Share

Malaking isda

"Hindi niya sinabing liligawan niya ako pero umamin siya na may gusto siya sa akin. Pero bakit ang bilis? kahapon lang kami nagkasama tapos ngayon sinasabi na niyang interesado siya sa akin? Kahapon ang cold niya pero ngayon nagpapakita na siya ng pagtingin sa akin? Ano ba talaga? Dapat ko bang seryosohin ang mga sinabi niya?" wika ni Derie May sa kaniyang isipan. Balik-balik siya sa paglalakad. Hindi siya mapakali dahil nagwawala ang puso niya. kinikilig siya sa mga galawan ng binata ngunit naroon din ang kaniyang pagtataka.

Bakit bigla bigla na lang itong nagpakita ng pagkagusto sa kaniya?

Naiisip ni Derie May ba baka naglalaro lang ito ngunit iniisip niya rin na maaaring totoo nga ito sa mga pag-amin. Bagamat masyadong mabilis ang mga nangyayari ay tinignan na lang niya ito bilang... "Love is magic. Love is mysterious? kusa mo itong mararamdaman when the right persons comes. Siguro ako yung right person sa kaniya kaya agad niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Oo. ganoon nga siguro ang nangyari kaya siya nagtapat ng pag-ibig sa akin. Hayyy... Ang swerte ko." Hanggang ngayon ay kilig overload pa rin si Derie. Nakapangalumbaba lang siya sa lamesa at iniimagine ang mukha ng binata.

Hindi na niya namalayan ang pagdating ni Kim na kasamahan niya. Mula sa likuran at ginulat siya nito. "Hoyyy!! Ano ang meron at ngumingiti ka mag-isa diyan? ha? Huwag mong sabihing nalipasan ka ng gutom. naku, iba na iyan." Si Kim ay isa ring florista sa flower shop na pinagtatrabahuhan ni Derie May. 12 noon ang simula ng pasok nito at alas sais naman ang uwian. Si Kim na rin ang tinuturing na best friend ni Derie May dahil ito ang madalas niyang kasama at nasasabihan ng mga pangarap sa buhay. Para kay Derie May ay para na niyang nakatatandang kapatid si kim dahil bukod sa mabait ito sa kaniya ay mapagkakatiwalaan pa ito.

Kung kay Elsa ay inilihim ni Derie May ang tungkol kay Stefano, kay kim ay hindi. Hindi pa man din nito nailalapag ang dalang bag ay kaagad na itong hinila ni Derie May at kinwentuhan. "May sasabihin ako sa 'yo, ipangako mo huwag mong sasabihin kahit kanino, ha. Kahit kay tita Elsa."

"Ano ba yon? tungkol ba saan?" Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi namang bukas at tenga ni Kim sa mga kwento ni Derie. Kagaya ngayon, kahit na minsan ay ulit-ulit na lamang ang ikinukwento ni Derie ay pinakikinggan niya ito.

"Tungkol kay Stefano." Sagot naman ni Derie habang nagniningning ang mga mata.

"Stefano? Sinong Stefano?" Kunot noong pag-uulit ni Kim sa nabanggit na pangalan.

"Stefano Avedaño. Yung anak ng Gobernador natin."

"Oh, oo. kilala ko siya. Anong mayroon sa kaniya?"

Akala ni kim ay kung ano lang ang ikwekwento ni Derie May tungkol sa Anak ng Gobernador. Nagulat siya sa ikinuwento nito.

"May gusto siya sa akin. Kagabi, magkasama kami. As in magdamag. kanina rin nandito siya. Ayun, oh. Dinalan niya ako ng kape."

Awtomatikong napataas ng isang kilay si Kim pagkakita niya sa dalawang cup ng kape. Hindi naman sa pag-aano pero tinawanan niya lang ang kaibigan.

"ANO? SI STEFANO MAY GUSTO SA 'YO? PARANG ANG HIRAP NAMAN PANIWALAAN. HOYY, DERIE KAIBIGAN KITA PERO HINDI KO MAPAPANIWALAAN IYANG SINASABI MO. ARAW-ARAW TAYONG MAGKASAMA. AT ALAM KO RIN NA MINSANG BUMILI DITO NG BULAKLAK SI GINOONG STEFANO AT HINDI NA NASUNDAN YON. DIYOS KO KA! NAG-DAY OFF LANG AKO KAHAPON GANIYAN NA PALA ANG MGA NASA ISIP MO."

