na ang usapan namin hindi katulad no'ng unang beses kaming magkita, medyo tense.

"Sinong kasama mo?" tanong niya nang hindi sinasagot ang tanong ko. Nakamasid lang siya sa dagat sa harap namin. Pinapanood niya ang paghampas ng alon sa buhangin.

"I'm with my-" naputol ang sinasabi ko nang may magsalita sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-recognize kung kaninong boses iyon.

"Can I join?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakangisi siya habang nakapamulsa. Hinahangin ang buhok niya pati ang polo na suot. Ang gwapo!

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "What are you doing here? Akala ko natutulog ka?" tanong ko sa kaniya paglapit ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit naistorbo ko ba kayo?" he asked arrogantly. 

Confused akong tumingin sa kaniya. Umiling ako pero nagsalita ulit siya. "So, who is this man you are talking to?" Tumingin siya kay Dash habang bakas pa rin ang ngisi sa gilid ng mga labi niya.

"Dash, pare." Inabot ni Dash ang kamay niya kay Auden pero hindi ito pinansin kaya ibinaba niya na lang.

"Mauna na kami, Dash. Next time na lang. Bye!" Kumaway ako kay Dash at hinila na si Auden. Nadadamay pa ang ibang tao sa pang-titrip niya sa 'kin. Kung hindi ko lang alam na pinapaasa niya lang ako sa inaasta niya kanina ay kinilig na 'ko.

Pagkarating namin sa Hotel room ay 'di na 'ko nakatiis at kinausap si Auden.

"Ano pala ang ginagawa mo ro'n kanina?" tanong ko sa kaniya. Parang nakakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko sa hindi ko malamang dahilan. 'Wag ka nga mag assume, Cami!

"I was just passing by. Then I saw you," he simply said. Binuksan nito ang T.V at prenteng umupo sa couch. Tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ako kumbinsido pero para hindi na humaba pa ang argumento tumahimik na lang ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Umasa lang naman ako na hinanap niya ako. Psh. Tahimik lang siyang nanonood ng T.V kahit na parang hindi siya mapakali sa upo niya. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nilingon ako ni Auden mula sa couch habang seryoso ang mukha. 

"Aren't you going to explain what I just saw awhile ago? Who is he and why you're with him? You even have the audacity to share a glass of wine with him? Seriously?" 

Natulala ako at hindi agad naka-imik. I don't know how to answer his questions. This is the first time I heard him talk that long. This is unbelievable! Ayoko kiligin! No! No! Wala lang 'yang tanong niya na 'yan. He don't mean anything about it. But wait... Omg. Nagseselos na ba siya?

"Iniisip ko lang din ang sasabihin ng mga magulang natin kapag nakarating 'yon sa kanila. I'm just trying to be considerate. Isn't that what you said earlier?" sarkastikong sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Ngumisi siya bago humarap ulit sa T.V. Bumabawi ba siya sa 'kin? Nakakainis! Medyo umasa ako do'n ah!

"Assuming," bulong niya pero sapat na para marinig ko. 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Devero Mers
hnd ba pwed libri nalang
goodnovel comment avatar
Devero Mers
sana matapo
goodnovel comment avatar
Flor Pajanustan
nakakainis lagi na lang sa kwinto babae ang atat di naman lahat ng babae malandi ( just kaloka lang )
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status