Wala siya sa mood pagbalik niya sa unit. Ang plano lang niya, dumaan doon para kumain dahil panigurado nagluto si Mahalia para sa kaniya. At pagkatapos asikasuhin agad ang dapat asikasuhin. Ngunit pagdating niya doon, nang makita niya ang babaeng nakatapis ng tuwalya, sumiklab agad ang init sa buong sistema niya. "Shît... there are still things I need to do..." bulong niya pero ang mga mata niya ay nasa cleavage nito. "Nandiyan kana pala, sir..." Bumusangot siya ng tawagin na naman siya nitong sir. Talaga bang amo lang ang tingin nito sa kaniya? Pero bakit ba siya nagrereklamo? "Magbibihis lang po ako tapos ihanda ko na ang pagkain mo."Inis niyang kinuha ang phone sa bulsa niya at tinapon ito sa ibabaw ng kama. Naiinis siya sa po at sir nito. Hindi ba pwedeng tawagin na lang siya nitong Matteo? Dahil noong narinig niya ang pangalan niyang binabanggit nito, iba ang nararamdaman niya. Mas lalong tumaas ang gana niya kapag naririnig niya itong tinatawag ang pangalan niya. "Don't cal
Pak! Medical chart iyon ni Dr. De Cuevo na hinampas sa ulo ni Matteo. Pumikit-pikit lang siyang napahawak sa ulo niya. "Napaka-unbelievable mo na talaga. Bakit hindi ka na lang bumayo? Bakit kailangan sakalin mo pa? Ikaw Matteo, pag-ito may pangatlo pa, ako na talaga magre-report sayo," sermon na naman nito sa kaniya. Napangiwi na lamang siya. Hindi naman siya umangal sa ginawa nito. Shempre mas nanay pa niya to kung ituring kaysa sa nanay niya. Kung meron mang matino sa pagkatao niya, mga turo lang iyon ni Dr. Cuevo or Auntie Tania niya. Ang totoong relasyon niya rito ay kapatid ito ng nanay niya ngunit anak din sa labas. Pero mas paborito niya ito kasya sa totoo niyang ina. Ngunit ang impormasyon na iyon ay lihim lamang dahil may kinikilalang ina itong doctor. "Ito turuan kita ha," sabi pa nito, kinalabit pa nito ang ilong niya gamit pwétan ng ballpen. "Baka kasi màlïbóg ka lang pero hindi mo pala alam ang tamang posisyon." Gusto niyang matawa pero shempre para hindi mapagalita
"Tabingi sa kaliwa, Tabingi sa kanan..." sabi ng doctor kay Mahalia na doctor niya rin noong unang sugod siya sa parehong hospital. "Alin ang masakit?" Kaliwa kanan tinuro niya, magkasabay ang dalawang hintuturo. "Dito doc."Nilista lang nito ang sinabi niya at tumango. Pagkatapos may kinuha ito sa bulsa ng white gown at pinakita sa kaniya. "Inumin mo ito, pagkatapos mong kumain. Gamot to sa pamamaga, para mawala yang kwintas mong bayolet," sabi nito at tinanggap naman niya ang binibigay nito. Tinuro pa siya nito gamit ang ballpen. "Nilagay mo ba ang cream, na pinabili ko kay Matteo?"Tumango siya, "Opo, salamat po."Binalik nito ang collar foam sa leeg niya habang nagsasalita, "Good. And next time, kapag sinakal ka ulit, suntukin mo ang mukha para matauhan."Napangiwi na siya, paano naman niya gagawin iyon, kung binili nga siya para sa ganon? Lumabas lang ito sa kwarto niya, at huminga na lang siya nang malalim na nakaupo sa kama. Nagtama ang mga mata nila ni Sezy na napanguso sa
"Woi, alas-syete na!" balisang sabi ni Yanvi na nag-aapura. Shempre inaalala nito ang trabaho. "Alin ba ang mas mahalaga? Ma-late ka o sahod mo kay Sir Matteo?" tanong naman ni Sezy. "Bakit sigurado bang tig-iisa niya tayong bigyan?" tanong naman ni Yanvi. "Siguro ah.""Oh diba? Siguro?" "Sabihin nga natin mamaya!" "Baka nga hati pa tayo sa sahod mo, same amount dun sa binigay sa'yo," sabi naman ni Yanvi. "Alam mong hindi tayo pwedeng umabsent, malaki ang multa." Huminga na lang nang malalim si Sezy. "Trust me na lang kasi. Sinabi niya, you two, dalawa tayo. Sinundo tayo, dalawa tayo, so dalawa tayo bibigyan niya." Huminga na lang siya nang malalim at nagsabi, "Ako na lang magbabayad ng multa mo, Yanvi, may pera pa naman ako dito.""Woi, ipunin mo yan, Mahalia, in case of emergency," sabi ng kaibigan niya. Bigla namang nakarinig sila ng mga grupo ng yapak sa labas ng pintuan, at mga boses ng mga kalalakihan. "They cannot hide like that, whoever did it.""2.8 billion has been
