Share

Chapter 2

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Humihikab pa ako na humarap sa salamin. Bakas pa rin ang pamumugto ng mga mata ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at magbihis ay nagtungo na 'ko sa kusina. Our house is a small modern house and has two bedrooms, just perfect for the two of us. The ambiance is really nice. Pinaka bet ko talaga ay sa veranda. Ang mga magulang namin ang pumili ng bahay na 'to pati ang lugar para raw hindi kalayuan sa University na pinapasukan namin.

Napagdesisyunan namin na matulog sa magkahiwalay na kwarto kahit pa no'ng sa bahay nila Auden kami nag-stay for three days after the wedding.

Nang dahil ang focus ko ay nasa kusina hindi ko kaagad napansin na nasa living area pala si Auden. Napatigil ako sa pag-iinat at nakipagtitigan din sa kaniya. Nakakunot ang noo niya. Nagpalipat-lipat ang mga mata sa 'kin at sa dibdib ko. Kaya napatingin din ako sa kung anong tinitignan niya. 

Para akong runner na nakikipag unahan sa finish line na bumalik sa kwarto. I lately realized that I wasn't wearing a bra!

Pinukpok ko ang ulo ko ng sariling kamay. "Focus, Cams! Hindi ka na dalaga at wala ka na sa bahay niyo, okay?" ani ko sa sarili ko. Parang saglit na nawaglit sa isipan ko ang nangyari kagabi.

Pero, wait. 'Di ba mag asawa naman kami? There's nothing wrong with that. No! Hindi pa rin. Ugh.

Huminga ako nang malalim habang kumukuha ng underwear. Bakit ba kasi nagpalit lang ako pero 'di ako nagsuot ng bra. Kinakausap ko pa rin ang sarili ko para hindi ko na maulit 'yon. Nakakahiya! 

This is just an arranged marriage, hindi kami totally nagmamaha-

Mahal ko pala siya, but the feeling is not mutual.

Lumabas ako ng kwarto na medyo nahihiya. Nagtimpla ako ng black coffee para sa kaniya at chocolate para sa 'kin. Suhestiyon ito ng family doctor namin na pwede ko raw inumin. Dinala ko 'yon sa living area. He's busy doing something on his laptop.

Naupo ako sa isa pang couch. "Here's a black coffee for you." Nagsmile ako para hindi mahalata na naa-awkward-an ako. Ibinaba ko ang baso ng kape at tsokolate sa table na nasa harap niya.

Tumingin siya pero iniwas niya rin kaagad. Namumula rin ang mga tainga niya. Nahiya rin siguro siya sa nakita. Pa'no pa ako 'di ba? Mas nakakahiya sa part ko 'yon. Habang pinagmamasdan ko siya ay parang hindi siya ang Auden na kausap ko kagabi. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko.

"Bakit black coffee?" Nakataas ang isang kilay niya habang hawak sa kanang kamay ang tasa ng kape at pinagmamasdan ito.

"Sabi ni Tita mahilig ka raw sa black coffee, eh." Lumagok ako sa chocolate na tinimpla ko. Nagtataka ako kung bakit niya pinagkakatitigan ang kape. Iniisip niya ba na nilagyan ko ng gayuma ang kape niya o 'di kaya ay lason? Hindi pa naman siguro ako gano'n kadesperada sa atensyon niya para gawin ang mga bagay na iyon. 

Nang lumagok na rin siya ay ako naman 'tong nakatingin sa kaniya. I'm waiting for his reaction about the coffee that I made for him. Sa unang lagok ay huminto siya, tila ninanamnam ang lasa. Hindi ko mabasa ang iniisip niya sa mga segundong iyon. 

Hindi ko sigurado kung nasarapan ba siya o napasobra at mali ang pagkakatimpla ko sa kape niya. 

