Share

IKAANIM NA KABANATA

Tatlong araw nang nananatili si Victorina sa loob ng kanyang silid. Ni hindi kumakain o umiinom man lang ng tubig ni minsan. Magang-maga na ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang kagalit ang kanyang asawa. Kung bakit galit na galit ito kung sakali mang totoong hindi siya isang Robles?

Imposible ring hindi niya totoong apelyido ang kanyang dala-dala dahil wala namang nabanggit sa kanya ang kanyang mga magulang na siya ay ampon lamang. Kaya’t marahil, isa lamang palabas ang ginawa ng kanyang asawa kamakailan.

Napapikit siya ng mga mata at nagkunwaring natutulog nang marinig niya ang pagkatok sa pinto ng kanyang silid.

“Honey. I brought you food. Kainin mo ‘to, ha. Eveline said adobong manok is your favorite, kaya nilutuan kita,” wika ni Mathilda. Palagi niya itong ginagawa magmula nang magkulong si Victorina sa kanyang silid. Sinisigurado niyang siya’y may pagkain tatlong beses sa isang araw, kasama na rin ang mga panghimagas, upang kahit papaano ay magkaroon man lang ng laman ang tiyan nito.

“My dear, Khae. I hope you can feel that I really care for you. If you feel na you were betrayed, we have reasons. I’m sorry. I’m really sorry.” Nang marinig ioto ni Victorina ay hindi niya napigilang lumuha dahil ramdam na ramdam sa boses ni Mathilda ang pagmamahal ng isang ina.

“If there is anything you want, I can give it to you. So that, I could gain your trust again, anak.”

Tanging ang hiling lamang niya ay makabalik sa kanyang probinsya ay mayakap ang kanyang mga magulang dahil ilang taon na ang nakalilipas mula nang huli niya itong nasilayan.

Hindi naman kasi siya pinagbigyan ni Eveline Solano na magbakasyon kahit man lang sandali upang bumisita sa mga magulang nito. Ang katwiran niya ay nabibigyan naman daw sila ng sapat na pagkain at pera upang mabuhay sa araw-araw.

Nang maramdaman niyang tumayo na si Mathilda mula sa pagkakaupo sa kanyang kama ay dali-dali siyang bumangon.

“Sandali po,” sambit niya at lumingon naman sa kanya si Mathilda at ngumii.

“Gising kana pala. Ito, kumain ka muna.” Iniabot niya kay Victorina ang kanyang dalang pagkain at ito’y tinikman naman niya. Nahihiya na rin siya dahil nararamdaman niyang nagiging pabigat siya sa ina ng kanyang asawa.

“Pasensya na po sa inasal ko nitong mga nakaraang araw. Sorry po sa abala,” wika niya.

“No, it’s okay. Alam ko kung anong nararamdaman mo. It’s okay, hija.”

Nang maubos niya ang pagkain ay hindi niya pa binitawan ang pinggan at mukhang balisa dahil mayroon siyang gustong hingin na pabor mula dito ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin.

“Do you have anything to say, Khae?” tanong ni Mathilda rito nang mapansin niya ang asal ni Victorina.

“Narinig ko po kanina na ibibigay niyo po sa ‘kin kung anong gusto ko?” walang pag-aatubiling sabi niya. Tumango-tango naman si Mathilda at nagsalita, “Sure. Sabihin mo lang.”

“Pwede ko po bang puntahan ‘yong parents ko sa probinsya? Kahit isang araw lang po, please.” Nabigla man ngunit hindi ito ipinahalata ni Mathilda. Hindi niya akalain na ito ang gustong hingin sa kanya nito.

“You know, Khae. I think you should…rest for days and gain your strength. I don’t think it’s time for you to wander around.” Pipihitin na sana niya ang ang doorknob nang pahabol na nagsalita si Victorina.

“Kaya ko na po, mom. I promise na hindi po ako gagawa ng kahit na anong problema,” wika nito. Balot na balot ang kanyang mga mata ng determinasyon na umalis at hanapin ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Ngunit, pilit siyang ikinukulong ng mga tao papalayo sa totoo.

“Sure. You will go there with Ford, so I can make sure that you are safe,” saad ni Mathilda. “He will agree kapag ako ang nagsabi sa kanya,” dagdag pa nito.

“No buts, my love! Mothers know the best, ‘di ba? I don’t want you to be in danger kaya’t magpasama ka sa kanya, ha?” aniya habang hinahagod ang pisngi nito.

“It won’t happen,” wika ni Mathilda sa kanyang isipan nang makalabas sa kwarto ni Victorina at naglakad papalayo. Inabot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang isa sa kanilang mga tauhan.

“Hide them carefully. She’s being a threat.”

“Who are you referring to, mom?” pagsingit ni Ford na ikinagulat ng kanyang ina dahil bigla na lamang itong sumulpot.

Itinago bigla ni Mathilda ang kanyang cell phone and sinabi, “Nothing. Don't worry about it.” Nakangiti man, ngunit hindi pa rin niya maitago ang pagkabalisa. Napahinga siya ng malalim nang naglakad si Ford patungo sa silid ng kanyang asawa.

“I changed my mind. Hindi na po pala ako pupunta,” wika ni Victorina nang marinig niya ang mga yapak papasok sa kanyang silid. Nakahiga siya sa kanyang kama at nakatalikod sa pinto.

Akala niya'y si Mathilda ang kanyang kausap.

Pero hindi.

Nagulat man sa narinig, hindi umimik si Ford at hinayaan lamang niyang magsalita si Victorina. Napakarami ng mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan sa ilang salitang binitawan ng kanyang asawa.

Marahil ang kanyang asawa ay nauto na ng kanyang ina at nasilaw sa pera?

“Hindi ko po alam kung papayag kayo pero, hindi po ba’t may business kayo?” sabi ni Victorina. Wala pa rin siyang kamuwang-muwang sa kung sino ang kanyang kausap.

“So? What's your plan?” saad ni Ford na nagpabilog ng mga mata ni Victorina kaya’t dali-dali siyang bumangon at hinarap ang kanyang asawa na animo’y nakakita ng hindi pangkaraniwang nilalang.

“No! I mean… Hindi sa gano’n. Na misinterpret mo ata. Wala akong gusto sa mga pera niyo,” pagdepensa niya.

Nang marinig ito ni Ford ay siya’y napasinghap at isang ngisi ang nabuo sa kanyang kaakit-akit na mukha.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Victorina nang maglakad si Ford patungo sa kanyang direksyon. Halos maubos na ang kanyang mga laway kalulunok dahil sa hindi malamang dahilan.

Dagdag pa, ang kanyang asawa ay walang saplot pang-itaas at tanging pantalon lamang ang suot nito habang nakapasok ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang pang-ibabang kasuotan, na nagpadagdag sa taglay nitong karisma.

Nang makarating si Ford sa kanto ng kama ng kanyang asawa, bahagyang pinantayan niya ito at halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Alam na alam ni Ford kung paano iparamdam sa isang babae ang mga paru-paro at ang init na unti-unting bumabalot sa kanilang katawan. Marami nang babae ang nahulog sa patibong niyang ito. Lalo na si Victorina.

“Tandaan mo, you will not have a share in our company,” dahan-dahang inilapit niya ang kanyang katawan kay Victorina hanggang sa mapahiga ito sa kanyang kama at pumaibabaw si Ford rito.

“You can't have my company,” wika nito habang hinahagod ang pisngi ng kanyang asawa at idinikit ang matipuno niyang katawan sa pinagpalang hinaharap ni Victorina.

“But you can have my money,” lumapit siya sa tenga nito at bumulong, “and me."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status