Share

Chapter 34: NEW FRIEND

Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya. Hindi niya makuha ang punto ni Matteo, kahit mga kaibigan nito, tila nalilito rin.

"Eh...ano kung..." Gulong-gulo na sabi ni Hunter at nagpatuloy, "So pareho sila ng nunal? Baka sabihin mo mag-ina sila?"

Napatingin dito si Finn, sandaling seryoso pero sa huli natawa at napahaplos ng mukha. "Ano ba naman yan?" Hinawakan ni Finn sa balikat si Matteo at sinabihan, "Mamaya na yang nunal ni Mahalia. Focus muna tayo. Importante to, Buck."

Tinapik din ito ng bagong mukha na lalaki sa balikat. "Yeah, focus, kailangan masolusyunan natin to agad."

Napaiwas ng tingin si Matteo at napalunok naman siya. Pakiramdam niya may ibig sabihin si Matteo pero hindi niya mawari kung ano. Iba rin kasi ang maramdaman niya ng makita niya ang litrato.

Bumalik si Matteo sa pag-upo, nagkatinginan ang bagong mukha na lalaki at ang babae saka nagtanguan.

Napabuga ito ng hangin at ngumiti. "Keep going guys, let me deal with these chix," sabi nito at hinarap silang magkak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
sakura
hnd kya ikaw talaga ang sanggol na yin mahalia...hehehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status