Share

Chapter 18

Naiilang ako at halos hindi makatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon. Matapos ang eksena namin kanina ay kumalma na rin ako mula sa pag-iyak ko at ngayon nga ay nakaupo lang kami sa isang bench habang magkatabi.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit nakaharap ako sa view ng dagat mula dito sa seaside ng MOA. Bigla ay hinawakan niya ang isang kamay ko dahilan para mapagitla ako sa ginawa niya.

"Okay ka na ba?" Tanong ni Jonas.

Tumango naman ako at humarap sa kanya.

Gwapo siya, matangkad, moreno at attractive din. Kung gwapo siya sa picture ay mas gwapo siya sa personal.

"Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari at sa mga sinabi mo sa akin pero isa lang ang nasisigurado ko, nagsinungaling ang taong kumupkop sa akin." Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim para mapigilan ulit ang sarili ko sa pag-iyak.

Ayoko pa munang umuwi kaagad sa bahay ni Josiah. Gusto ko munang mapag-isa at malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko rin siyang kausap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status