Alina’s POVPagka-send sa akin ng video ni Camilla, pinanuod ko agad ang ginawa niya kay Camilla. Tuwang-tuwa ako habang pinagsasasampal niya ang sarili niyang anak. Iyak nang iyak si Emma habang galit na galit sa kaniya ang mama niya.“Malandi ka, nagbuntis ka pala sa kung sino-sino!”“Anong nabuntis. Hindi ako nagpapabuntis, mama!”“Sinungaling ka! Makakatikim ka talaga sa akin!”Tinadyakan pa niya si Emma habang nakahandusay sa sahig. Paano niya nagagawa ito sa sarili niyang anak. Kaawa-awa ang sinapit ni Emma. Mahal na mahal niya si Thomas pero pagdating sa babaeng anak niya, halos parang gusto na niya itong patayin.“Tignan mo, Thomas ang ginawa ng mama mo kay Emma. Ang saya nilang panuorin ‘no?”Napangiwi si Thomas. Maluha-luha siya habang pinapanuod ang tangang mag-ina.“Ngayon, ako naman ang naglalaro sa pamilya. Umpisa palang ‘to, Thomas,” sabi ko sa kaniya.“Hayop ka!”“Mas hayop kayong pamilya,” sagot ko saka ko ulit tinabig ang tinapay at juice na merienda dapat niya. “Mag
Corvus’ POVGabi na at halos tahimik na sa buong paligid nung magising ako. Pagtingin ko kay Alina, tulog na tulog na rin ito matapos ang pagse-sëx namin kanina. Nakadalawang round kami kaya napagod talaga ako ng husto. Mahimbing na dapat ang tulog ko, kaya lang may mga bulong akong naririnig.“Halika, puntahan mo ako sa swimming pool.”Wala akong nakikitang ibang tao pero dinig na dinig ko ang boses na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. Nung una ay akala ko panaginip lang ito, pero nang patuloy kong naririnig ang boses, doon na ako bumangon at saka nagpunta swimming pool area. Nakita ko na umiilaw ang tubig ng swimming pool.“Alam kong marami kang tanong tungkol sa atin,” parang boses ito ng lola ko.“Opo, marami po talaga.”“Sige, ano ba ang mga tanong mo. Itanong mo na sa akin lahat ngayon.”“Ano tayo at bakit parang hindi tayo normal na mga tao?”“Tao pa rin tayo. Sadyang may dugo lang tayo na galing sa mga lahi ng mga flower fairy. Sa angkan lang natin gumagana ang mga magic sp
Alina’s POVNakipagkita ako kay Emma. Sinabi ko sa kaniya na magkita kami para sabihin kung saan naroroon si Thomas. Um-acting ako na makikipagtulungan sa kanila para mahanap ang kapatid niya. Pumayag naman siya.Dito kami nagkita sa isang japanese restaurant.“So, saan kayo dinala ng dumukot sa inyo?” tanong niya agad sa akin.“Sa isang lumang bahay malapit sa gas station. Mapapansin mo agad iyon kasi pula ‘yung bahay sa may dulo ng kalsada. Nag-iisang bahay lang iyon doon kaya makikita mo.”“Okay, sige. Pupunta ako roon para sagipin ang kapatid ko.”Hinawakan ko ang braso niya. “Wait lang, mag-isa ka lang pupunta?” tanong ko. Mainam na ‘yung alam ko.“Oo, mag-isa lang naman siya ‘di ba? Kaya ko na ‘yon. Magdadala na lang ako ng baril,” sagot niya kaya napahanga niya ako. Matapang talaga si Emma. Manang-mana siya sa bruha niyang ama.“No, baka hindi mo kayanin. Sasamahan na lang kita. Gusto kong gumanti sa lalaking iyon kasi binastos niya ako,” sabi ko sa kaniya na kinagulat niya.“W
Alina’s POV Nagulat na lang ako na nasa tapat ako ng isang lumang apartment na para bang lumang-luma na. Takang-taka ako, dahil parang nag-teleport ako rito. Narito ako sa kalsada nang biglang may dumaan na mabilis na sasakyan. Napasigaw ako nang malakas nang inakala kong sasagasaan niya ako pero, laking-gulat ko nang tumagos ako bigla sa sasakyan na ‘yon. What the fuck! I slowly looked at myself. Nakasuot pa rin ako ng damit pangkasal pero, ngayon ko lang napagtanto na kulay abo ang buo kong katawan at buong sarili. Parang…parang black and white ang itsura ko. Panaginip ba ito? I looked around. I screamed and asked for help. Umaasang maririnig ako ng mga tao pero wala. Kahit lapitan at sigawan ko man sila sa mismong harap ng mukha nila ay walang nangyayari. I’m just passing through their bodies. Bakit tumatagos ako sa kanila? Okay, panaginip ata ito. Oo, hindi ako dapat mag-panic kasi panaginip ito. Pero kung panaginip ito, ang gara naman. Para kasing totoo. Napakunot ang n