"How was it?" Nakahawak ako sa pisnge ko habang hinihintay ang isasagot niya. Nag-iwas siya ng tingin at saka ibinaba ang tasa. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang magsasalita na siya.

"It's... It's disgusting! You don't have to make one for me next time. Kaya ko na," dismayadong sabi niya. Kinuha niya ang laptop at tumayo. Nakanganga akong naiwan sa living area.

"Oh, my mom just called me. She's inviting us for lunch today," paalala pa niya nang hindi tumitingin sa 'kin, hindi na niya hinintay ang sagot ko at iniwan na 'ko para pumasok sa kwarto niya kaya naiwan ako sa living area.

Kinuha ko ang tasa ng kape at tinikman 'yon. Mapait pero para sa 'kin ay tama lang ang lasa. Hindi ko naman masyadong tinamisan. Siguro hindi lang talaga ganito ang preferred na timpla ng kape ang gusto niya. 

Gusto ko lang naman ma-impress siya, eh.

Bumalik ako sa kwarto para magbihis. Nakita ko na naman ang grey na hoodie na nasa kama ko at nagpaalala ng nangyari kagabi.

FLASHBACK

"Y-you left this to me after the incident, 'yong nangyari when we were in high school." Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ipaliwanag sa kaniya 'yon. Nararamdaman ko ang panlalamig ng palad ko at pamamawis nito.

"I'm sorry, I wasn't able to return this to you back then, here." Umakto ako na inabot ito sa kaniya.

I kept this for many years, waiting for this moment. Ngunit may pumipigil sa 'kin, mahalaga sa 'kin ang hoodie na galing sa kaniya. Pero siguro oras na para ibalik sa may-ari.

"But... Why do you still have this?" he asked. I was cornered by his question. Sasabihin ko ba na gusto ko siya matagal na?

"Kase... Ano," 'di ko alam ang isasagot ko, parang naipit yata ang dila ko. Okay. I took a deep breath before talking.

"Gusto kita... Since that day."

Binitawan niya ang kamay ko. Ngumisi siya at saka ako tinignan nang makahulugan. He crossed his arms and turned to me.

"So, all this time ikaw pala ang may plano ng kasal na 'to?" Tumawa ito nang nakakaloko. Ang mga mata niya ay nangungusap na para bang sinasabi sa 'kin na desperada ako.

"H-hindi! Of course not! Wala akong kinalaman sa pagpa-plano ng kasal!" wika ko. Napayuko ako at nag-umpisa nang lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Nagsasabi ako ng totoo pero sa inaakto ko'y nagmumukha akong guilty.

"If you say so, kasal na tayo ngayon at wala na 'kong magagawa pa. Happy?" sarkastikong aniya. Sa tono ng pananalita niya ay hindi siya naniniwala.

"I'm telling the truth! Maniwala ka, please." Humarap ako sa kaniya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit ba napaka iyakin ko?

"You can keep it," he said then walked out the room.

Napasalampak ako. Hindi ako makapaniwalang inakusahan niya agad ako nang hindi pinapakinggan ang side ko. Hindi ko naman motibo na utusan ang mga magulang ko para ipakasal sa kaniya. Ginusto ko lang naman siya. Masama ba 'yon?

END OF FLASHBACK

"I want you to take part in our company, mas maaga mas mabuti. You're graduating na rin naman," puno ng awtoridad na wika ng matipunong lalaki sabay punas ng bibig. Hindi halata na nasa singkwenta na ito dahil mukhang bata pa sa itsura. Habang tumatagal ang titig ko sa kaniya, nakikita ko ang mga katangian na nakuha ni Auden sa kaniya. Disente ang mga kilos niya ang pinagkaiba lang yata ay medyo arogante si Auden.

"Yes, Dad," Auden answered without hesitation. Patuloy lang ito sa pagkain na parang wala ako sa tabi niya. Kahit minsan ay hindi siya nagbato ng tingin sa 'kin.

