Share

Chapter 1

Cami's Point of View

Tumingin ako sa wrist watch ko habang palabas ng bahay. It's 1:38 in the afternoon.

After having lunch, ipinagpatuloy na namin ang paglilipat ng mga gamit sa magiging bahay namin. 

"Cams, 'wag ka nang tumulong. Mapapagod ka lang!" singhal ni Kennedy sa 'kin bago ko pa maabot ang isang box mula sa compartment ng kotse.

Nakatayo ito malapit sa gate at bitbit ang ilang mga gamit ko. She's wearing a plain peach croptop and highwasted shorts. Pinatungan niya pa ang sarili ng jacket dahil tirik ang araw at napakasakit sa balat ng init. Naka-bun ang buhok nito at nakalaylay na rin ang ilang hibla ng buhok habang pawisan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

She's Kennedy Cervantes, my bestfriend since high school until college. Actually, we're taking the same course. Same vibes. She wasn't supposed to be here, but she insisted to help me. Since, hindi pa ulit kami nakakapag-usap after ng kasal dahil medyo naging busy rin ako.

"Magaan lang naman 'to! Kaya ko na 'to. Para makabawas man lang sa gawain niyo, kanina pa kayo naglilipat," pangangatuwiran ko pa. Binitbit ko ang box at sumunod sa kaniya. Napairap ito bago tumuloy sa loob kasunod ako. Alam niyang wala na siyang magagawa pa kung hindi ang pumayag na lang.

Pagdating sa veranda ay naabutan kong nakaupo si Auden at payapa na nagbabasa ng libro. May ilang mga tao na tumutulong sa amin sa paglilipat kung kaya't hindi na kailangan pang kumilos ni Auden. I have lots of important things to make sure na safe that is why I help them. May mga papeles kase na hindi maipagkakatiwala sa ibang tao.

Ibinaba namin ang mga box sa sofa sa living area. Mamaya ko na lang i-organize ang mga 'to 'pag nandito na ang lahat. Inabutan ko ng juice si Kenny at gano'n din ako. Habang umiinom ay hindi ko maalis ang mga mata ko sa lalaking nasa labas at tahimik na nagbabasa pa rin. 

"Baka matunaw, Cams," humagikgik na sabi ng babaeng nasa tabi ko. Hinampas ko ito nang mahina sa braso. 

"Hinay-hinay lang, haha!" pang-aasar pa niya.

Umiling ako. "Sira! I just can't believe na I'm married now." I look at my ring finger. "'Di pa rin nag si-sink in sa isipan ko, sobrang bilis ng mga pangyayari." 

"Halata nga. So, ano ba ang ganap after the wedding ceremony?" Kennedy looked at me with a playful smile plastered in her lips. 

Muntik ko nang maibuga ang juice sa bibig ko. "Ang dumi ng iniisip mo, ha! Masama iyan, kapatid." Binigyan ko siya ng nakakalokong tingin habang umiiling.

"Joke lang! Pero ito, seryoso na." Umayos ito ng upo at ibinaba ang baso. "Magkatabi ba kayo matulog, ha? Ha?" halata sa boses nito ang excitement na malaman ang sagot.

I tried to fake a smile. "No, we slept in separate rooms." 

Later after the wedding ceremony, we stayed in his parents house for three days while getting this house ready. Umasa rin ako na sa iisang kwarto lang kami matutulog. Tumingin ako sa malayo at saka bumuntong-hininga, hindi ko mapigilan ang nararamdamang bigat sa dibdib.

Nginitian ako nito, sabay marahang tinap ang balikat ko. "Makakapag-adjust din kayo. Bago palang kase," Kennedy sounded with assurance. Napangiti naman ako sa tinuran niya.

"Grabe! Juice lang ba ang kaya mong i-offer sa 'kin? Mahiya ka naman, ang ganda ng kaibigan mo tapos kinakatulong mo lang. Sa bahay nga 'di ako nagwawali-sgusjsgsj," dire-diretsong sabi niya.

Marami pa itong sinabi pero iniwan ko na lang at nagtungo ako sa kitchen para kuhain ang boxes of pizza na in-order ko kanina para sa kanila. Kennedy used to sound mean but she don't really mean what she says.

