Share

Kabanata 62

Corvus’ POV

Magaling na ako kinabukasan kaya nagawa ko nang makatayo. Salamat kay Nacho kasi malaking tulong ang nagawa niya para mapabilis ang paggaling ko. Gabi na nung umuwi si Nacho kagabi. Kagabi rin, narinig kong may kausap siya sa phone. Siguro akala niya ay tulog pa rin ako. Narinig ko na may kausap siyang tao. Pilit niyang sinasabi sa kausap niya na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng fiance niyang si Miss Alina. Napapamura pa siya kasi hindi niya matanggap na siya ang pinagbibintangan ng kausap niya sa pagkawala ni Miss Alina. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang kausap niya sa cellphone? Sino ang nagbibintang sa kaniya?

Ngayong umaga, nandito ulit ako sa labas ng bahay ni Madam Imelda.

“Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?” galit na tanong sa akin ng isang security guard.

“Si Alina, kailangan ko siyang makita kasi. Nandiyan siya sa loob ng manisyon na ‘yan. Bakit ba kasi ayaw ninyong maniwala sa akin?” iritado kong sabi sa kanila. Hindi ko rin kasi masabi na k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status