Share

Chapter 3

"Napakasarap mabuhay lalo na kung pinupuno mo ito ng saya. Ngunit hindi ibig sabihin no'n na ang buhay ay puro saya lang dapat, we won't learn lesson from it if it doesn't have any challenges that will make us tough. In some point in our lives, kahit anong gawin nating pagpapasaya sa mga sarili natin at pag-iwas sa mga bagay na makakasakit sa 'tin, masasaktan at makakasakit pa rin tayo."

Napapangiti ako habang pinapanood ang paborito kong motivational speaker.

Itinaktak ko ang kutsara sa tasa nang matapos ko itong haluin. Ipinagtimpla ko si Auden ng black coffee kahit na sinabihan niya akong 'wag na. Uminom ako ng tsokolate ko at saka pinatay ang laptop.

Gusto kong makuha ang tamang timpla na approve sa kaniya kaya naman todo practice pa rin ako. Na-e-excite tuloy ako na makita ang magiging reaction niya.

Malungkot pa rin ako sa nangyari kagabi pero inaalis ko ito sa isipan ko. As long as I can, I remove and avoid all the negativities inside my mind. Ayoko ng stress, pero hindi naman maiiwasan minsan. Higit sa lahat, ayoko ng nagtatanim ng sama ng loob. 

"Oh, gising ka na," I said and tried not to sound like I've been waiting for him. Muntik ko ng madura ang laman ng bibig ko nang sumilip ang dibdib niya na natatakpan ng manipis na polo. Gulo pa ang buhok niya at basa. May nakapatong rin na towel sa batok niya. I'm so mesmerized on how he look.

"So?" he asked with his husky voice. Hindi siya tumitingin sa 'kin. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at kumuha ng baso at saka uminom ng tubig. Nang lumapit siya ay parang may nanuot na amoy sa ilong ko. Ang bango niya! 

"Pinagtimpla kita ng kape, kakatimpla lang nito kaya mainit pa," sagot ko nang bumalik ako sa katinuan. Inabot ko sa kaniya ang kape saka nginitian siya. I act as if nothing happened last night. Wala na sa 'kin 'yon kahit pa sinadya niya or hindi. It doesn't matter.

Tinignan niya muna ang hawak ko nang ilang segundo habang nakataas ang kanang kilay. Umiling siya pagkatapos ay nagsalita.

"Stop smiling, nakakairita," mahinang wika niya at kinuha ang baso na nasa kamay ko. Napa-pout na lang ako. Wala na siyang nagawa dahil nakatimpla na ang kape. Naisip niya siguro na sayang kung hindi niya tatanggapin. Nagpunta siya sa living area kaya kinuha ko ang hot chocolate ko at saka sumunod sa kaniya. Ano bang problema niya sa ngiti ko. Grabe naman!

"Are you serious about what you said to your mom yesterday?" I asked. Umupo ako sa couch na katapat niya. 

Tumaas ang kilay niya at tinignan ako. "Bakit? Angal ka?" Sumandal siya at umupo nang naka de-kwatro. Sumilay ang ngisi sa mga labi niya.

"Hindi naman pero bakit kailangan mo pang magsinungaling, wala naman tayong napag-usapan na gano'n?" 

"Look, you're my wife now. Isn't that what you want? As your husband I want you to do the household chores. Got a problem with that?" he sarcastically said as he drink his coffee. 

Napakunot ang noo ko nang ma-involve na naman ang pag-aakusa niya na sinadya kong magpakasal sa kaniya. Magpapaliwanag pa sana ako nang dugtungan pa niya ang sinabi niya. 

"You know what, if you can't do it just go and tell my mom to ask for someone to do it for us. Simple as that." 

Tumayo ito at nagwalk-out na naman. Hindi naman sa disagree ako. It's just that, he obviously doing it on purpose. I just wanted to know why.

I sighed as I grabbed his half empty cup and bring it to the kitchen. Nang maubos ko ang tsokolate ko ay kinuha ko ang mga gamot at vitamins ko at ininom ito. Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng bahay. Mukhang kailangan ko na mag-umpisang maglinis. 

Una kong nilinis ay ang living area. Nag-vaccum ako at inayos ang ilang bagay. In-organize ko rin ang mga bagay na hindi ko pa natatapos ayusin no'ng nakaraan. Most of these are mine. Nang matapos ako ay isinunod ko ang kitchen. Hindi ko mapigilan ang maki-jam sa music na pinapatugtog ko. Nakakagana talagang maglinis habang may music.

Hindi ko napansin ang oras. Masyado akong naging abala sa paglilinis. Nakalimutan ko tuloy magluto para sa tanghalian. Huhu!

