Share

Kabanata 83

Alina’s POV

Sinamahan kami ni Corvus dito sa puntod ni papa. Tumutulo ang luha ni mama nang makita niya ang puntod ni papa. Tahimik siyang umiiyak habang parang bumubulong. Alam kong kinakausap niya si papa kaya ganoon siya.

Si Corvus, pumunta muna sa kotse para bigyan kami ng time ni mama kay papa.

“Papa, gagawin ko ang lahat para maiganti ka. Hindi ako papayag na hindi siya magantihan. Namumuro na talaga sa akin ‘yang si Camilla. Mahihiya ang mga demonyo sa kademonyohana niya. Hanggang ngayon gigil na gigil ako sa kaniya,” sabi ko habang umaagos na rin sa mga pisngi ko ang luhang galing sa mga mata ko.

“Gagalingan ko ang pagte-training ko. Sisiguraduhin kong tatagos sa loob ng katawan niya ang bala ng baril ko,” sabi ko pa.

“Anak,” tawag sa akin ni mama kaya napatingin ako sa kaniya. Bigla siyang nagpunas ng luha sa pisngi niya.

“Yes, mama?”

“Sawa na rin akong magpa-api. Sawa na rin akong maging duwag. Gusto kong mag-training na rin gaya ninyo. Gusto ko nang maging matapang. Gusto k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status