"Hindi pa naman sa ngayon, pero siguro before you graduate," his Dad added. Auden is quiet and just keeps nodding and agreeing with whatever his Dad tells him.

It was business after all, kaya rin kami ikinasal dahil sa mga kumpanya ng mga magulang namin. We're now eating our brunch. Hindi naman kami maayos na nakakain ng breakfast kanina. Kasalo namin sa lamesa ang Daddy at Mommy niya. They look so sweet and delicate with each other. Pero sa pagkakaalam ko ay biktima lang rin sila ng 'Arrange-marriage concept'. I wonder how everything turned out like this.

His father turned his gaze to me. "How's things working for the both of you? Do you need anything?" he asked. Tinignan niya kami ni Auden habang naghihintay ng sagot.

"Okay naman po. Everything is fine," I answered then gave them a genuine smile. Okay, I'm lying. Ano pa nga bang aasahan sa kasal na sa papel lang ang sumpaan? Masyado siguro ako nag-expect na magiging maayos ang lahat pag kinasal na kami. Malayo sa natatanggap kong trato mula sa kaniya.

"Don't hesitate to ask me, iha. We are a family now, I'm willing to provide whatever you need. Ayaw ko naman sabihin ng mga magulang mo na pinapabayaan ka namin," biro ng papa ni Auden at saka tumawa. 

"Siya nga pala, what about the household chores? Do you want me to hire someone? What do you think, honey?" sabi ng babaeng nasa kaliwang bahagi ng lamesa malapit sa Daddy ni Auden. She look so elegant even though she's just wearing a plain white dress. Ang tinig niya ay parang nang hehele.

"Oh yeah, gusto niyo ba? How 'bout you, son? Gusto mo ba mag hire ako ng bago or magpadala na lang ako ng isa sa mga kasambahay natin do'n?" tanong ng papa niya habang nakatuon ang atensyon sa pagkain na nasa plato, nag-aangat lang ito ng tingin nang ilang segundo.

Auden took a sip of water then wiped its mouth before talking. "Actually, Dad, my wife and I have talked about it last night. She's willing to do everything regarding those. Right, wife?" 

Three pairs of eye are staring at me and waiting for my answer. Hinawakan ni Auden ang kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa habang nakangiti. Halatang pilit ang ngiti niya at ramdam ko 'yon. Ramdam ko ang lamig ng mga titig niya. Napatitig ako sa kaniya at sa mga kamay namin kasabay ng pagkabog nang malakas ng dibdib ko. Parang may kuryenteng dumaloy papunta sa tiyan ko na nagdulot ng kiliti. Naghahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa puso ko.

Nang mag-sink-in sa isip ko ang sinabi niya I gave him a what-are-you-talking-about look. I was confused but Auden's stare made me talk.

"Auden was right, Tita. I insisted na ako na lang po ang bahala sa lahat, but regarding clothes, we have decided na ipapa-laundry na lang po namin." I awkwardly smiled. Hindi naman ako papayag na pati paglalaba ay ako pa ang gagawa. I'm aware of my situation and exhausting my body is not good for me. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Auden at ginagawa niya ang mga ito. 

Nagtinginan ang mga magulang ni Auden. Basa ko sa mga isipan nila na alam nila ang condition ko at maaari rin na iniisip nila ang magiging reaksyon ng mga magulang ko tungkol dito.

"Sasabihan ko pa lang po sila Mom and Dad," I said to assure them. Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. All my life, hindi ako pinatulong ng mga magulang ko sa mga household chores. Hindi ako sanay. Paano na 'to?

"We are happy na nagkakasundo kayong dalawa. You even trying to be independent on yourselves. That's unexpected," masayang wika ng Mommy ni Auden at parang hindi makapaniwala. Kung alam lang nila na wala naman talagang gano'n na usapan.

I sighed at the top of my lungs. I don't think it's a good idea.