"Sorry... Hindi ko kasi namalayan ang oras." Kumamot ako sa ulo ko habang nagpapaliwanag kay Auden. Nasanay kasi ako na may tumatawag sa 'kin para kumain na. Masyado ko yatang in-enjoy ang paglilinis. Nakalimutan ko na ako pala ang magluluto ng lunch. Kainis!

Hindi siya sumasagot dahil abala sa pagtitipa sa phone niya. Narinig ko itong nagri-ring at may tinatawagan. Habang naghihintay na may sumagot lumingon ito sa 'kin.

"Tss," he murmured while his eyes are rolled. Wala man siyang sinasabi ko pero ang mukha niya ay dismayado. Nagugutom na siguro siya. I just pouted while playing my hair. Umalis muna ako para itabi ang pangpunas na hawak ko at mga ginamit ko. Ang iba nga ay hindi ko sure kung para saan ba gagamitin.

"I would like to order..." 

Hindi ko na masyadong narinig ang sinasabi ni Auden dahil nasa likod bahay ako para ibalik ang mop at ilan pang mga gamit.

After an hour, his order came. I disappointedly look at the foods on the table. Hindi ko mapigilan na kagatin ang ibabang labi ko. Nakakatakam naman kasi ang nakahain sa lamesa. Yes, it is for two person, but most of it are suggested to avoid by a person with heart failure like me. Halos mga mamantika ito at maaalat.

Gutom na gutom pa naman ako. Excited pa naman ako na hinintay 'to. Tapos ngayon hindi naman pala pwede sa 'kin ang mga inorder. 

Nakanguso at nakatungo akong tumayo at nagtungo sa fridge. I look for something that I can eat. Ang hirap ng ganito, limited lang ang pwede mong kainin. Gusto ko man sumuway pero gusto ko rin naman humaba pa ang buhay ko. Siguradong mapapagalitan ako nila Daddy kapag sumuway na naman ako.

Nakakita ako ng bananas and eggs na nabili ko no'ng nakaraan.

"What's going on?" Auden asked from the back.

"Hindi ka kumakain ng mga 'to? Wow," he concluded.

Humarap ako dito habang nagpapakulo ng tubig. I decided to boil the eggs. 

Umiling ako. "Kung pwede nga lang, e. Bawal lang talaga sa 'kin ang mga 'yan. I forgot to tell you what I want to order and you didn't even bother to ask me," sagot ko. Kumagat ako nang malaki sa saging na hawak ko. 

He just grinned and starts eating. "Then it's your fault," he babbled. 

Hindi ko ito masyadong naintindihan kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Wala na rin nagsalita pagtapos. Bumalik siya sa kwarto nang matapos siyang kumain. Hindi ako masyadong nabusog sa kinain ko pero sanay na 'ko sa ganitong pagkain. Medyo naasar pa 'ko sa itsura niya kanina habang kumakain. Para bang nang-aasar pa siya habang sumusubo sa pagkain. Pasalamat siya ay gwapo siya! Pagkatapos ay nagpahinga ako saglit sa kwarto dahil mamaya ay ang kwarto naman namin ang sunod na lilinisin ko.

Hapon na nang magising ako. Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Pagtapat ko sa kwarto ni Auden ay napansin kong nakaawang ang pintuan nito. Lilinisin ko rin naman ang kwarto niya kaya kumuha muna ako ng vaccum at pamunas bago pumasok sa kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko dinatnan si Auden but I heard someone in the bathroom. He's probably in there.

Napapikit ako nang malanghap ko ang panglalaking amoy. I wonder what perfume he use. I want it too. Napailing ako sa naisip ko.

Parang naistatwa ako nang lumabas siya. Naka shorts lang siya habang ang towel ay nakapatong sa batok. Basa pa ang buhok niya. Napamura siya nang makita ako sa sulok. Teka, naligo na siya kanina 'di ba? Naligo na naman siya ngayon? Sobrang hygienic naman ng lalaking 'to. 

"W-what are you doing here!?" gulat na sabi niya nang makita ako. "Next time learn to knock, you're invading someone's privacy." Umirap ito bago humiga. May inabot siyang libro at nag-umpisang magbasa. 

"Nakabukas kasi 'yong pinto kaya pumasok na 'ko, itong kwarto mo na kasi ang sunod na lilinisin ko. Kagaya ng sinabi mo," paliwanag ko. I was refering to what we talked about this morning. Pinakita ko pa ang mga dala ko. Ngumisi lang siya kaya nag-umpisa na akong maglinis.

