Share

0025: [Slight SPG] Instructor

= JHYMEA POV =

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig sa screen ng telepono ko.

“Bakit kaya hindi sinasagot ni Kian ang tawag ko? Busy ba siya?” monologo ko at napailing na lang.

Tinitigan ko ang ibinigay niyang ointment sa akin at kalaunan ay naningkit ang mga mata ko sa mga Chinese characters na nakasulat sa kahon. Maging ang manual na nakuha ko mula sa loob ng kahon ay Chinese din. Halos maduling ako kakabasa kasi wala akong naintindihan. Muli kong tinawagan si Kian na salamat naman ay sinagot na niya.

“Hoy, lalaki!” pagduduro ko sa kanya.

Bahagya siyang nagulat sa pagmumukha ko na para bang nakakita siya ng manigno bago niya ako tinugunan. “What do you want? May meeting pa ako,” pagsusungit niya sa ‘kin.

“Hehe,” hilaw akong natawa sa kanya sabay taas ng ointment na hawak ko. “Paano ba kasi gamitin ‘to?” nahihiyang tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya na para bang handang-handa na niya akong pagalitan. “Hay, I told you. Dapat nagpalagay ka na sa akin n'yan no'ng nasa kotse
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status