Share

Chapter 19

Pagkatapos kong umalis mula sa bahay nila Josiah ay mabigat ang loob ko na sumama kay Jonas, ang lalakeng minahal ko at ang tunay kong pamilya.

Ngayon ay nandito ako sa condo unit ni Jonas sa Pasay at ikwinento niya ang lahat mula sa pagkatao ko hanggang sa mawala ako at hindi na muling nakita pa. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil kahit wala akong maalala ay ramdam ko ang hirap at sakit ng mga pinagdaanan namin sa kamay ni Ysmael Buenavista.

Si Ysmael Buenavista daw ay anak ng yumaong si Mayor Yñigo Buenavista ng San Alfonso at dahil nga namatay si Mayor Yñigo dahil sa isang car accident 4 years ago ay si Ysmael na anak niya ang pumalit dito. Siya ang lalakeng kumidnap sa amin ni Jonas bago kami nagbalak sanang pumunta ng Maynila para mag-apply ng trabaho.

Ikwento rin sa akin ni Jonas na nagising na lamang siya na nasa labas ng kanilang bahay na puno ng sugat at pasa sa buong katawan at doon ay nawala ako. Sinabi niya sa akin na kahit halos wala na siyang malay nung mga oras na iyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status