Pinulot ko ang mga damit niyang kung saan-saang sulok at lupalop ng kwarto niya nakalagay. Kapag naghubad yata ito ay hinahagis na lang kung saan ang damit. Napapa-iling na lang ako. Where are his underwears? Char. 

Nakakapagtaka lang rin dahil malinis siya sa katawan pero pagdating sa kwarto marumi? Hmm... I doubt that.

Nang pupulutin ko na ang isang sweater na nasa kama sa tabi niya, napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako. That was quick!

"I know you enter here with another motive," he whispered to my ear. Hindi ako makagalaw dahil nakukubabawan ko siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"W-what do you mean? Let me go." 

Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Tumatawa ito. "Is this how you ask for a honeymoon?" he whispered again. Kinakabahan ako sa mga oras na ito. Naguguluhan ako sa ginagawa niya.

"What!?" I exclaimed. I used all my strength to pull myself away. Unbelievable.

"Hindi porke't gusto kita ay gano'n na ang intensyon ko," paliwanag ko. Parang nagbubutil ang pawis ko sa noo. Hindi rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Napataas ang kilay ko nang tumawa siya. "I'm just kidding! Masyado ka kasing seryoso sa paglilinis," aniya at saka bumalik sa maayos na pagkakahiga.

"H-hindi nakakatawa!" 

Napailing na lang ako at kinuha na ang mga gamit ko at saka aktong lalabas na nang marinig kong nagsalita pa siya. Medyo nainis ako dahil...

Teka? Bakit nga ba ako naiinis? 

Dahil ba naudlot at umasa ako? No!

"As if naman gusto kong gawin 'yon kasama ka," malamig na sabi ni Auden.

I'm in deep thought while walking. Pauwi na 'ko galing sa supermarket to buy groceries and other things. Inutusan ako ni Auden pero hindi naman niya ako sinamahan. Wala pa namang taxi na dumaraan kaya napagpasiyahan ko na maglakad-lakad muna. 

Imbes na kiligin ako kanina ay nasaktan ako sa sinabi ni Auden. Parang unti-unti niyang inuubos 'yong hopes ko na magugustuhan niya rin ako. It turned out na pinapaasa niya lang ako.

Nasa bandang tulay na ako nang pagmasdan ko ang iba't ibang ilaw sa daanan. Parang mga ilaw na nagsasayawan ang mga ito. Iba't ibang kulay na aakalain mo ay fiesta na. Ngunit may isang taong pumukaw ng atensyon ko. 

Nakatayo ito at nakadungaw sa ibaba ng tulay. Habang papalapit ako ay umakmang tatalon ito. I know what he's trying to do. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumakbo at yakapin siya para pigilan. Hindi ko na inintindi kung nabitawan ko ang mga pinamili ko.

"What the f*ck!?"

"'Wag mong itutuloy kung anong binabalak mo, hindi 'yan ang solusyon please lang!" sigaw ko.

"Then what!? My life is so messed up, there's no reason to continue this f*cking life! So please, leave me alone."

Napapapikit ako habang sumisigaw siya. Unti-unti kong niluwagan ang kamay ko at binitawan siya. Huminga ako ng malalim at kumalma.

"Do you think so?" I asked him. Lumakad ako sa tabi niya at tumingin sa malayo. Kahit medyo madilim, kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya sa 'kin.

"Should I end my life too?" Nilingon ko siya at ngumiti. I make sure that my tone is serious.

"What are you trying to do? 'Di mo ko madadala sa ganyan," mayabang na sabi niya. Naghanda ulit ito na tumalon.

"You jump, then I'll jump," I simply said. Dumungaw rin ako sa ibaba ng tulay. Halos lumundag ang puso ko sa takot. Halos puro bato ito ngayon at walang tubig. Naiisip ko pa lang kung anong mangyayari sa katawan ko ay natatakot na 'ko.

Kunot noo itong tumingin sa 'kin.

"F*ck off!"

"Do it now!" pagpupumilit ko sa kaniya.

"Miss, 'wag ka ng makialam. Sariling desisyon ko 'to. 'Wag mo ng idamay ang sarili mo," seryosong sabi niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil natatakot ako na baka tumalon nga siya.

"Sariling desisyon ko rin 'to," matigas na sabi ko.

"Alam ko, mahirap ang pinagdadaanan mo. I won't tell you that everything is alright. But one thing I'm sure, I will be here to listen. Killing yourself isn't the way to escape from what you're going through."

Dumaan ang limang minuto na nakatingin lang siya sa kawalan. Parehas kaming tahimik at hangin at ilang sasakyan lang ang maririnig. Napaupo siya at yumuko. I tap his shoulder to tell him that I'm here. I think he only need someone to talk to. Someone who's willing to listen.

