Share

prinsesa

Derie May POV

Naiintindihan ko naman ang reaksyon ni Kim tungkol sa umuusbong naming pagtitinginan ni Stefano. Talaga naman kasing ka-kwestyon kwestyon. Pero ang hirap kasing ipaliwanag sa iba lalo ba at ako itong nakakaramdam. Kami lang ni Stefano ang nagkakaintinhan.

Inihatid na ako ng kasamahan ko sa flowershop kasabay ng mga bulaklak sa mansyon ng mga Avedaño. Para kay tita Elsa ay parte lamang ito ng negosyo pero para sa akin ay paraan ito ni Stefano para makasama ako. Malakas ang kutob ko na props niya lang ang mga biniling bulaklak. Gusto niya lamang akong makasama ngayon.

Pagdating ko sa mansyon ay iniwan na ako ng kasamahan ko matapos niyang maibaba ang pagkarami-raming bulaklak. Ako naman ay napatingin sa lawak ng hardin na aking aayusan. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung magsisimula na ba akong mag-ayos o pupuntahan ko na si Stefano sa loob dahil alam ko naman na ako ang iniintay niya.

Ilang sandali pa ay dumating na nga si Stefano. Nakapamulsa pa siya habang naglalakad patungo sa aking kinatatayuan. Napaka-guwapo talaga! Nginingitian na naman niya ako na para bang ako ang pinaka magandang bulaklak na naririto. Ilang sandali pa ay hinuli niya ang kamay ko at muling hinalikan.

"Okay ba ang ginawa ko? Para ko nang binili ang oras mo para makasama ka ngayong oras na ito."

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya sa mga oras na ito. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay kilig na kilig ako. Pakiramdam ko ba ay napaka espesyal kong tao kung paano niya ako kausapin. At itong paghalik niya sa kamay ko ay ramdam kong nirerespeto niya ako.

"P-pasensya ka na kanina, ha. Baka isipin mo kinakahiya kita. Hindi ko lang kasi basta amo si Tita Elsa. Para ko na rin siyang pangalawang magulang. Mula ng maulila ako, siya na ang kumupkop sa akin. Ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng sinisintang lalaki. Ikaw pa lang. Pero huwag kang mag-alala. kapag naging tayo na, ipakikilala rin kita sa kaniya." pagpapaliwanag ko. Tinitignan ko ang reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Wala akong ibang makitang reaksyon niya maliban sa titig na titig siya sa mukha ko.

"Eh, kailan mo ba ako sasagutin? May tsansa ba akong magmay-ari ng puso mo?" wika niya gamit ang seryoso na boses. Gusto kong matawa sa kaniyang tanong.

"Hindi mo pa nga ako nililigawan, eh. Ang sabi mo lang, gusto ko ako."

"Hindi naman kasi ako sanay na manligaw, Derie. Ang totoo niyan babae ang nanliligaw sa akin. Alam mo bang sa dami ng babaeng nakapaligid sa akin ikaw ang naiba? Sa 'yo natuon ang atensyon ko. Kaya nga eto ako ngayon, humahanap ng paraan para mas makilala mo pa ako."

Totoo naman. kung ang pisikal niyang kaanyuan ang pagbabasehan ay talagang hindi na niya kailangan na manligaw dahil kusa na ang mga babae ang lalapit sa kaniya. Parang ako. Unang kita ko pa lamang sa kaniya ay sinabi ko na sa sarili ko na siya ang lalaking gusto kong naging nobyo. Bukod sa pagiging guwapo niya, may kung ano sa kaniyang pagkatao ang Parang humihila sa akin upang lapitan siya.

"Kung ganoon, paano iyan? wala ng ligawan?"

"Wala na siguro. Hindi ba ang sabi mo iniibig mo ako?"

"Oo pero...."

"Iyon lang sapat na para matawag na tayo na. bakit kailangan pa nating patagalin kung pareho naman pala nating gusto ang isa't isa?"

"S-sabagay. Pero ayos lang ba sa 'yo yon? I mean, noong nakaraan lang tayo nagkakilala tapos ngayon tayo na. Hindi ba easy to get ang tawag doon?"

