Share

IKATLONG KABANATA

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Victorina nang tumambad sa kanya ang katawan ni Ford pagkabukas niya ng pinto na walang saplot at tanging kumot lamang ang tumatakip sa pribadong parte ng katawan nito.

“This is my everyday routine as his caregiver.” Tuloy lamang ang kanyang pagpunas at paglilinis sa matipunong katawan ng lalaki habang hindi man lang binalingan ng tingin si Victorina.

“I’m Leila, his caregiver.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa kinatatayuan ni Victorina at nakipag kamay na siya namang nagpaginhawa sa pakiramdam ng dalaga. 

Lumingon si Leila at itinuro ang lalaki, “Even though he's in a vegetative stage, we need to maintain his cleanliness dahil once he wakes up and find himself unclean, hindi mo gugustuhin ang mangyayari.”

Napaisip ang dalaga kung gaano ba kahimagsik magalit ang isang Ford Buenavista dahil base sa pagkakasabi at tono ng boses ni Leila ay hindi maayos ang magiging resulta sa oras na ito'y magalit. 

“Simula no’ng na-comatose siya, ikaw na ‘yong naging caregiver niya?” tanong ni Victorina.

Tumango naman si Leila at nagsabi, “Yes. Before pa mangyari lahat ng iyon, planado na ang lahat. I'm his bestfriend and I'm a nursing graduate and ayon ang bilin niya sa ‘kin.”

“Planado na ang lahat?” saad ni Victorina sa kanyang isipan. 

“Ibig sabihin, alam niyo na simula pa lang na may aksidenteng mangyayari sa kanya, yet hindi niyo man lang nagawang pigilan?” 

Napabuntong-hininga si Leila sa kanyang narinig, “You do not have the right to judge us. You know nothing of our story,” wika nito at naglakad upang iligpit ang mga kagamitan na kanyang dala sa paglilinis ng katawan ni Ford.

“I’m sorry kung na-offend kita,” sabi ni Victorina habang nakayuko. 

“Ang also, his doctor will be here in a few minutes so ikaw na ang magpalit ng damit niya, since asawa ka naman ‘di ba?” ani Leila at naglakad patungo sa pinto at nagsalitang muli, “Know your boundaries and don’t take advantage of his state just like what you did yesterday night.”

Ipinagsawalang bahala na lamang ni Victorina ang asal ng babae at dahan-dahan inilagay ang mga damit ng kanyang asawa sa katawan nito. Hindi niya maitatanggi na may magandang katawan at itsura ang kanyang asawa kaya't naaawa siya rito kung hindi na ito kailanman magigising at mamumuhay ng normal muli.

Pagkatapos ay naglinis siya sa buong silid. Niligpit ang mga balat ng mga pagkain na nagkalat sa lamesa, sa gilid ng kama nito. Pinunasan ang ibang mga kagamitan at inayos ang mga papeles sa sahig dahil animo'y dinaanan ito ng bagyo sa sobrang kalat.

Napahinto siya sa ginagawa nang mapagtantong wala namang kalat ang silid na ito kagabi bago siya umakyat sa kanyang silid. 

“Bakit may mga pagkain? Sinong kumain?” tanong niya sa sarili, “Ah, baka si Leila lang.”

Imposibleng si Ford ang may gawa ng lahat ng kalat sa kanyang silid dahil unang-una, hindi ito nakagagalaw dahil sa kanyang kondisyon.

O marahil ay peke lang ang lahat?

Palabas lang ang lahat?

“No! Nababaliw ka na, Victorina,” wika niya sa sarili.

Naibaba niya bigla ang hawak na pamunas nang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang lalaki na nakaputing bestida, siya marahil ang doktor na tinutukoy ni Leila. 

Hinahanap ng mga mata niya si Mathilda ngunit hindi niya ito makita marahil dahil ito’y abala sa maraming gawain. Tanging kasama lamang ng doctor ay si Leila at ang isang lalaking ngayon niya lang nakita.

“How long is he gonna live?” tanong ng lalaki sa doctor. Kumunot naman ang noo nito at umiling-iling.

“I don't know. But one thing's for sure, bilang na lang ang araw niya sa mundong ito,” wika ng doktor at nilapitan si Ford upang suriin ang kalagayan nito. 

Napalingon sa likod ang lalaking arogante kung magsalita at doon napansin niya ang presensya ni Victorina. Napasinghap pa ito at tinitigan ang dalaga mula ulo hanggang paa na tila ba'y hinuhusgahan ang buong pagkatao nito.

“That’s her?” turo niya kay Victorina sabay lingon sa direksyon ni Leila at tumango naman ito, “Itsura pa lang, mukhang pera na.” Tila napantig ang tenga ni Victorina sa kanyang narinig. Mayroon siyang nararamdamang init na dumadaloy sa kanyang katawan at mga bulong na ito'y dapat pagbuhatan niya ng kamay.

Alam ni Victorina na galing siya sa mahirap na pamilya at napilitan lamang siyang maging asawa ng isang mayaman dahil oo, dahil sa pera. Pero, hindi niya hahayaang may mangmaliit sa kanya dahil lamang sa estado ng kanyang buhay.

“Lumaki ako sa probinsya pero hindi ibig-sabihin no’n ay mukhang pera na ‘ko! ‘Di porque mayaman kayo ganyan na ang tingin niyo sa ‘min?” sigaw niya na ikinagulat naman ng mga tao sa silid. Nararamdaman niyang namamasa na ang kanyang mga mata dahil sa paninirang-puri ng lalaking ito.

“How dare you talk to me like that? I'm Matthias Zake, Ford's younger brother. The future husband of Magdalena Solano. Now, do it again, shout at me again and you will know your place,” pagalit na wika nito at lumapit sa direksyon ng dalaga.

“Asawa mo ang kapatid ko but you will never be on our level.”

Nararamdaman ni Victorina ang pagbuhos ng kanyang mga luha sa ilang sandali dahil hindi niya alam na ganito pala kalupit ang ugali ng mga mayayaman sa mga taong may limitadong yaman. 

Tinatapakan ang dignidad ng mga mahihirap.

“Don’t mind him, hija. Sadyang mataas lang talaga ang tingin niya sa sarili. Kaya madali siyang mapaniwala because he only thinks about how to make himself higher without knowing na he is being used. Hindi niya nga alam ang totoong sitwasyon ni Ford—” hindi natapos ng doktor ang pahayag nito dahil siniko siya ni Leila at tila ba’y sila'y nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.

Napatingin muli siya sa kanyang asawa na si Ford.

Nagugulumihanan ang kanyang isipan dahil sa sinabi ng doktor, idagdag pa ang kanilang mga galaw na nagpapahiwatig sa kanilang sikreto.

Anong hindi alam ni Matthias patungkol sa sitwasyon ni Ford?

“Siya ba ay…” Sinulyapan niyang muli ang kanyang asawa na may halong pagdududa, “Nagpapanggap lang?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status