"Mas masarap kaya magsabi sa stranger alam mo ba 'yon? Stranger won't judge you, because we don't know each other. Feel free to tell me what is in your heart that make it feel heavy."

At first, iyak at hikbi lang ang naririnig ko pero kalaunan ay nagsalita rin siya. First time in my life na maka-encounter ako ng ganitong lalaki. He's brave for crying it.

"My sister... Is in comatose for a month now I think, and my mom, she left us for other man." He cried again after those words came out from his mouth.

"What about your father? Is he with you're sister?" I asked.

He shrugged his head. "He's dead a couple of years ago. I-I don't know what to do, I'm so pressured." He wiped his face. I can feel the frustration he is feeling right now.

"It's okay not to be okay for now, but please... Don't try to end your life again. You still have your sister, she's fighting because she wanna be with you. So you do, too," I said as I look into his eyes. 

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Marami rin na tao ang may pinagdadaanan. Some people fight for their lives, some are fulfilling their life for they not know until when they are breathing. Iba-iba tayo ng pinagdadaanan pero isa lang ang alam ko, we can overcome this," I sincerely said. Tumango-tango ako nang ngumiti siya.

"Kung makapagsalita ka, parang relate ka ah," pagbibiro niya, parang wala siya sa bingit ng kamatayan kanina. Medyo nakahinga ako nang maluwag.

"Syempre relate," sagot ko at natatawa. "Pero 'di ko masyadong iniinda 'yon. Hindi naman makakatulong kung mag o-overthink ako." I gave him my sweetest smile.

"You're brave, this is embarassing," wika niya at saka umiling at nagtakip ng mukha. Tumayo ako at tinulungan ko siya.

"Gender lang naman ang pinagkaiba natin pero parehas tayong tao. Every people can feel down and depress sometimes no matter what is their sexuality." 

"You're incredible. I promise, I won't do it." His eyes are full of admiration. Maaliwalas na rin ang mukha niya. Sana lang ay hindi na niya gawin pa 'yon.

Nginitian ko siya. "Promise 'yan ha!?" sabi ko.

Magsasalita pa sana siya nang mag-ring ang phone ko. 

"Where are you? Nagugutom na 'ko," wika ng lalaki sa kabilang linya pagkasagot ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang oras. Muntik ko nang makalimutan ang ipinunta ko dito. 

"I'm sorry I have to go," paalam ko sa lalaki. I won't forget that satisfying smile that he gave me. Nag-wave ako sa kaniya at nagtungo kung saan ko iniwan ang mga pinamili ko. Bigla ko na lang kase itong nabitawan kanina. Pero mabuti na lang at walang kumuha dahil wala masyadong nagdadaan.

"Ito na, pauwi na 'ko wala lang ako masakyang taxi," sagot ko kay Auden. Parang nakikita ko ang kilay nitong salubong lagi.

"Waaah!"

Halos atakihin ako sa puso at naihagis ko ang phone ko nang may kumalabit sa 'kin at pagharap ko ay napaka dungis nito. 

"'Teh, pengeng barya. Wala pa kaming kain, e." 

Parang kinurot ang puso ko sa itsura ng babae at ang anak nito na nakasabit sa likod gamit ang tela.

I just gave her some food from my groceries to make sure na makakakain sila. Umalis na rin agad sila, pinulot ko ang phone ko at pag tingin ko rito ay basag na. Hindi na ito nagbubukas kahit anong subok ko. 

Naglakad-lakad ako pero wala pa rin taxi ang nagdaraan. Medyo mabigat pa naman ang bitbit ko. Ayaw kasi ako samahan ni Auden, may ginagawa raw siya. 

After walking for about three minutes, a car stopped at my left. Huminto ako nang makilala ang sasakyan. Nang bumaba ang sakay nito ay napatulala ako. 

He came to me with his furrowed eyebrows. Tumigil ito sa harap ko habang nakapameywang.

"I thought something happened to you, you look fine. Tss," sabi niya at saka sumimangot at pinagkrus niya naman ang mga kamay.

"Kung alam ko lang, hindi na sana kita pinuntahan," he whispered but enough for me to hear it.

Napakagat ako sa labi ko. "Nagmadali ka bang puntahan ako dahil akala mo may nangyari na sa 'kin?" tanong ko. Iniiwasan kong kiligin pero hindi ko mapigilan. Gusto ko na ngang tumalon sa tuwa.

"Tsk." Inirapan niya ako at saka tumalikod na at sumakay sa kotse.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aesthetica_Rys
Thank youuu
goodnovel comment avatar
flyvanyaa
anngg gannndaa po ate...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status