Share

IKAPITONG KABANATA

“Manong Tsoy, baka pwedeng hindi muna ako magbayad ng utang ko? Hirap na hirap kasi ako ngayon magbenta ng mga gulay dahil sa tagtuyot. Parang awa mo na,” wika ng isang magsasaka.

Si Manong Tsoy ay ang ama ni Victorina na nakatira sa probinsya. Isa siyang magsasaka. Kahit na matanda na, patuloy pa rin siyang nagtatrabaho nang may makain sila ng kanyang asawa. Hindi naman kasi sila binibigyan ng pagkain ni Eveline buwan-buwan.

Nagtayo rin sila ng munting tindahan para kahit papaano’y malibang ang kanyang asawa.

“Walang problema, dong. Tsaka mo na ako bayaran kapag nakaluwag-luwag na kayo,” aniya habang nakangiti. Masaya na siya na malamang kahit papaano’y nakatutulong siya sa ibang tao.

“Siya nga pala, Nong. Kailan pa huling bisita ni Vikvik? Kay tagal ko na siyang ‘di nakita.” Biglang namasa ang mga mata ni Manong Tsoy nang marinig ito dahil napakatagal nga naman talaga nang huling bumisita si Victorina sa kanilang probinsiya.

“Ganoon talaga ang buhay. Wala tayong magagawa,” wika niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status