Alina’s POV “Hoy, bakit hindi ka na sumasagot? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sinisilipan mo ba ako dahil nagsasarili ako? Hindi ka nakakatuwa ah! Umalis ka dito!” Galit na siya. Panay pa rin ang paghahanap niya pero, wala naman siyang makitang tao dito sa loob ng apartment niya, kung mayroon man, ako lang na kaluluwa na lang ngayon. Ibig sabihin ay hindi ito panaginip. Maaaring totoo na itong nangyayari ngayon at baka…baka naglalakbay na ang kaluluwa ko ngayon at dito ako napadpad? “I am here inside your apartment. Hindi mo ako makikita dahil…” I stopped speaking. I don’t think I can tell him that I’m already a soul now. Baka kasi matakot siya. “Hoy, ipapakulong kita! Hindi magandang biro itong ginagawa mo. Nasaan ka ba? Pa-english-english ka pa!” I just left his apartment because I was starting to feel scared and anxious about what was happening to me. Pakiramdam ko kasi ay may mali. Maling itong nangyayari ngayon. Mali itong kaluluwa na lang ako. Saka, bakit dito ako napunta
Corvus’ POVPumunta ako kay Aling Paleng para magtanong tungkol sa naririnig kong boses sa apartment ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa pagtakbo ko. Pagdating dito sa tapat ng malaking bahay ni Aling Paleng ay agad kong pinindot ang doorbell sa may gate niya. Naghahabol ako ng hininga habang basang-basa rin sa sarili kong pawis.“Hoy, nandiyan na, sandali lang! Sisirain mo naman ang doorbell ko kung makapindot ka riyan!” iritadong sigaw niya habang palabas na ng pinto ng bahay niya. Iika-ika itong maglakad kasi pinanganak na talaga siyang pilay ‘yung isa paa. Kaya nga raw tinawag siyang paleng kasi paleng daw itong maglakad. Nakakunot ang noo niya, halatang na-bad-trip dahil sa pagdating ko.“Aling Paleng, may gusto po kasi akong sabihin at itanong sa inyo,” sabi ko nang pagbuksan na niya ako ng gate. Galit pa rin ang mukha niya kahit nakita niyang ako ito. Sa lahat kasi ng tenant niya, ako ang paborito niya. Ngayon kasi, mabilis na akong magbayad ng upa sa kaniya kasi mababa l
Alina’s POVI accompanied Helena downstairs to leave my penthouse. I thought that if I just stayed there, nothing would happen. Now I’m just a soul, I don’t know how long I’ll stay in this world. Baka kasi masayang lang ang oras ko dito. Bago sana ako tuluyang mawala dito sa mundong ibabaw, gusto ko sanang magkaroon ng hustisya ang pagkawala ko.I also don’t know if I’m headed for heaven or hell. Or maybe there really is another world where when you die here in the world of humans, you go to another world.“Alina, dalawin mo ako sa panaginip ko. Sabihin mo sa akin kung ano bang nangyari sa iyo,” bulong ni Helena dito sa loob ng elevator habang nasa tabi ko siya. Hanggang ngayon, panay pa rin ang iyak niya. Sobrang sweet talaga ng babaeng ito kahit kailan. Nalulungkot tuloy ako lalo kapag nakikita kong malungkot siya.“Kung kaya ko lang, Helena, gagawin ko,” sagot ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig.Pagdating sa labas ng penthouse, naghiwalay na kami. Hinaya
Corvus’ POV Si Geronimo ang bumungad sa mga mata ko nung magising na ako. Agad ko namang naalala ‘yung nakausap kong multo kanina kaya tuloy-bangon ako para tumingin sa paligid. “Pare, ano bang nangyari sa ‘yo?” tanong ni Geronimo na takang-taka sa akin. “M-may mult—” Hininto ko ang sasabihin ko kasi baka pati siya ay pag-isipan na nababaliw na ako. “May ano?” tanong pa niya ulit. “Wala, nanaginip lang siguro ako,” tanging sagot ko na lang at saka na ako naupo sa sofa. Tumingin-tingin pa rin ako sa paligid, pinapakiramdaman ko kung nandito pa rin ba ‘yung kaluluwa na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, nagpakilala na siya sa akin kanina.Napatingin ako sa newspaper na nasa lapag. Pinulot ko ito at saka ko muling tinignan ang pangalan niya sa headline. Tama, siya si Alina Lovia. Ang babaeng nagpakamatay—hindi pala. Hindi raw siya nagpakamatay, iyon ang sabi niya kanina. “Mabuti pumunta ako dito. Nagulat ako nang madatnan kitang walang malay. May sakit ka ba?” “Wala, nawalan lang