Auden's mom and I were having a cup of tea at their garden. I don't know where he is now, dahil inaya na lang ako bigla ng mommy niya rito. Alam ko na kung kanino niya namana ang pag-inom nga kape. Pinagkaiba lang nila ay ang mommy niya ay mahilig sa tea habang siya ay sa kape. Langhap ko ang halimuyak ng iba't ibang bulaklak na pumupuno sa paligid. Ito 'yong lugar na masarap tambayan at magmuni-muni.

"Mommy! Uwah!" 

A five year old boy run towards his Mommy while crying. Kahawig nito si Auden. Its face is red that I found cute. Parang nakikita ko ang batang bersyon ni Auden. Malaki ang agwat nilang magkapatid dahil Audie was a menopausal baby. Naikuwento sa 'kin ng Mommy nila noong dito kami nagstay.

"Why, honey?" tanong ng Mommy niya sa malambing na tono.

"Kuya didn't let me have a bite of his chocolate!" sumbong niya habang humihikbi pa. Pinipigilan ko ang matawa sa nakababatang kapatid ni Auden. 

"Audie, 'di ba I told you na bawal? That will make your teeth worst!" turan ng ina nito.

Natutuwa ako na makita ang pamilya nila na kahit mayaman ay hindi ito dahilan para i-spoil ang anak. 

"You'll stop crying or I'll call the dentist to come over and pull out all your teeth?" pananakot ng ginang sa kalmadong boses.

Tumahimik ang bata at pinunasan ang luha. "But-" sasagot pa ang bata pero napigilan na siya ni Auden nang dumating ito. He's wearing a white polo shirt, itsura pa lang ay nakakatulala na. He look so neat and fresh. 

"No buts, Audie," mariin na wika ni Auden. Sa tono ng pananalita niya kahit sinong bata ay matatakot. Tumahimik si Audie at nagpunas ng luha at saka yumakap sa ina.

Nang magtama ang mga mata namin ni Audie ay lumapit ito sa 'kin. Siguro ay naalala niya pa 'ko kahit na isang beses lang kami nakapaglaro.

I smiled. "Hi! Next time, I'll bring you some chocolates, but promise me you'll behave, okay?" Hinawi ko ang buhok niya na humaharang sa mga mapupungay nitong mga mata.

"Ate Adeena, bakit ngayon ka lang po ulit nagvisit dito?" tanong ng bata na nagpakunot sa noo ko.

Napatigil ako. Teka, nagkamali lang ba ako ng dinig? Lumingon ako sa kanila Auden at sa Mommy niya. Bakas din ang gulat sa mga mukha nila at nagkatinginan pa ang mga ito. 

"I'm Ate Cami, nakalimutan mo na agad ako? Anyway, who's  Ate Adeena? Is she your cousin or your playmate?" I asked Audie, nag-pout pa ako para kunware ay nagtatampo. Nagkita na naman kami before pero ngayon niya lang nabanggit ang pangalan na 'Adeena'. 

"Mom, we're going home," nagmamadaling paalam ni Auden. Tumapat ito sa 'kin. "Let's go," he said with his serious voice. Nagpaalam na 'ko dahil baka magalit pa lalo si Auden.

"Next time na lang tayo mag-play, ha? We'll be back here," sabi ko kay Audie at kinurot ang namumula at mataba nitong pisngi.

Hindi na ako naglakas-loob pa na mag tanong kung bakit nagmamadali siyang nagyayang umuwi kanina dahil ayoko ng sabayan pa ang inis niya. Hindi ko rin naman sigurado kung alin ang itatanong ko dahil baka mali lang ang interpretasyon ko sa nangyari.

Tahimik lang siyang nakafocus sa pagmamaneho hanggang sa makauwi na rin kami. Naalala ko ang napag-usapan kanina na wala naman sa plano namin. Ni wala nga kaming napag-uusapan tungkol sa mga gawaing bahay, nakakapagtaka na gumawa siya ng sariling niyang desisyon. He even lied to his parents. What for?