Dahil iniisip ni Kim ba nagbibiro lang si Derie May, Agad niya na itong tinalikuran. Nag-umpisa na siyang hawakan ang mga gamit sa trabaho samantalang si Derie May ay nakanguso lang sa reaksyon niya.

"Sige, huwag kang maniwala. Mamaya o bukas kapag nakita mo siyang dinalaw ako rito huwag kang kikiligin, ah. Ipangako mo sa akin na tayo lang ang makakaalam nito." May halong tampo ang tono ng dalaga.

Hindi na pinilit ni Derie May na paniwalaan siya ni Kim. Pinanghahawakan niya ang sinabi ni Stefano na araw-araw niya na itong makikita. At hindi naman din siya nabigo.

Kinabukasan, ay dumating ito sa flower shop at pinakyaw ang lahat ng bulaklak doon.

Kaagad siyang nilapitan ng dalaga at pasimpleng binulungan. Naroon kasi si Elsa at alam ni Derie May na isa ito sa mga mamamayan ng Bulacan na galit sa namayapang gobernador. "Stefano, pwede bang huwag mo munang banggitin sa amo namin ang tungkol sa atin. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pagiging malapit natin. Alam mo na."

Saglit na tinapunan ng tingin ng binata ang matandang dalaga na si Elsa. Nakasimangot ito at naintindihan niya ang punto ni Derie. Wala namang pakialam si Stefano sa kung paano siya tignan ni Elsa. Ang sa kaniya lang ay makagawa siya ng paraan upang magustuhan siya ng dalagang si Derie.

"What I want is to fill the mansion's garden with flowers. Red roses for my beloved woman. And you," tinuro niya si Derie May. "you're the one I want to do that." inilabas ni Stefano ang kaniyang pitaka at binayaran ang mga bulaklak. Tinaggap naman ni Elsa ang order ni Stefano dahil negosyo nga naman ito. Habang binibilang niya ang pera ay wala siyang kaalam-alam na pasimpleng nagtitigan ng malagkit ang dalawa sa gilid. At si Kim ang naging saksi kung paano tignan ni Stefano ang dalaga. Ngayon ay naniniwala na siya sa kinekwento nito. Nakita pa ni kim ang paghawak ni Stefano sa kamay ni Derie May at ang paghalik nito dito.

Kinilig si Kim sa dalawa. Bagay na bagay naman kasi talaga. Isang Guwapong binata at magandang dalaga. Masaya si kim para sa kaibigan. Para kay Kim ay wala namang kinalaman si Stefano sa pagiging masamang Gobernador ng ama nito. Hindi kagaya ni Elsa, hindi masama ang tingin ni Kim Jay Stefano kaya boto siya rito para sa kaibigan.

"Salamat, ho! bale, anong oras ko po ba papupuntahin ang tauhan ko sa mansyon?" tanong ni Elsa. Sabay-sabay pa silang apat na napatingin sa orasan.

"The dinner is 6 pm. The time now is 2 pm. I think, pwede na siyang papuntahin sa mansyon." Sagot naman ng binata.

"Okay. Copy, sir" wika muli ni Elsa.

Nauna nang umalis si Stefano. Si Elsa naman ay kinausap ba ang magmahahatid kay Derie May at sa mga bulaklak patungo sa mansyon. Ang dalawa lang ang naiwan sa loob.

Sinundot ni Kim ang tagiliran ni Derie May. Kilig ba kilig ito sa mga nakita. "Kayo, ha! nakita ko yon! Ang haharot niyo.... nakaka-inggit!"

"Bakit mo kasi kami tinitignan? Naniwala ka na ngayon? sabi ko sa 'yo, may gusto sa akin ang anak ng Gobernador ayaw mo pang maniwala. Itong gandang ito? wala kang bilib?" pagyayabang pa ni Derie May sa kaibigan.

Masaya naman si kim para sa kaniya. Iyon nga kang ay nagtataka ito kung paano iyon nangyari samantalang palagi naman silang magkasama ni Derie. Isang beses lang siyang nag-day off tapos ganun na kaagad? "Oo na. I'm happy for you. Stefano na iyan, eh! tiyak na solb ka diyan. Sana lang ay totoo siya sa nararamdaman niya sa 'yo. Ingat lang at baka mamaya ay masaktan ka. Hindi naman sa binababa kita pero napaka laking isada niyang nabingwit mo. Baka hindi mo kayanin."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status