"Oh, napaka kapal mo talaga," wika ko sabay baba ng pizza sa harap niya. Maarte pa itong pumalakpak bago kumuha at kumain.

Lumabas ako para tawagin ang ilan pang tumutulong maglipat para kumain din ng meryenda.

Napansin ko na hindi umaalis sa kinauupuan niya si Auden. So, I just brought him slices of pizza.

"Here, have some." I smiled at him kahit hindi ito nakatingin. Nakakatulala ang kaguwapuhan niya. His neat looking haircut with its natural black color. His thick eyebrows that stands out. His little mole at the center of his pointed nose. I can't even blink, the scenery is breathtaking.

"Thanks," matipid na sagot nito at sumulyap lang ng dalawang segundo sa 'kin bago ibinalik ang mga mata sa libro at nagpatuloy sa pagbabasa. He's so cold.

Dahan-dahan akong tumayo at umalis na ro'n. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa ng conversation. I know he's busy reviewing for the coming school year that will start a week from now. Ang huling taon namin sa kolehiyo.

Hindi na namin namalayan ang pagtakbo ng oras. Ang araw ay pababa na. Naghahalo ang kahel at asul na kulay sa ulap. Sunset is magnificent.

"Are you sure? Kaya mo na ba lahat ng 'to?" asked Kennedy. Nag-aalala ang mukha nito.

"Oo nga, konting ayos na lang naman at konting organize lang. Thanks for the help today, Kenny." I hugged her tightly. "Ihahatid ka na namin," I continued then grab her sling bag lying on the sofa and gave it to her.

"Just call me if you need help, ha? Don't overwork yourself, sasamain ka talaga sa 'kin," nagbabantang sabi niya pati ang tingin. Tumango ako at saka hinila na siya sa labas kung saan nagpark ng kotse si Auden.

We quietly headed to Kenny's condo until we arrived at the place.

"Bye, thanks for the ride! Mag-ingat kayo pauwi ha?" Kennedy reminded us. Bumaba na siya pero kinatok muna ang bintana sa tapat ni Auden. 

"Dahan-dahan sa pag drive, ingatan mo ang puso ng kaibigan ko." Grin were painted to Kenny's face. She winked to Auden but he just nod. Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi ng kaibigan ko. Parang dalawa ang ibig sabihin ni Kenny sa sinabi niya. Siraulo talaga.

"Byeeee!" Kumaway ako sa kaniya at nagpaalam na.

"Do you need something? There's a supermarket on the way," Auden asked, coldly. He don't talk to me unless it's necessary. Pinagkikibit-balikat ko na lang ang ugali niyang 'yan. He's somehow nice to me. Inalala niya pa talaga kung may kailangan ba 'kong bilhin.

Nag-isip muna ako nang ilang minuto, kung may kailangan ba akong bilhin. 

"Ahm, gusto ko sana magluto ng dinner sa bahay. Bibili na lang siguro ako ng mga engredients." Tinignan ko ang magiging ekspresyon niya. I was hoping to see atleast a glimpse of happiness. 

Parang lumundag ang puso ko sa kilig nang tumingin ito sa 'kin at nginitian ako habang tumatango. Nahawa na rin ako at ngumiti nang malawak.

Pagdating sa supermarket, nauna akong bumaba ng sasakyan. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya bumababa. Nang bumukas ang bintana ay dumungaw ito.

"Magtaxi ka na lang pauwi, may pupuntahan pa 'ko. It's urgent," he said while he's holding his phone on right ear like he's talking to someone.

Napanganga ako. What?

"A-ah? Kung gano'n, pwede bang balikan mo na lang ako?" tanong ko. Nagbabakasakali akong pumayag siya.

Nakatitig lang siya sa 'kin habang walang ekpresyon ang mukha. He didn't answer me but I know what he's trying to say. Tumango ako bilang pagsang-ayon. 

"S-sure, sige. Mag co-commute na lang ako pauwi." I smiled at him to show that everything is fine with me. Hindi na 'ko nakipagtalo pa dahil baka urgent nga at wala na siyang oras para sunduin ako. Mag-isa tuloy akong uuwi. Kabado pa naman ako magtaxi dahil 'di naman ako nagco-commute dahil may family driver kami.

