Share

Kabanata 78

Isang malakas ng sampal ang tumama sa mukha ni Cassie pag-uwi ng kaniyang pamilya sa kanilang tahanan, humagis siya sa sofa sa lakas ng pagkakasampal ng ama niyang si Lucio.

Iniharang ni Linda ang kanyang sarili nang makitang sasaktang muli ni Lucio ang anak nila sa pangalawang pagkakataon.

“Tama na, Lucio. Hindi tama na sa twing may nangyayaring ganito sa atin ay palagi mong sasaktan si Cassie. Wala siyang kasalanan sa nangyari…” pakiusap ni Linda sa asawa.

“Wala? Napakalaking kahihiyan ng nangyari sa pamilya natin at nalaman pa ng buong bansa ang pagkakabaon natin sa utang ng dahil sa lintik na kasal nila ni Sandro na hindi naman natuloy. Ilang beses niyang siniguro sakin na matutuloy ang kasal pero anong nangyari?! Sino ngayon ang mga kasalanan?!” patuloy sa panunumbat si Julio sa anak niyang tumatangis dahil sa nag-iinit niyang pisngi sa sampal na natamo mula sa ama niya.

“Patawarin mo na siya, Lucio. Makakagawa pa naman tayo ng paraan para makabawi kay Mr. Lee. Marami pang paraan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status