"Ano ba ang nangyari kanina? Bakit may namaril? Grabe natakot ako dun," tapik-tapik niya ang dibdib niya habang nakaupo sa couch. Malawak pa pala an kwarto na iyon, kasi may couch, may center table, pero sa harapan nila, may limang computer na nakahelira, mga upuan din tapos may daanan pa iyong hanay ng mga computer na sinisilip naman ni Yanvi. "Nagkapikunan siguro, wala namang may natamaan, saka baka ang iba dun, high," paliwanag naman ni Sezy. "High? As in nagdroga?" tanong naman niya. Tumango si Sezy kaya napahawak siya sa dibdib niya. "So maraming àdik dito?" bulong niyang tanong. "Parang gano'n na nga," bulong din ni Sezy."Sa tingin niyo guys saan papunta to?" tanong naman ni Yanvi na nakasilip pa rin sa daanan na iyon. Tumayo si Sezy, tumayo din siya. "Tsaka ano ba ang sabi ng kuya mo kanina, Sezy. Hindi ko talaga gets," sabi pa ni Yanvi. "Oo nga, nasa baba sila na wala sa baba. Ang gulo kaya," gatong din niya. "Ewan ko, pero kung nasa baba sila pero wala dun sa baba na
Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya. Hindi niya makuha ang punto ni Matteo, kahit mga kaibigan nito, tila nalilito rin. "Eh...ano kung..." Gulong-gulo na sabi ni Hunter at nagpatuloy, "So pareho sila ng nunal? Baka sabihin mo mag-ina sila?" Napatingin dito si Finn, sandaling seryoso pero sa huli natawa at napahaplos ng mukha. "Ano ba naman yan?" Hinawakan ni Finn sa balikat si Matteo at sinabihan, "Mamaya na yang nunal ni Mahalia. Focus muna tayo. Importante to, Buck." Tinapik din ito ng bagong mukha na lalaki sa balikat. "Yeah, focus, kailangan masolusyunan natin to agad."Napaiwas ng tingin si Matteo at napalunok naman siya. Pakiramdam niya may ibig sabihin si Matteo pero hindi niya mawari kung ano. Iba rin kasi ang maramdaman niya ng makita niya ang litrato. Bumalik si Matteo sa pag-upo, nagkatinginan ang bagong mukha na lalaki at ang babae saka nagtanguan. Napabuga ito ng hangin at ngumiti. "Keep going guys, let me deal with these chix," sabi nito at hinarap silang magkak
Hinampas ni Matteo ang countertop na pinapatungan ng computer nang failed hacked na naman ang hina-hacked niya. "Ang bilis!" reklamo niya."Relax, kaya yan," sabi naman ni Finn na tutok pa rin sa computer. "Fuck you, wala kang kawala ngayon," mura naman ni Pax na tila nakahatak na. "Transferring, Buck." Napatingin siya rito. "Accounts mo, Buck pa-check kung pumapasok," sabi nito. Nag-dukot naman siya ng phone niya. Sandamakmak na notification ang natatanggap niya, pumapasok ang mga pera sa iba't ibang account niya. Sapat na iyon para makaramdam siya ng relief. Pero shempre, nanggagalaiti pa rin ang loob niya sa galit, kung sino man itong pinaglalaruan sila. Bumitaw sa computer ang dalawa, Hunter and Finn. Maging siya rin, at si Pax lang ang kumikilos. Pagkatapos ng ilang minuto, napatigil si Pax at siya naman ang kumilos, para ibalik ang pera sa ELO. Alam niyang nakaabang doon ang ama niya at tiyohin niya para ibalik sa mga may-ari ang pera. "May kalahating billion pa," ani ni Fi
"Ang arte pala ng boys, required mag-palit ng damit, kapag mag-over night?" puna ni Yanvi matapos nilang magbihis. Magaganda ang mga damit pambabae na nasa malaking closet at lahat ng iyon puro pantulog. "Optional naman pero for sure dahil naka-jeans kayo, pagpapalitin talaga kayo ng mga iyon kasi sensitive ang kama. At saka mahirap matulog kapag masyadong mabigat ang suot no?" "Kunsabagay, masakit sa katawan," ani naman ni Sezy. Dress ang piniling damit nito, kulay peach iyon, ma hanggang kalahating hita at manipis lang ang strap. Nakaharap ito sa salamin, at tiningnan ang sarili kong bagay. "Tong mga damit ba, sinuot na din ng ibang babae dito?" tanong niya kasi baka mamaya, nasuot na pala ng iba, tapos pinasuot sa kanila. Natawa si Bree. "Of course not, ipapadala yan sa inyo pauwi. At lahat ng damit dito, new." Napatangu-tango siya. Mahabang damit ang suot niya, pero manipis ang skirt. At magaan sa katawan ang tela. "Takot mahawaan ng pütok, teh?" lokong tanong ni Yanvi at n