Hindi na sumagot si Auden at umalis na kaagad. I just sighed.

Paglabas ko ng supermarket ay saka naman ang pagbagsak ng ulan. Malakas ito at hindi ako makakasugod dahil mababasa ang mga dala ko. It felt like déjàvu. Same feeling, same experience. Napatingin ako sa kalangitan na makulimlim. Ilang taon na ba ang nakakalipas nang mangyari 'yon? 

Nang may tumigil na taxi sa harapan ko ay nagmadali na 'kong sumakay at umuwi.

Nang makauwi ako sa bahay ay wala pa rin si Auden. Nakaluto na 'ko at dala ng gutom ay nauna na akong kumain. Hindi ako sigurado kung magugustuhan ba niya ang luto ko dahil ito ang unang beses kong magluto sa buong buhay ko. Bakit kaya wala pa siya? I tried to contact him since I just got his phone number from his Mom. But he's not picking it up.

Pagpasok sa kwarto ay naghanap ako ng damit na ipangpapalit ko bago matulog. I saw a familiar hoodie na nakahalo sa mga damit na hindi ko pa naaayos. Parang ibinalik ako sa araw kung kailan nag-umpisang tumibok ang puso ko para sa isang tao.

FLASHBACK

The weather was gloomy that day. As the rain started to fall, alam ko nang magiging malakas ito. Nagmamadali akong tumakbo at itinaklob ko ang sarili ko sa bag. Naghanap ako ng masisilungan pero ang mga waiting shed ay napuno na sa rami ng mga estudyante. Kung kailan class dismissal at saka naman sumabay ang pag-ulan. 

Inaalala ko ang mga libro ko at notebook na mababasa ng ulan kaya't hindi ako tumigil sa pagtakbo. Sigurado akong basa na ang mga ito. Hanggang sa nararamdaman ko na ang tuhod ko ay nangangatog at nanghihina. Hinihingal na rin ako at nahihirapan huminga. 

Even though I was in pain, I kept running. Until, I bumped into someone. Kasabay ng pagbagsak ng mga patak ng ulan sa mukha ko ang pagbagsak ng katawan ko. The last thing I knew was someone is holding me tight. Shock was painted on his face, he was saying something while looking at me until everything went black. 

"She was lucky and was immediately rushed to the hospital," said the voice coming from a man.

Pagkamulat ng mga mata ko, nakita ko ang Mommy ko at isang doctor. Nakatalikod ang mga ito sa 'kin. Someone got my attention, a boy was sitting beside me and plainly looking at me. He was the boy earlier.

Parang tumigil ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siya. This was the first time we met but why am I feeling like this?

"She's awake," sabi ng lalaki habang nakaturo sa 'kin. Nag-aalalang lumapit ang Mommy ko at ang Doctor at saka chineck ang lagay ko.

My eyes were stuck to the boy as if he's a living magnet. A woman in her thirties entered the room then approached the boy. 

"What happened?" tanong ng ginang sa batang lalaki, no'n ko nalaman na magnanay sila dahil narinig kong tinawag niya itong Mommy. I just knew later on that our parents were friends.

My entire existence seemed to revolve around him since that night. Until one day, my whole world stop when I found out that they were leaving for America. That was the time when my parents found out what I felt for Auden. It was pretty obvious.

His hoodie was the only thing I had left that reminded me of him. This grey sweater bears testament to how much I missed its owner. I'm insane, and I'm too young to comprehend love, yet that's how I felt.

END OF FLASHBACK

Napaigtad ako nang may humawak sa braso ko. Muntik ko nang mabitawan ang hoodie na hawak ko. Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin kay Auden na ang mga mata ay nasa hoodie. Seryoso ang mga mata nito na nakatitig sa hawak ko.

"Why do you have that?" his voice is cold and curious. 

Napanganga ako at parang nanigas sa kinatatayuan ko.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Vilma Maceda
WOW NA EXITE AKO TAPUSIN KO TO.
goodnovel comment avatar
Ash
Hmmm .... Auden naman!!!!
goodnovel comment avatar
Hell Maude
Shetttttttt
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status