"Hindi naman. Gaya nga ng sabi ko sa 'yo.... naiiba ka sa kanila."

Nagulat na lang ako nang hilahin na niya ako papasok sa loob ng malaking bahay nila. Napakalawak noon at talagang na busog ang aking mga mata sa ganda. "Ang ganda!!! Ang laki pala ng bahay mo? Alam mo bang ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kalaking bahay. Parang palasyo na ito kung ihahambing." Para akong bata na namangha sa mga nakikita. Hindi ko napigilan na hindi lapitan ang mga naglalakihang paintings ns nakasabit sa dingding.

Habang namamangha ako sa kakatingin ay naramdaman ko na lang na hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat mula sa aking likuran. Halos dikit na dikit ang dibdib niya sa likod ko. Muling kumabog ang dibdib ko. Para na naman akong nag-iinit. Sa tuwing nagdidikit ang aming katawan ay agad akong nakakaramdam ng kung ano sa aking pagkababae.

"Tama ka. Para nga itong palasyo. Isang malungkot na palasyo." wika niya gamit ang mahinang boses. Dahil sa kaniyang sinabi ay agad akong napalingon sa kaniya. I saw how pain his eyes was.

"P-paano no naman nasabing isang malungkot ba palasyo? May problema ba?"

"Oo. Wala kasing prinsesa na mag-aalaga sa malungkot na prinsipe. Namatay na ang hari (Gobernador) kaya sobrang lungkot ko. At ang hari, gusto niyang mag-asawa na ang prinsipe (stefano) para muling manumbalik ang saya dito sa palasyo."

Dito na ako napalunok ng mariin. Diyos ko! kasalanan naman ngayon ang hinihirit niya. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga eksena. Ang lumalabas niyan ay ako pala si Cinderella? na mula sa pagiging ulila at alipin ay makakapamgasawa ng isang prinsipe?

Ayokong mag-assume na ako yung tinutukoy niyang prinsesa pero ako kasi yung kasama niya ngayon at sinasabihan niya. "So, malamang ako nga."

"Derie, alam mo bang ikaw ang gusto kong maging prinsesa ng Palasyong ito? Bilang nobyo mo na ngayon, obligasyon mo nang paligayahin ako sa araw-araw at ganoon din ako sa 'yo. Araw-araw kitang pakikiligin."

Hindi ko alam kung gaano ako ka-favorit ni Lord at pinaparanas niya sa akin ang ganitong klaseng kasiyahan. Sobrang sarap sa pakiramdam na makarinig ng ganitong mga salita. lalo na ang pakiramdam ng sunod niyang ginawa sa akin.

Bigla niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya. Ang isa naman niyang kamay ang nakahawak sa likod ng ulo ko. Isang mainit na halik ang iginawad niya sa akin. Isang matagal na halik na ngayon ko lang naranasan. Hindi ito dampi kung hindi isang halik kung saan nagpapalitan na kami ng laway. Dahil inosente ako sa ganitong bagay ay hindi ako makasabay. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan sa sobrang init ng kaniyang paghalik. Kinailangan ko pang humawak sa kaniyang balikat upang kumuha ng suporta.

"Sorry, hindi ako sanay na humalik." wika ko ng saglit na maputol ang aking paghahalikan dahil sa aksidente kong nakagat ang kaniyang pang ibabang labi dahil sa gigil. Nakita kong may dugo ito kaya lalo akong nahiya. baka isipin niya ay gigil nq gigil na ako sa kaniya.

"Okay lang iyan... Ibig sabihin niyan nasasarapan ka. Sabihin mo sa harap ko... masarap ba akong humalik?"

"Oo. m-masarap..."

"Alam mo bang mas may masarap pa diyan?"

"Ha, eh.... ano naman yon?"

"Just follow me!"

Naglakad siya patungong hagdanan at ako naman ay sumunod naman sa kaniya. Wala akong ideya kung anong mas masarap sa pakiramdam ang tinutukoy niya. Nagkaroon na lang ako ng malakas na kutob matapos naming pumasok sa loob ng isang malawak na kwarto.

Nang nakapasok na kaming pareho at dito ko na nakitang ini-lock niya ito. Dito na ako kinabahan.

Huwag niyang sabihin na.....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status