Pagdating sa gate ng bahay ay nadatnan ko ang isang bagay na parihaba at nababalot ng kulay brown na pambalot. Halata na makapal ang pagkakabalot dito at may nakalagay na paalala sa labas 'Fragile, handle with care'.

Parang puso ko pala. Haha!

Mukhang ako lang ang interesado sa bagay na 'to dahil pumasok na kaagad ng kwarto si Auden at nagkulong. Wala na naman siya sa mood at hindi makausap. Hindi pa man nabubuksan ay alam na namin ang laman nito.

"Wow!" I exhilarated. Parang nagningning ang mga mata ko sa nakita.

This was our wedding picture. Naka-frame ito na halatang pina-customized pa. Nasasabik na 'kong makita itong nakadisplay at nakasabit. May nakaready na naman na pagsasabitan, isasabit na lang ang kulang. 

Sinubukan kong isabit ang picture frame, pero mataas ang sabitan at hindi sapat ang taas ko para abutin 'yon. Medyo may kabigatan din ang picture frame.

Kahit nagdadalawang-isip ay napagdesisyunan ko na katukin si Auden sa kwarto at humingi ng tulong para isabit ang picture frame. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay siyang buksan ang pinto.

"What?" he irritably asked after opening the door. It took me a while before he opened it. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"Pwede ba?" tanong ko. I'm referring to the picture frame.

Umirap ito at ibinaba ang librong hawak. "Fine, saan ba?" he asked.

Gusto ko sanang pumalakpak pero pinigilan ko ang sarili ko. Halos abot tainga na yata ang ngiti ko sa mga oras na 'yon. Itinuro ko ang spot kung saan niya isasabit ang frame.

Nahuli niya 'kong nakangiti na nagpakunot sa noo niya. Kalaunan ay nawala ito at napalitan ng nakakalokong ngisi. "Dito ba?" tanong niya. Tumatango ako habang malapad ang ngiti. Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi niya habang inaangat ang frame.

"Be carefu-" 

Huli na para bigyan siya ng paalala. Bumagsak sa sahig ang basag na mga piraso ng salamin ng frame. Naiwan sa ere ang mga kamay niyang may hawak ng frame kanina. Nawala ang ngiting gumuguhit sa mga labi ko.

"Sorry, it slipped out of my hand." Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng sweater niya sa harapan. Parang wala lang sa kaniya na nabasag ito at saka tumalikod at umalis. 

Ilang segundo muna akong na-istatwa at natulala bago pinulot ang picture namin. Bumigat ang paghinga ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko. Napakabalat-sibuyas ko talaga. Pinunasan ko ang mga luhang parang walang balak tumigil sa pagpatak. This is just a frame. Bakit ako umiiyak para dito?

Napaupo ako sa gilid na malapit sa basag na frame. Sobrang panghihinayang ang nararamdaman ko habang nakikita ang mga piraso ng frame. Hindi man lang ito iningatan knowing that this is our wedding picture. What really made me feel bad was knowing that he did it on purpose, as if he didn't appreciate anything that made me happy. And as if he doesn't want me to be happy. I'm not sure about his motives why he keep doing such things to me. 

I can't believe myself for being such a pity. Hanggang iyak na lang lagi ang ginagawa ko. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit-sakit! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala.

Kahit malabo ang paningin ko dahil sa mga nakaharang na luha, natanaw ko sa harap ng pintuan ng kuwarto niya si Auden. Nakahawak siya sa doorknob habang malamig na nakatingin sa 'kin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Vilma Maceda
SAYANG, accept MO na lng, AT libangin MO salrili MO. HWAG KANG pakitang apektado KA. Do your rule as a wife Para malibang KA MAG ARAL KANG magluto Para sa SARILI mo
goodnovel comment avatar
Hell Maude
Sayang, naman..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status